Secret Second Meeting

298 18 0
                                    

Maine's POV


Aww, Ouch! Ang sakit ng ulo ko! A-ano bang nangyari? "Direk! Nagigising na si Meng!" Sigaw ng isa sa mga staff. "Maine, okay ka na? Ano bang nangyari sa yo kanina?" Tanong ni Direk sa akin. Tapos, narealize ko nalang na nasa ospital. "Hindi ko po maalala. Ano po ba nangyari?" Tanong ko habang nakahawak sa ulo ko. "Nahimatay ka kanina sa kasal niyo ni Frankie. May karamdaman ka ba?" Tanong ni Ate Reeza sa akin. "Ang sikip po kasi ng gown saka po ang init sa altar." Sagot ko. "Tapos?" Sabay nilang tanong. "Humawak po ako nang mahigpit kay Frankie at bigla nalang pong naging itim ang lahat. Hanggang dun nalang po naalala ko." Sagot ko. "Ahh, sige. Iwanan ka muna namin ni Reeza dito. Hahayaan ka muna naming magpahinga." Sabi ni Direk at lumabas na sila pareho. Maupo na nga lang ako sa kama ko at tingnan ang nakatusok na dextrose sa kamay ko. Tapos nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto. At tumambad ang isang lalaking naka-black hoodie at maong na pants. Hindi ko makita yung mukha kasi nakayuko siya. Pero may dala siyang malaking bouquet of pink roses at heart-shaped chocolates. Nung sinara niya yung pinto, naglakad siya ng 3 steps. At pinakita  yung mukha niya. "B-baeB Dimples?" Nakangiti kong tanong. "My Dubsmash Queen, kamusta ka na?" Tanong niya ulit. "BaeB Dimples!" Tili ko na aakmang tatakbo papunta kay Alden. "Shh. Ako nalang lalapit. Baka maputol pa yung dextrose mo." Sabi ni Alden sabay lapit sa akin. "Bakit ka ba naka-black hoodie? May pinagtataguan ka ba?" Tanong ko. "Ayoko lang malaman nila na dinalaw kita dito. Di bale, flowers and chocolates for a beautiful girl like you. Kaya ka pala nawala nun. Nahimatay ka pala." Sabi ni Alden na biglang lumungkot. "O, BaeB Dimples, bakit? Sandali, pumunta ka sa kasal?" Gulat kong tanong kay Alden. "Oo, pero pagdating ko dun, wala ka na. Nasuntok pa nga ako ni Frankie eh." Sagot niya sa tanong ko. "Hala! Saan ka niya sinuntok? Masakit pa ba? Halika, gamutin ko." Concern kong sagot. "Hindi. Okay na ako. Nakita na kita eh." Sabi niya sa akin at pinakita pa yung deadly weapon niya. "Ikaw, ha. Sa tingin ko, mas mabilis pa akong gagaling dahil dinalaw ako dito ng isang Alden Richards." Hugot ko naman. Isang matipid na Pfft ang sinagot niya. "So, ano? Kamusta ka na? Hindi ka na ba nahihilo? May masakit pa ba sa yo? May sinabi na ba yung doktor na puwede ka nang ma-discharge?" Sunod-sunod niyang tanong. "Wow ha, Alden, bakit naman ganyan yung mga klase ng tanong mo? Bakit ka naman excited na ma-discharge ako?" Nakangiti kong tanong sa kaniya. "Eh, My Dubsmash Queen, excited na akong makita ka ulit sa barangay eh." Nakangiti niyang sagot. "Ikaw talaga! Alam mo, suspicious ka na! Parang may tinatago ka sakin eh." Natatawa kong sabi kay Dimples. At ito naman ay hindi nakasagot. "Hay nako, Richard Reyes Faulkerson, Jr., silence means yes." Dagdag ko. Maya-maya nalang ay narinig namin ang boses nila Lola at Frankie. "Maine, saan ako magtatago?" Naiirita niyang bulong sa akin. "Um, sa ilalim ng kama. Bilis na!" Bulong ko naman. At gumapang na siya papuntang ilalim ng kama. At pagkabukas ng pinto ay tumambad si Lola at si Frankie. Pero bago sila makapasok ay nagtulug-tulugan ako. "Ay, tulog pa si Divina. Mamaya mo nalang siya kausapin, Frankie." Sabi ni Lola kay Frankie. "Yeah, I see. Sige, labas muna tayo." Sagot ni Frankie at lumabas na sila. Pagkatapos sumara ng pinto ay lumabas na rin si Alden sa ilalim ng kama. "Buti nalang lumabas sila agad." Sabi ni Alden. "Oo nga. So, may balak palang kausapin ako ni Frankie, ha?" Sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa pinto. "Uh, My Dubsmash Queen, alis na ako ha? Baka kasi, mahuli pa ako dito eh." Paalam niya sa akin. "Sige, BaeB Dimples. Ingat ka ah!" Sagot ko naman. "Asawa ni?" Tanong niya. "Haha. Ingot ka ah! Grabe ka ha! Kung anu-ano naiisip mo!" Pang-aasar ko. "Sige na! Bye!" Paalam niya pa at lumabas na nga. Hay nako! Feeling ko talaga magaling na ako! Dok! Ready na ako ma-discharge!







Love Between Family War (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon