Maine's POV
"Yaya, mag-ayos ka ng maganda. May bisita tayo sa trabaho." Bilin ni Lola sa akin pagkatapos kong maligo. "Lola, sino po?" Curious ko naman na tanong. "Uuwi ng Pilipinas yung anak ni Amiga galing Italy, si Frankie. And, nabalitaan ko na gusto na ng lolo niya, si Lolo Franing, na ikasal na si Frankie. At, parang gusto ko na ikaw ang ikakasal kay Frankie." Sagot ni Lola. "Ano?! Pero, Lola, paano si Alden? Alam ko, magagalit si Alden kapag nalaman niya 'to. Lola, ayoko." Galit kong sagot kay Lola. "Ewan ko sayo. Basta mag-ayos ka. Kapag hindi ka nag-ayos, hindi ka makakaalis at hindi mo makikita si Alden. Sige ka." Dare sa akin ni Lola. Well, wala akong choice. Nag-ayos ako. Naglagay ako ng slight make-up, and some accesories, and I'm finish. "Yaya, halika na. Baka ma-late pa tayo." Tawag sa akin ni Lola habang pasakay ng Van. "Nandito na po!" Sigaw ko palabas ng pintuan.
*after 30 minutes*
Nandito na kami sa barangay. Binati naman ako ni Alden gamit ang Dubsmash. Naputol ang Dubsmash ko nung may bumusina. Yung Plate "Letter" ng kotse, plate letter kasi wala siyang number, ay FAA. "Ayan na siya, Yaya. Show off your sweet smile." Bulong naman ni Lola sa akin. I showed up my fake smile. At lumabas na siya, at GOSH ang layo ng itsura niya kay Alden!! As in, promise, kahit sinong babae, hindi magkakagusto sa kaniya. I swear, kahit mamatay ako sa oras na 'to. Paglabas niya ng kotse niya, may dala siyang basket of Chocolates. "Hi, Yaya. This is for you." Sabi niya sa akin sabay abot ng mga chocolates. "Hehe, um, thanks." Pasasalamat ko sabay abot sa mga chocolates at inilagay sa malapit na table. "Well, Lola, it's nice to meet you again!" Bati niya kay Lola. "Mabuti naman at nakarating ka ng ligtas dito, Frankie." Sagot ni Lola kay Frankie. Hala, hala, lalapit siya sa kin. Okay, defense, check. Umatras ako papunta sa isang pillar sa likod namin. "Hoy, Yaya, may mga langgam diyan." Nagulat naman ako sa sinabi ni Tito Joey kaya napa-abante ako. "Hey, Yaya, I know you hate me. Please." Sabi niya sa akin. Binigyan ko naman siya ng anong-please-sinasabi-mo-diyan look. "Yaya, kausapin mo naman si Frankie. He's a good guy." Sabi ni Lola. Nabigyan ko tuloy si Lola ng si-frankie-ay-good-guy-nako-lola-imposible look. "Oh, there's Alden. Hi, Alden! You look like me." Bati niya kay Alden. Binigyan namin siya ng weh-di-nga-saang-banda look.
*after KalyeSerye*
(A/N: Hehe, sorry kung inadvance ko na. Wala na kasi akong maisip na idudugtong sa first part ng chap na to eh. Pero, susubukan kong habaan sa second part.)
Nakauwi na kami ni Lola nang, "ANO KA BA?? HINDI MO MAN LANG KINAUSAP SI FRANKIE!! PURO NALANG SI ALDEN, SI ALDEN, SI ALDEN! ANO, SI ALDEN NA BA ANG TUMATAKBO SA ISIPAN MO?? DIVINA, UMAYOS KA NGA. NAGPAKAHIRAP YUNG TAO PARA LANG BUMIYAHE AT MAKAPUNTA KANINA TAPOS DEDEDMAHIN MO LANG? DIVINA, HULI NA TO AH. KAPAG HINDI MO KINAUSAP SI FRANKIE BUKAS, HINDI KA MAKAKALABAS NG KUWARTO MO, HINDI KA MAKAKAKAIN, WALANG CELLPHONE, WALANG LAPTOP, HINDI KA PAPASOK, HINDI MO MAKIKITA SI ALDEN!" Hay nako. Okay lang yan, Maine. Tanggapin mo nalang ang sermon ni Lola, kahit nakakairita. "Okay po, Lola. Gagawin ko na po yun bukas na bukas mismo." Sagot ko. "Sige. Pumnta ka na sa kuwarto mo at magpahinga." Sabi ni Lola sa akin. Sinunod ko naman siya at umidlip nang 30 minutes. Pagkatapos ng 30 minutes, ginising ako ni Rihanna, ang isa pang yaya dito sa bahay ni Lola. "Iha, may humahanap sa iyo sa labas. Mukhang manliligaw mo ata." Nagulat naman ako sa sabi ni Rihanna sa akin. "Ano po? Rihanna, wala pa po akong manliligaw." Sagot ko naman. "Eh, bakit may dala siyang mga chocolates at mga bulaklak? Sige nga, kung hindi mo siya manliligaw." Sabi ni Rihanna sa akin. Naku, sure na sure ako na si Frankie yun. Lumabas ako ng kuwarto ko at nakita si Frankie na naghihintay sa sofa. Lumapit ako sa kaniya. "Oh, Yaya, you are still beautiful even you woke up recently. #WokeUpLikeThis." Sabi niya sa akin. "Thanks. Ano ba kailangan mo dito?" Sabi ko sabay cross-arms at taas ng kanang kilay. "Grabe ka pala. Kapag ginigising, mataray. Well, naiwan mo lang kasi to kanina at nakalimutan ko pang ibigay sa yo itong bouquet of flowers. So, inihatid ko nalang dito. All of these is from Italy." Sabi niya sabay abot sa mga chocolates and flowers. Hanubayen! Yun na nga yung plano ko eh! Kunyari maiiwan ko yung mga chocolates pero and totoo, AYAW KO NG MGA CHOCOLATES KAPAG GALING SA KANIYA! Eh ngayong dinagdagan niya pa ng bouquet, mas laLONG AYOKO NANG TANGGAPIN!! Eh wala akong choice, tinanggap ko ito. "Salamat, Frankie. Sige, makakaalis ka na. Shupeyy!" Sabi ko sa kaniya. Bago siya umalis, "Goodbye, Beautiful!" ang narinig ko mula sa kaniya. Naramdaman ko pang ngumiti siya. Dinala ko na itong mga abubot sa kuwarto ko. Nilagay ko sa katabing table yung mga regalo. Tiningnan ko yung mga chocolates. It took up 1 minute bago ko narealize na naglalaway pala ako. It means na, gusto kong kainin yung chocolates. Kumuha ako ng isa, yung may almonds. Yun kasi favorite ko, Chocolates with Almonds. Nadismaya ako dahil tunaw na nung binuksan ko. Well, mas masarap pag tunaw na, sa tingin ko lang. Binuksan ko ito at nakitang umagos ang melted chocolate sa daliri ko. Ito na naman, naglalaway na naman ako. Sinimulan ko na itong sipsipin kasi baka langgamin pa yung kama ko. Nakakain na ako ng 3 almonds saka tumawag si Alden. Nilinis ko muna yung kamay ko bago ko sinagot yung tawag niya. "Hello, Alden?" Sagot ko habang ngumunguya ng almonds. "Hello, Maine? Kumakain ka ba?" Curious na tanong ni Alden. "Ng chocolates. Bakit ka napatawag?" Sagot ko naman sabay lulok sa almonds. "I hate you, Nicomaine Dei Capili Mendoza." Galit na sagot niya sa akin. "Hala, BaeB Dimples, bakit naman?" Maiiyak kong sagot habang tinitingnan yung bouquet. "Kasi kinakain mo yung chocolates na binigay sa iyo ni Frankie habang tinititigan yung bouquet of flowers na HINDI galing sa AKIN." Galit na sagot sa akin ni Alden. Hala! Paano niya yun nalaman? Tumingin-tingin ako sa palagid at tumingin sa salamin. Nakita ko si Alden sa pintuan ng kuwarto ko. Napatalon naman ako sa gulat. "B-bakit ka napunta dito?" Sabi ko sa mahinang boses. "I just wanna make sure na hindi ka mapupuntahan ni Frankie dito but I failed, at yun nga, binigay niya sa iyo yang chocolates at bouquet. And the worst part, eh parang ine-enjoy mo pa yan. Siguro pinlano mo talaga na iwanan yung chocolates sa barangay para makapunta dito si Frankie?" Galit niyang sabi sa akin. "Halika nga dito." Sabi ko sa kaniya sabay hila papunta sa kama ko. Isinara ko muna yung pinto. "Ano ka ba? Pag nakita ka ni Lola dito, masesermunan na naman ako nun. Baka di pa ako payagang makapasok bukas." Bulong ko sa kaniya. "Eh, sorry. Ayoko lang kasing, makita si Frankie na nilalapitan ka eh. But explain, bakit mo kinakain yung chocolates?" Sabi niya sa kin. "Eh kasi, naglalaway na ako eh. Sayang naman. Sana maintindihan mo, BaeB Dimples." Sabi ko sabay hawi sa malambot niyang buhok. "Eh yung flowers naman." Sabi niya habang nag-crossarms. Nagbuntong-hininga nalang ako at, "Nagyon lang kasi ako nakakita ng ganyang kagandang bulaklak. Hanubayen, BaeB Dimples, nalulungkot ako pag nagtatampo ka sa akin eh. Wag nang ganyanan, Dimples, please?" Sabi ko sa kaniya sabay akap sa balikat niya at binigyan ng swearing face. Napangiti nalang siya at tumingin sa sahig. Tumingin siya ulit sa akin. "Ang ganda mo parin pala pag nagse-swear ka, no? Sige na nga, hindi kasi kita matiis eh." Sabi niya sabay paglabas ng deadly weapon niya. (Alam niyo na yun!). "YAY!!!!! Ayan, okay na, wag ka na magtampo ha, BaeB!!" Sabi ko sa kaniya na hindi pa kumakawala sa yakap ko. "Oo na. Cute mo kasi eh. Sige na, alis na ako. Mamaya eh, baka mahuli pa tayo ni Lola." Paalam niya. "Sige. Ingat ka ah! Baka mamaya, maholdap ka sa daan eh." Concern kong sabi. "Dala-dala ko kotse ko. I know I'm safe. Don't worry. Good Bye, Dubsmash Queen!" Sabi niya sabay kaway at labas ng bintana. "Good bye and be safe, BaeB Dimples!" Paalam ko. Hay nako, makatulog na nga. Sana mapaginipan ko si BaeB.
BINABASA MO ANG
Love Between Family War (AlDub)
FanfictionIsang yaya si Maine sa amo at Lola niyang si Lola Nidora. Iniwan siya ng kaniyang nanay kay Nidora para maalagaan ni Nidora. Kaya simula sanggol pa lamang, itinuring nang anak si Maine ni Lola Nidora. Si Alden naman ay anak ng isang mayamang pamilya...