"Never beg for a relationship. Be brave to accept the one who wants to be with you. And reject the one who just pretends to be with you."
Caught In The Act
Padarag akong lumakad papunta sa cafeteria. Hindi ko pinansin ang mga taong nabubunggo ko habang naglalakad. Panay ang reklamo ng mga ito pero I'm too engrossed to turn my head and shout to them.
"Aw, shit. Miss tumingin-" nag-angat ako ng tingin nang nabitin sa ere ang pagsasalita niya. Medyo binagalan ko din ang lakad ko. "Ven, saan ang punta mo?"
Umirap ako saka ngumisi. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko habang siya ay nakasunod lang sakin.
"Ven." Tawag nya pero hindi ko siya pinansin. May mas mahalaga pa akong pupuntahan. "Ven, sandali." Nakita ko na ang cafeteria kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. "Ven!"
Napangiwi ako sa pagkakahatak niya sakin. Inis na tinitigan ko siya. "What?"
"Don't." umiling siya. "Don't go there."
Kinabahan ako. Mas lalong gusto kong pumunta. Kanina, nakareceive ako ng text galing kay Janica telling me to see it for myself na hindi seryoso si Jude sakin. That's why I'm rushing, gusto kong matapos na ang kabaliwan niya. Alam kong patay na patay siya sa boyfriend ko at bitter kaya nya kami sinisiraan. I know he can't do that. He loves me. Hurting me is the least thing that he can do.
"I'm hungry!"
"Then let's go somewhere.."
Napairap nanaman ako. Hobby ko na ito kapag kaharap ko siya. "I don't want to be with you."
Tumalikod na ako. Kung hindi nya ako kinausap malamang ay kanina pa kami magkasama ni Jude.
Or maybe not...
Because I saw him and Janica making out to the side. Nakapalupot ang mga braso at hita niya kay Jude. I winced. Ang laswa lang tignan.
Narinig ko pa din ang pagtawag sakin ni Dace. Papahina ng papahina habang papalapit siya.
Naglakad ako papalapit sa kanila. I heard him calling my name again and held my wrist.
"Ven."
"No, Dace. You don't have any business here." Sabay tinanggal ang nakahawak niyang kamay.
Tumapat ako sa kanila. Humihingal na tumigil sila at gulat na napatingin sakin. Napatawa naman ang bruha habang si Jude, nakatingin lang. Poker face. Walang pakialam. Damn.
Even if it's obvious, I manage to ask. "Ano 'to?"
Mas idinikit pa ni Janica ang sarili bago ako sinagot. "See what I told you?"
Hindi ko siya pinansin at bumaling kay Jude. "Jude, care to explain?"
Hindi.. Inakit lang siya ni Janice. Hindi siya seryoso.. Sa akin padin siya sasama.
"I have nothing to explain, Venice."
Hinampas ko yung lamesa dahilan para mapatingin ang ilan samin. Wrong move.
Tumayo bigla si Janica at akala ko ay sasampalin o susugurin niya ako kaya naghanda ako. Pero nagulat ako nang umupo siya sa kandungan ni Jude.
Nanlaki ang mata ko. Actually, nanlaki din ang mata ni Jude.
"Everyone!" masayang sigaw ni Janica sa mga tao sa cafeteria. "Look at Lovien Venice Aquias. She's so desperate to steal my boyfriend."
BINABASA MO ANG
I Don't Care ✔
RomanceA short story inspired by a selfless guy that is madly in love with a girl who never care for him. If you are the guy, are you willing to stay? *A side story of 'She's My Girl. Dace and Venice' story. - Story by pomiRon