Secret Revealed

285 14 0
                                    

Maine's POV

"Hello, Alden?" Sagot ko sa tawag ni Alden. "Kamusta ka na? Balita ko, na-discharge ka na. Buti naman." Sabi niya. "Oo nga, eh. So, ngayon na na-discharge na ako, puwede na tayong ma-" Naputol ang sinabi ko nang hinablot ni Lola ang cellphone ko at pinatay yung tawag. "Hindi ba sabi ko sayo na huwag ka nang makikipagkita at makikipagusap kay Alden?!" Galit na sigaw ni Lola sa akin. "Lola, wala naman po kaming ginagawang masama! Wala naman pong problema si Alden, ha! Ano po bang problema niyo ni Alden, Lola?" Malakas kong sigaw kay Lola. "Aba, Divina, sinisigawan mo na ako? Hindi mo na ako ginagalang? Nahawa ka na ba sa ugali ng tatay ni Alden?" Sigaw ni Lola sa akin. "Lola, hindi naman po sa ganon. Ang point ko lang po, wala naman pong masama kung magkikita kami ni Alden, pero ayaw niyo po. Ano po ba kasi problema niyo kay Alden?" Galit pero mahinahon kong sigaw kay Lola. "DAHIL GINAWANG IMPIYERNO NG TATAY NI ALDEN ANG BUHAY NILA MAMA AT PAPA AT PATI ANG BUHAY KO!!!" Nangigiyak na sagot ni Lola sa tanong ko. Nanlaki nalang mata ko sa sinabi ni Lola. Ginawang impiyerno ng tatay ni Alden ang buhay ang buhay nila Lolo at Lola? Pinigilan ko nalang ang luha ko at lumabas ng kuwarto ko. Pagkalabas ko, sumandal ako sa pader at napatakip nalang sa bibig at humagulgol. "Iha, anong nangyari? Pinagalitan ka ba ni Ate? Hay nako, si Ate talaga." Tanong ni Lola Tidora sa akin. "Lola, *sniffs* may tanong po ako. *sniffs*" Sabi ko kay Lola Tidora. "Sige, Iha, ano yun?" Sagot ni Lola. "Ano po ba yung problema sa pagitan ni Lola at ng tatay ni Alden?" Tanong ko. Bigla namang lumungkot yung mukha ni Lola Tidora. "Eh, yaya, mahabang kuwento yun." Dismayadong sagot ni Lola. "Kahit mahabang kuwento, makikinig po ako." Pangungulit ko.


Magkaibigan simula pagkabata si Nidora at Richard. Hanggang sa mag-asawa at magka-anak ay nananatili silang magkaibigan. Nagkaroon sila ng mga sariling kompanya, ang Faulkerson Inc. at D'Explorer Companies. Ilang beses na ang pagtutulungan ng kanilang kompanya, at naging matagumpay naman ito. Ilang beses narin naitampok sina Nidora at Richard sa telebisyon. Pero habang tumatagal ang kanilang mga kompanya, napansin ni Nidora na parang lumalakas ang kompanya nila Richard at humihina ang kompanya niya. Nagtanim tuloy ng galit si Nidora kay Richard. Pero dahil madaling makaunawa si Nidora ay inintindi niya ang kaibigan, na kalaunan ay itinuring niya na kapatid na lalaki. Hindi alintana nina Nidora at Richard ang panahon. May mga panahon pa nga na naipakilala nila sa isa't isa ang mga anak nila. Si Richard ay ipinakilala kay Nidora ang kaniyang diyunyor, na bibigyan niya ng palayaw na Alden, na isang buwang gulang palang. Si Nidora naman ay ipinakilala ang kaniyang dalawang anak, sina Dorita, ang nanay ni Dora, at si Teodoro, ang tatay ni Duhrizz, na parehong 10 gulang na. Nagustuhan nina Dorita at Teodoro ang batang si Alden, kaya kapag magkakasama sina Richard at Nidora ay inaalagaan nina Dorita at Teodoro si Alden. Samantala, mayroon namang kaibigan si Nidora, si Cher. At naging magkasintahan sina Richard at Cher dahil namatay ang nanay ni Alden. Naging 10 buwan ang relasyon nila at nagpakamatay si Cher sa di-malamang dahilan. Dahil sa depresyon ni Nidora ay nasisi niya si Richard dahil akala niya na niloko niya ang kaibigan. At nagsabay pa ang patuloy na paglakas ng kompanya ni Richard at paghina ng kompanya niya. Kaya tuluyang tumubo ang galit sa puso ni Nidora kay Richard, hanggang sa panahon ngayon.


"Lola, eh bakit naman po dinadamay ni Lola sa Alden sa away nila ng tatay niya?" Nagtataka kong tanong. "Para kasi kay Ate, ang nasa angkan ng Faulkerson ay tulad na ng tatay ni Alden. Kaya ang tingin ni Ate kay Alden, ay tulad din ng tingin niya kay Richard." Explanation ni Lola Tidora. "Grabe naman po pala si Lola. Pero kita niyo naman po diba na mabait si Alden?" Tanong ko. "Oo. Ewan ko lang kay Ate. Baka may katarata lang mata nun, baka kailangan ko nang ipa-ospital yun." Sagot ni Lola Tidora. Pagkatapos magsalita ni Lola Tidora, lumabas si Lola sa kuwarto ko. Pinunasan ko yung luha ko para di halata. "O, Yaya. Telepono mo." Sabi ni Lola sabay abot ng cellphone ko. Kinuha ko naman at umalis na rin si Lola. Umalis na rin si Lola Tidora. Pumasok nalang ako sa kuwarto at itinulog ang problema ko.





Love Between Family War (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon