Departure

262 13 0
                                    

Maine's POV

"Tinidora, wag mo namang gawin to." Rinig kong sabi ni Lola na may kasamang iyak. "Ate, kailangan ko munang mapag-isa." Sagot naman ni Lola Tinidora. Hindi ko lang maintindihan kung anong nangyayari kasi kakagising ko lang. Tumayo ako sa kama at naglakad palabas ng kuwarto ko. Nung nabuksan ko na yung pintuan, nakita ko si Lola na umiiyak at si Lola Tinidora na may hawak-hawak na dalawang maleta. Pagkatapos nun ay naramdaman ko nang may namumuong luha sa mga mata ko. "Lola," sabi ko na parang iiyak na, "bakit po kayo may dalang maleta?" Lumapit si Lola Tinidora sa akin para yakapin ako at hindi ko na napigilang umiyak. Umiyak ako nang umiyak dahil nalaman kong mangingibang-bansa na naman si Lola. "Iha, sorry." Sabi sa akin ni Lola habang yakap-yakap ako. "Gusto ko lang kasing magsarili. Pasensya na kung hindi ko agad nasabi sa inyo ni Ate." Pagdagdag niya pa. "Pero, Lola, mag-promise po kayo na mag-iingat kayo dun sa Amerika, ah." Sagot ko kay Lola habang umiiyak parin. "Siyempre naman. Promise ko yan sayo, Maine." Sagot ni Lola sabay kalas sa yakap niya. Pinunasan ko yung mga luha ko gamit yung kamay ko. "Mag-ingat po kayo, Lola. Sana po walang mangyaring masama sa inyo dun sa Amerika." Pag-iingat ko. "Sige. Salamat, Yaya, Ate, alis na ako." Paalam ni Lola Tinidora. Tumango nalang kami ni Lola as response, at umalis na din siya. Naglakad papunta si Lola sa kuwarto niya at narinig ko siyang humagulgol. At tinuloy ko nalang ang tulog ko.....


Love Between Family War (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon