CHAPTER TWO.

47 1 0
                                    

The Return


"Kuya, bakit ba ang bait bait nung si Wren?" tanong ko sa kuya ko habang umiinom ako ng favorite kong Chucky. Si Wren ay friend ng Kuya ko at magkaklase ata sila ngayong Fourth Year.

"Si Wren? Oo. Mabait nga yun pag tulog." Tumawa siya pero sumimangot lang ako. Nakita niya ang mukha ko kaya inagaw niya yung Chucky ko at ininom. Umangal kaagad ako.

"Yuck! Sayo na! Kainis." Tumingin lang ako sa sahig at naglakad. First Year ako habang si kuya ay Fourth Year na. Three years ang tanda niya sakin.

"Hey, Ven papalitan ko nalang.. 'Wag ka nang magtampo diyan. Nauuhaw na kasi ako." Natatawa niyang sigaw at sumunod sakin. Mas lalong nalukot ang mukha ko. Whatever. "Huy, bilis mo maglakad. Wala pa naman sundo natin."

"Wag mo akong kausapin."

"Oh, come on!" biglang lumingon sa harap si kuya at may tinawag. "Hey, Wren!"

Napalingon din ako. Nakita kong tumawa si kuya sakin kaya tinapakan ko siya sa paa. "Oh, my little sister is growing. May crush na!"

"Oy, 'di ah!"

"Pero lumingon siya nung tinawag ko si Wren.." napasimangot nanaman ako. Naisahan niya ako dun ah. Wala namang Wren.

"Don't like him." Wala sa lugar na sabi niya. Napaangat ako ng tingin. "He's too... I don't know. Sa tingin ko, hindi dapat kayo magkasama."

"Huh?"

"Look, Ven. He's very kind. Ayokong mahawaan siya ng kasungitan mo." Hinampas ko siya kaya kaagad siyang tumawa. "No.. Basta. 'Wag siya Ven.. Madami siyang pinagdadaanan. Magugulo mo lang lalo ang buhay niya."

Magulo. Wala akong naintindihan pero tumango nalang ako. I don't care. It's just a simple crush. Makakalimutan ko din siya..

And true to my words, nakalimutan ko na nga talaga siya. Days passed at nagbago ang lahat. Tumanda ako, dumami ang suitors at natutong mag-ayos. Si Kuya grumanduate na kaya ako nalang ang naiwan sa University.

"Venice!!" napalingon ako sa tumatakbong si Jude. Hinintay ko siya na maabutan ako at nang makalapit ay binigyan niya kaagad ako ng isang matagal na halik. Napatili ako dahil bigla bigla na lang niya akong tinulak sa kanya at sinopresa ng halik. Nang hiwalayan niya ako ay hinampas ko siya sa balikat.

"Kissing monster."

"Gusto mo naman." Naghagikgikan kami at sabay na naglakad papuntang room. Sa 'di kalayuan ay may natanaw akong lalaki. Pamilyar.. Nanlaki ang mata ko.

"O, bakit?" napahinto kasi ako sa paglalakad kaya nagtaka si Jude. I'm in my First Year college na pala.

"Wala. I think I just saw someone. Pamilyar. Classmate ni Kuya."

"Ooh." Inakbayan niya ako saka ngumuso. "I hope it's not a guy."

Tumawa ako kasi halatang nagseselos ang lolo nyo. "A guy." Pagtatama ko.

"Let's go." wala sa sariling hinila niya ako kaya napangiti nalang ako. Di bale, tatadtarin ko nalang siya ng kiss mamaya. Yun lang naman ang solusyon.

"Hey." Tinawag ko siya nang hindi siya kumikibo sa kwento ko. Nasa cafeteria na kami para sa lunch. "Juuude!"

"Ano?" galit na sagot niya.

"Selos ka?"

"No!"

"Come here." Ngiti ko sabay lahad ng kamay. Noong una, nag-aalangan siya pero sumunod din. Kaagad ko siyang siniil ng halik. PDA. Normal nalang yan dito sa University.

I Don't Care ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon