The LockUp

303 14 0
                                    

Alden's POV

"Papi, may napapansin ka ba?" Tanong ni Sam sa akin. Oo, alam ko, malungkot ako ngayon pero hindi ko alam kung bakit. "Malungkot ako." Matipid kong sagot. "Hindi yun. Hindi siya pumasok ngayon. Hindi mo rin siya makontak." Sabi ni Sam sa akin. "At hindi rin pumasok si Duhrizz." Dagdag ni ate Julia. "May problema po kaya silang dalawa ni Duhrizz? Dahil po kaya, nilalandi ako ni Duhrizz kahapon?" Sabi ko sa sarili ko. "Puntahan mo kaya?" Suggestion ni Sam. "Sige. Ipaalam mo nalang ako kay ate Reeza ha." Paalam ko at lumabas na ng broadway


Maine's POV

Hindi ako makagalaw ngayon. Tanging nakikita ko lang ay tansong pader at gumegewang na ilaw sa itaas. At naramdaman kong nakatali sa likod ko ang mga kamay ko at nakatali sa upuang kinauupuan ko ang mga paa ko. May nakatakip ding duct tape sa bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Maya-maya ay pumasok si Duhrizz sa kuwartong hindi ko alam. Pero nakita ko habang di pa sumasara ang pinto na nasa mansyon ang kuwartong 'to. "Feeling good, Yaya?" Tanong ni Duhrizz sa akin. Galaw ako nang galaw sa upuan kasi baka sakaling lumuwag ang tali at makatakas ako, pero sobrang higpit! Agad tinaggal ni Duhrizz yung duct tape sa bibig ko kaya sobrang hapdi sa labi! "Magsalita ka, Yaya!" Sigaw ulit sa akin ni Duhrizz. "Aba, Duhrizz, siyempre, mahirap matali ang kamay at paa sa upuan! Ikaw kaya itali ko dito, hindi ka kaya mahirapan?" Sagot ko. Para may halong comedy, di ba? Biglang natahimik si Duhrizz. Akala mo, ah. Lumabas nalang siya ng kuwarto. Ako naman, tawa lang nang tawa dito. Para tuloy akong tanga. Ako na nga itong nakidnap, ako pa tong tawang tagumpay. Maya-maya nalang ay may narinig akong pamilyar na boses mula sa labas.


"Duhrizz, nakita mo ba si Maine?"


"Ay, sorry, I didn't saw her. Hang-out ka nalang with me."



Si Alden. Nandito si Alden. Hinahanap niya ako. Ikaw na, Alden Richards! "Alden! BaeB Dimples! Nandito ako! Sa pinto, sa katabi ng hagdan!! Alden! Huy, Dimples!" Patuloy kong tili dito. Salamat na rin, Duhrizz. Kung hindi ka pumasok dito at tinanggal ang duct tape sa bibig ko, sana hindi ko nasabihan si Alden. "Alden, don't co-" Pagpigil ni Duhrizz. "Wag kang lalapit sa akin!" Galit na sigaw ni Alden. You.Are.My.Savior.Richard.Pokerson! Bumukas ang pinto at tumambad ang pinakagwapong dimples sa buong mundo. Napangiti ako sa ewan ko, tuwa ba, kilig ba, o excitement ba sa pagkawala sa lintik na mga taling 'to. "Alden....." Pagsimula ko. Binigyan niya ako ng wag-ka-na-magsalita sign at lumapit siya sa akin at tinanggal ang mga tali. Pagkatapos niya, niyakap ko siya nang pagkahigpit-higpit na waring wala nang bukas. He hugged me back, too. "Salamat, Alden." Bulong ko. "Lahat, para sa'yo, My Dubsmash Queen." Sagot niya. Kumawala ako sa yakap at hinawakan ang kamay niya. "Halika na." Sabi ko. Tumango naman siya as response. Tumayo na kami at tumakbo palabas. Napatigil kami nang humarang sa daan si Duhrizz. "You can't walk away from me!" Sabi niya at nilabas ang isang kutsilyo. "Meng, pag umakmang mananaksak si Duhrizz, tumakbo ka palayo at ako na bahala. Kuung mawala man ako ngayon, tandaan mo na aldub you, mahal kita." Bulong sa akin ni Alden. "Grabe ka naman, Alden. Wag naman! Magpapakasal pa tayo, gagawa pa ng anak, mamatay nang magkasama. Kung mamatay ka man ngayon, magpapapatay ako kay Duhrizz. Sige ka." Sagot ko. "TAKBO!!!!" Sigaw ni Alden. Ako namang uto-uto, tumakbo palayo. Kitang-kita ko na pinipigilan ni Alden si Duhrizz na saksakin siya. Siyempre, tumilong ako. Tinulak ko si Duhrizz papuntang hagdan para matagal siyang bumangon. Pagkatulak ko, hinawakan ulit ni Alden ang kamay ko at tumakbo na kami palabas. Doon nakaparada ang sasakyan niya. Sumakay kaming dalawa at nagdrive na siya.


Love Between Family War (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon