Go Away
Hindi ko naman maitatanggi na na-aapreciate ko lahat ng move ni Dace sa akin. Kahit simpleng bagay lang iyon ay nagiging malaki lalo na kung siya ang gumagawa.
"Ven, umamin ka nga ha. Kayo na ba ni Dace?" hinarang ako ni Rei at bigla nalang nagtanong. Napairap ako sa kawalan. If I know, alagad ni dakilang Janica 'to.
"Ano naman kung oo?" mataray na hamon ko sa kanya. Nakita ko siyang natigilan at maya-maya ay napakagat sa labi.
"Ang landi mo din 'no? Matapos si Jude, si Dace naman pinapatos mo? Tapos ano? Kapag sawa ka na sino naman ang susunod-" isang malakas na sampal ang nagpatigil sa pagputak niya. Namanhid bigla ang kamay ko sa impact. Marahas kong isinukbit ang bag kong nalaglag na pala ng hindi ko napapansin at nginisian siya. "Kung malandi ako, then sana matagal palang pinatulan ko na siya, diba? At hindi mo ba alam ang salitang malandi?" napatawa ako. "Ipakain mo yang salitang yan sa kaibigan mong panget! Siya ang malandi! Siya ang umahas sa amin ni Jude! Siya ang dapat nahihirapan hindi ako!" napailing nalang ako nang mapagtantong hindi pa pala ubos ang luha ko para sa sakit na naranasan ko. Iniwan ko na siya doon at nagmamadaling naglakad. Nakakuha nanaman kasi ako ng atensyon sa corridor. Nitong mga nakaraang araw, parang may after shock pa ako sa nangyari. Feeling ko kapag nakatingin sila ay hinuhusgahan kaagad nila ako. Para bang kinakaawaan ako..
Nanginginig na itinapat ko ang cellphone sa tainga ko saka mahinang umiyak. Pagkatapos ng dalawang ring, sinagot niya ito.
"Hey, Ven. I'm sorry may klase kasi ako ngayon-"
"I need you here." Impit na putol ko habang patuloy pa din sa pagtulo ang luha ko. Narinig ko ang pagsinghap niya. "Please."
Binabaan niya ako ng tawag kaya naman napaupo nalang ako sa sahig. Maya-maya tumawag ulit siya.
"Hey, I'm sorry. I went out already. Saan ka? 'Wag kang aalis diyan. Pupuntahan kita."
True to his word, pinuntahan nga niya ako. Kaagad niya akong dinaluhan at niyakap. Hinagod-hagod niya yung likod ko at patuloy na bumubulong na magiging maayos din ang lahat. Nang kumalma na ako ay pinaulanan niya ako ng tanong.
"Did he hurt you? Or that bitch messed up with you? Sabihin mo sakin, Venice!"
Umiling ako.
"I swear I'll punch him again."
"Hindi siya, Dace. Please. Leave him alone."
Umangal kaagad siya at natahimik din. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero ipinagpasalamat ko nalang iyon dahil mas naikalma ko ang sarili sa katahimikan na namagitan sa amin.
"Are you still willing to do this, Ven? Kasi I'm sure you're just going to hurt yourself."
"I'm already hurting... so let it be. Let me hurt myself more." Napasabunot siya sa buhok saka muli akong kinabig upang mayakap.
Humiwalay siya saka ako tinignan sa mukha. "Ang daya."
"Huh?"
"Ang daya mo." Seryoso niyang sabi. Nagtaka ako.. Madaya saan? Tinitigan ko siya, naghihintay ng sagot sa sinabi niya. Gusto kong ipaintindi niya sakin pero umiling lang siya saka hinalikan ako sa noo. I swear, that made me smile. Such a sweet. "Ang daya. Ganda mo pa din kahit umiiyak."
BINABASA MO ANG
I Don't Care ✔
Roman d'amourA short story inspired by a selfless guy that is madly in love with a girl who never care for him. If you are the guy, are you willing to stay? *A side story of 'She's My Girl. Dace and Venice' story. - Story by pomiRon