Still Into You
a/n: This update is for you.
- - -
His Point of view
Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Mas maaliwalas, mabango at maluwang ito sa inaasahan ko. Naramdaman ko ang pagtapik ng kamay sa aking balikat.
"Is the room enough for you?" alanganing tanong nito sakin. Humarap ako at tumango.
"This is more than enough, Sir." Magalang kong sagot bago magbigay ng isang ngiti.
Napatingin ito at umiling. Itinaas pa ang kamay. "Oh no, don't call me Sir. You know I hate to hear it coming from my own son."
I gave him an apologetic look. "I'm sorry po. Hindi lang po ako sanay."
"We can do something about it naman. All you have to do is to get use calling me 'daddy'. You know, I've longed for this to finally hear my son calling me dad."
Yumuko ako. "I'm sorry po."
"I can clearly see myself to you. Magalang at mapagkumbaba." At tumawa ito. "Kidding. I'm a bad boy at your age. Well, that's what your mom address me. Kaya nga pahirapan kong nakuha ang loob nun. Mabuti at hindi mo namana ang pagkapilya ng isang yun. Malas lang ni Lauren at yun ang nakuha niya sa mommy nyo." Tukoy nito sa nakababata kong kapatid. Napangiti ako. He looks strict and domineering, but once you befriend him you'll see the hidden side of him. A father with a big heart. I'm so blessed to have him.
Tinapik niya ulit ako sa balikat. "Paano, maiwan na muna kita. Magpatulong ka nalang kila Dita sa pag-aayos."
"No thanks po. I can do it alone."
"Ok. If that's what you want."
Naiwan ako sa kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama saka muling inilibot ang tingin.
I still can't believe I'm finally home. Not with someone else, but my family. I've longed for this... A place to call a home. A family to lean on. I never been this overwhelmed in my entire life.
Hindi pa ako lubos nakakarecover sa hirap na dinanas ko kaya hindi ako sanay ng pinagsisilbihan ako.
Lumapit na ako sa mga box kung saan nakalagay ang mga gamit ko para mailagay na sa tamang lalagyan. Ihuhuli ko nalang siguro ang mga damit since kaunti lang naman iyon at madali nalang ayusin.
Nahagip ng mata ko ang Yearbook ko nung High School at wala sa sariling binuklat ito. I suddenly miss going to school. Maybe I'll talk to my father later. Bigla nalang may nalaglag na mga larawan na mukhang nakaipit dito. Pinulot ko ito at inisa-isa. Napangiti ako habang nakatitig sa litrato kong naka-toga habang may nakaabriste saking isang magandang dalaga na may malawak na ngiti. Hindi nakaligtas sa akin ang iritadong mukha ko dito. I chuckled.
Nasaan na kaya siya? Ang tagal na din nang huli ko siyang makita. Hindi ko padin makalimutan ang pagsigaw niya noon para sabihing mahal niya ako. Nakakahiya kay Mr. Ong pero tinawanan lang naman niya ito at sa halip, siya pa ang nag-akay sa babae para makapagpicture kaming dalawa. Nakakahanga nga ang confidence niya. Mukhang likas na ata sa kanila ang ganoong pag-uugali. Magkapatid nga sila ni Stanley.
I suddenly got trilled to see her. How does she look now? I bet she's really beautiful. Noon palang litaw na ang kagandahan nya so I bet she's a real lady now.
***
"I happily announced to all, my son, Dace Christoffer Ventura." Nagpalakpakan ang mga tao. Sinenyasan ako ng daddy na lumapit sa kanya. Nanigas ako.. This is it.. Opisyal nang ibinalita na nahanap na ang lalaking anak ng isang business tycoon na si Dylan Ventura. Maraming press ang dumating at kanina pa ako nahihilo sa pagsulpot nila.
BINABASA MO ANG
I Don't Care ✔
RomanceA short story inspired by a selfless guy that is madly in love with a girl who never care for him. If you are the guy, are you willing to stay? *A side story of 'She's My Girl. Dace and Venice' story. - Story by pomiRon