CHAPTER FIVE.

20 1 0
                                    

Selfless Or Selfish?



Napalundag ako nang may biglang humalik sa pisngi ko bago umupo sa tabi ko. Nasa may garden ako ng school at dito nakaupo para magreview. Puno na kasi 'yung Library lalo na kapag Exam week.

"Hey." Masayang bati ni Dace bago nilapag ang mga Plates niya. Nawala sa isip ko ang paghalik niya sakin kanina at inusisa ang mga gawa niya. Nakita kong puro uno ito.

"Wow. Galing!" masayang puri ko nang makitang lahat 'yun uno! Sya na talaga!

"Thanks.." ngumiti siya saka inayos 'yung ginulo ko. Maya-maya nagsimula nanaman siyang gumawa ng bagong Plates nya.

Hindi ko napigilang mag-usisa. "Kailan ba ang deadline nyan?" nakita ko kasing tatlo pa ang gagawin niya. Puro linya at kung anu-ano ito kaya napakamot ako ng ulo. Mukhang mahihirapan ako ah.

"Mamaya."

"ANO?" natawa nanaman siya sa sudden outburst ko. Pinalo ko siya sa braso saka inilapag yung librong binabasa ko. "Akin na. Tulong ako. Pero 'yung madali lang ah."

Manghang napalingon siya sakin. "Really? Are you sure?"

Tumango ako. "Dalian mo. Bago pa magbago isip ko."

Sinabi niya sakin kung ano ang gagawin, kung paano gamitin 'yung mga ruler at signpen niya na may iba't ibang kapal. Madali ko lang namang natutunan at nag-enjoy pa ako habang gumagawa. Nag-uusap lang kami ng kung anu-ano habang gumagawa. Natapos ko ang isang Plate nang isang oras samantalang siya in twenty minutes lang ay natapos na niya. Wala pang mali 'yun ah. Ako nakatatlong ulit pa ata.

Habang gumagawa ay nagsasalita ako. Ayoko kasi ng tahimik kaya ako na ang gumagawa ng paraan para maging maingay ang paligid.

"What is the frequency of a broken heart?" Out of knowhere kong tanong. Napahinto naman siya at tinignan ako nang may pagkamangha.

"What?" natatawang iling nya. "I don't know."

"Oh, come on! Manghula ka naman." Napasimangot na ako. Boring naman nito.

Pinisil nanaman niya ang baba ko. That gesture again. "Siret na."

Pinalis ko sa isipan ko ang ginawa niya saka umubo bago sabihin ang sagot. "Edi, it HERTZ"

Walang tumawa...

Ay, boring talaga!

Pinalo ko siya sa ulo. Napa-aray naman siya. "Bakit hindi ka tumawa?"

"Joke ba yun?" at nagkunwaring natawa. "Sorry, I'm not aware."

"Bwisit ka." Napatingin naman ako sa gawa niya at namangha. Wala sa sariling napatingin din ako sa kamay niya."Ang galing ng kamay mo ah." Hinawakan ko ang kamay niya saka inalisa ito. "Siguro hindi ka naghuhugas ng pinggan. Lambot ng kamay eh."

"Parang siya naghuhugas." Ngumisi siya saka pinagsiklop ang kamay namin. Naramdaman ko naman ang init ng kamay niya, at wala sa sariling napansin na sakto ang kamay ko sa kanya..

It's like, my hand perfectly fits with his...

Ay teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko?

"I do wash dishes when I'm in the province. Nakapagpaligo na din ako ng baboy-"

"What?" gulat na sambit ko. Baboy? Seriously?

"Bakit ayaw mo maniwala?" tumawa siya saka ipinagpatuloy ang pagkwento. "May farm kasi sila Mama. Kaunti lang ang tauhan kaya minsan tumutulong ako. Nakikita ko kasing pagod si Mama kaya tinutulungan ko siya para hindi siya mahirapan... since hindi din naman tumutulong si Papa.."

Nalaman ko na ang side ng naging Mama ni Dace ng pansamantala ang may kaya sa buhay. Samantalang ang Papa niya daw, dating writer. Napariwala ang buhay kasi hindi daw sadya ang pagkakabuntis ng Mama nya na dapat ay siya, ngunit hindi naman pala siya. Nawawala din kasi ang anak nila na inakalang patay na. Well, ngayon panigurado akong iniisip nila na patay na nga talaga siya. Kasi nang mabuhayan ang loob ng Mama nya na mahahanap na nya ang anak niya, siya namang pagkakalulong ng asawa sa bisyo. Kaya minsan, nasasaktan ang mama niya o kaya si Dace kapag lasing..

"May... May naging girlfriend ka don?" hindi ko alam kung bakit ako nautal nang tinanong ko 'yun.

Tinignan niya ako saglit, pero kaagad ding napailing saka wala sa sariling ngumiti. 'Yung pilit. "Wala."

May gusto pa sana akong itanong, kaya lang umurong na ang dila ko. Pakiramdaman ko napaka-kapal naman na ng mukha ko kapag tinanong ko iyon..

At saka... Hindi pa ako sigurado kung totoo nga.. Malay natin? Trip lang nyang sabihin na mahal niya ako. Malay natin, laru-laro lang nya na mahalin ako.

Matagal siyang nawala. I'm sure nagbago din siya. 'Yung mabait at selfless na si Wren ay tila nawala na ng tuluyan sa kanya..

Ang Wren na kilala ko hindi kayang manakit ng kapwa..

Pero hindi ba pagiging selfless padin ang pagpiling gamitin ko siya para makaganti ako? Kahit alam niyang masasaktan siya sa huli...

May isang parte sa utak ko ang sumigaw.

Hindi. Hindi 'yun selfless.. Pagiging selfish 'yun.. 'Yun ang pinairal niya. Mas pinili niyang makasama ako para sa sarili niya. Hindi niya inisip ang magiging resulta ng lahat at ang pansamantalang kasiyahan lang ang hanap niya..


Tama... 'Yun nga siguro ang dahilan.

I Don't Care ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon