Clara
Nagmamadali akong lumabas ng airport. Halos kalalapag lang ng eroplano pero gusto ko nang talunin ang bintana para makalabas at makauwi na.
Isa pa, may gusto akong makita.
Hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin ngayon. Nakita ko kung paano lumaki ang mata ng magandang si Cha sabay hampas sa braso nang asawa nya. Napangiwi ako. Ganoon ba talaga kapag buntis? I shrugged at that thought. Maybe.
"Welcome home!" masayang bati nila. Ngayon ko lang natitigan ang mga taong kasama nila. Hindi kumpleto ang kaibigan ni Chrome. Nandito ang pinakamatanda na si Val, si Miggy and of course, Faye.
"Thanks.." alanganing sagot ko, hindi naman kasi kami close. "I'm surprise dahil ang daming sumalubong sakin.." sabay tingin kay Chrome para sa paliwanag.
"Ewan ko sa mga 'yan, Venice. Gusto daw nila sumama." Sabi nito sabay kamot ng ulo. Mukhang siya ay hindi maintindihan kung bakit nandito ang mga kaibigan.
"Ano ka ba, Chrome!" singit ni Val sabay lapit. Ngumiti ito sakin. "Gusto lang naman namin makita si Ven."
Napataas ang kilay ko. We barely talk, and calling me with my nickname made my eyebrows raised. Feeling close?
Alam kong hindi pa kami ganoon nakakapag-usap kaya nagtataka talaga ako sa kinikilos ng mga ito. Maybe si Steve, dahil nakakapag-usap na din kami ng matagal at alam niya 'yung... tungkol sa amin ni Dace.
"Ang ganda mo talaga." Dagdag pa nito. Siya namang batok ni Miggy sa lalaki. "Gago! Kapag nalaman ni Da-"
Napatingin kaagad ako sa kanya. Alam ko kung ano ang sasabihin niya pero bakit hindi nya itinuloy noong napatingin ako sa kanya? Shouldn't I suppose to hear his name? At nasaan siya kung nandito ang iba nyang barkada?
Suddenly I felt disappointed. Akala ko ba naman...
"Ven." Mabilis lumapit sa akin si Faye at kumapit sa braso ko. "How's LA? Kamusta sila Tito?" tukoy nito sa ama ko at sa kuya ko. Doon kasi muna sila namamalagi. Sinamahan ng kuya ko ang daddy para magpagamot about sa puso nito. My father's not getting any younger kaya ang kuya ko na ang bahala sa mga inaasikaso ni daddy. Sya naman din kasi ang magmamana nun.
"Ok naman. I visit my other relatives. At si dad? Maayos na siya, hindi na kasi nai-stress sa trabaho. Palagi namang nasa tabi nya si Kuya." May bigla akong naalala kaya lumingon ako kay Chrome. "Do you know Zero? I bumped into him there, actually, kasama nya 'yung mga barkada niya. He said Hi to you."
Napatango si Chrome. "Oo. Kaibigan ko siya. Barkada ng Kuya ni Chiselle. How is he? Bigla nalang yun nawala."
"Hindi ko alam. Binati lang nila ako at umalis na."
Hindi na din naman kami nagtagal, umalis na din kami. Sumakay ako sa kotse nila Chrome since mas komportable ako kasama sila. At isa pa, excited akong kausap ni Cha. Ewan ko kung bakit pero I kind of enjoy her company. She's bubbly and talkative.
"Anong gender ng anak mo, Cha?"
"It's a boy." May ngiti sa labi nya nang sabihin 'yun. Kabuwanan na nya kaya mas ingat si Chrome sa kanya. Dapat nga ay hindi na siya kasama pero mapilit ang asawa. "Ninang ka ha?"
Natawa ako saka tumango. "I'd love to."
"Nga pala, Venice." Napalingon ako sa kaliwa ko, kay Faye. "Inumpisahan ko nang ayusin ang schedule mo. Next next week pa naman ang start kaya pwede ka pang magliwaliw."
"Thanks, Faye." Ngiti ko dito. "But no international project, ha."
"Sure."
"Why not, Ven?" napalingon ako sa harap ng magsalita si Cha. "Ayaw mo magwork sa ibang bansa? Isn't it everybody's dream especially a model like you?"
BINABASA MO ANG
I Don't Care ✔
RomanceA short story inspired by a selfless guy that is madly in love with a girl who never care for him. If you are the guy, are you willing to stay? *A side story of 'She's My Girl. Dace and Venice' story. - Story by pomiRon