CHAPTER TWENTY.

19 1 0
                                    

Call

"Hindi ka pa tapos?" nakasandal sa may pintuan si Dace habang nagsasabon ako ng paa. Nakakatatlong beses na ako sa paghuhugas pero pakiramdam ko may Clara virus pa din ako kaya pabalik balik ako sa CR.

"Tinatanggal ko lang yung virus."

"Virus?"

Tumango ako. "Virus ni Clara. Sa kanya galing 'yung sandals eh."

Humalakhak si Dace kaya napailing nalang ako. Binanlawan ko na yung paa ko saka naghanap ng tuwalya. Pumasok sa banyo si Dace na may hawak na white towel at saka iniabot sakin. Kinuha ko ito at pinunasan ang mga paa ko.

Habang ginagawa iyon ay nagtanong ako. "Tingin mo dapat na kong huminto sa pagmomodel?"

Literal na huminto si Dace sa ginagawa. Tumingin siya sakin habang nasa bibig pa niya ang toothbrush saka ako tinignan ng nakakunot ang noo.

"Bakit?"

"Wala lang.." pinagmasdan ko ang mga paa. "Nagsasawa na din kasi ako sa ginagawa."

Nagmumog muna siya bago ulit magsalita. "It's not really my decision. It's yours. Kung saan ka masaya, susuportahan ko."

"Dace."

"Hmm?"

"Gusto ko kapag kasal na tayo full housewife ako."

Sabay kaming lumabas ng CR at umupo sa kama. Nakatingin lang siya sakin. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya o kung anong iniisip niya. Wala din siyang reaksyon. Basta nakatitig lang.

"Ano na?" tumaas ang isa nyang kilay. "Ok lang ba 'yun?"

Tumango ito. "Of course but.. hindi ka maiinip?"

"Hindi! Mag-aalaga ako ng mga anak, ano nakakainip don? Saka gigising ako tuwing umaga para magluto at ihahanda ko isusuot mo tapos maglilinis ng bahay. Kapag naman medyo lumaki na anak natin ako mag-aasikaso sa kanila. Walang yaya. Ako magbibihis sa kanila, maghahatid sa school saka magtuturo! Diba ang saya?"

Mukhang nagustuhan naman nito ang sinabi ko dahil ngumiti ito ng malawak. Parehas na kaming nakasandal sa headboard ng kama at nakatingin lang sa isa't isa. Kinuha nya ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Venice gusto kong.." hinintay ko siyang magsalita ngunit wala nang sumunod pa sa sinabi nito. Pinisil ko ang kamay nya para ipagpatuloy nya ang sasabihin. Bumuga ito ng hangin. "...May gusto akong sabihin sayo."

"Ano yun, Dace?" 

Pinisil nya pabalik ang kamay ko at ngumiti. "Bukas.. Sasabihin ko bukas."

Kaya naman kinabukasan ay naghintay ako na sabihin nito pero nung tanghalian, nagpaalam ito dahil may emergency daw sa work. Naintindihan ko naman kaya hindi ko na siya kinulit pa. Nakikita ko kasing parang nahihirapan itong sabihin ang sasabihin nya. I'll give him time. Hindi naman ako nagmamadali. Anuman ang bumabagabag sa kanya, hahayaan ko siyang bigyan ng time. Hindi ko ipagpipilitan. I know he's having a hard time, it's just that he don't want to show it. 

Tumunog ang cellphone ko kaya doon ako dumeretso matapos magshower. balak ko sanang bumisita kay Faye, medyo namimiss ko na kasi yung babaeng 'yon.

"Hello?" 

"Venice.." tinitigan ko ang phone ko, unknown caller, tapos ay inilagay ulit ito sa taenga ko.

"Yes? Sino 'to?"

Umubo ang nasa kabilang linya. "It's Clara."

Tumaas ang kilay ko. "Oh?"

"Venice, please.." may pagmamakaawa ang boses nito, bagay na ngayon ko lang narinig mula sa kanya. "H-help."

"Wait, what?"

"Help... me."

"Clara?" nagmadali ako para makapagbihis at initsa nalang basta ang towel na ginamit. "Nasan ka?" kinuha ko ang sling bag at dumeretso sa cabinet para hanapin ang hikaw ko. Hindi kasi ako nakakalabas ng walang hikaw sa taenga. Nakasanayan lang.

Napailing nalang ako nang hindi ko ito mahanap at napamura dahil hindi matigil si Clara sa pag-iyak.

"Clara naman! Tahan na. Nasan ka? Pupuntahan kita!"

"Venice, wag. Baka... baka patayin ka nya!"

"Sino? Hello? Clara!"

Naputol ang linya. Nakagat ko ang daliri at palakad lakad lang sa kwarto. What should I do? 

Si Dace.

Sinubukan ko siyang tawagan pero nagri-ring lang. malamang nasa meeting ito. Napaalalahanan na nya ako na kapag hindi nya nasasagot ang tawag ay dahil nasa kalagitnaan ito ng isang meeting. 

Natataranta akong lumabas at pumara ng taxi. Sinubukan kong tawagan ang number ni Clara at nagulat ako nang may sumagod.

"Clara!"

"Magsusumbong ka o tutuluyan ko si Clara.."

Nanigas ako at hindi nakapagsalita pa. malalim at nakakatakot ang boses nito, na parang bawal kang magsalita nang wala ang pahintulot nya. Per gayunpaman, sinubukan ko..

"S-sino ka at a-anong ginawa mo kay Clara?"

"Wala naman.." tumawa ito. "Itetext ko ang address at gusto kong walang ibang makakaalam nito kung hindi ikaw lang.. Naiintindihan mo? Walang pulis at kahit sino.. Ikaw lang Miss Venice."



Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginawa ko pero nadatnan ko nalang ang sarili na nakatayo sa isang abandonadong gusali. Mukhang luma na ito at sira sira, dahilan para matakot ako. 

Shit, Clara kapag nakalabas ako dito ingungudngod talaga kita sa lupa!



I know, hindi maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa pero, hindi ko maiwasan... Nag-aalala ako, lalo na't nandito siya kasama ang nakakatakot na nilalang.

Nung marinig ko yung iyak nya, alam kong hindi peke eh. Pakiramdam ko kailangan talaga nya ng tulong..

O isa nanaman 'to sa laro niya? Either way, I'm not backing out.

In fact, I'm walking inside the building now.

God, guide me.

I Don't Care ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon