CHAPTER THIRTEEN.

16 1 0
                                    

Reason

Kaagad ibinaba ni Steve ang phone sa gitna ng mesa nang kumakain kaming magbabarkada sa isang restaurant. Kanina pa nila ako hindi nilulubayan sa tanong pero hindi ko sila sinasagot. Umatake nanaman ang pagkatamad ko. Ayokong magsalita.. Nakakatamad. Nakakapagod.

Hindi din natuloy ang planong makipag-usap kay Venice dahil lumipad ito papuntang LA para bisitahin ang ama nito.

Alam kong unti-unti na nyang natutupad ang pangarap niya, at isa ako sa mga naniniwala na malayo pa ang maaabot niya kung ipagpapatuloy lang nya ang trabaho. Masaya ako para sa kanya. At alam kong proud din si Tito sa kanya. Sana lang ay balang araw makita ko siya at masabi kung gaano ko kamahal ang anak niya.

"What, Steve?" takang tanong ni Val saka tinignan ulit ang phone niya na nakalapag sa mesa. "I can buy myself a phone, brand new at mas maganda pa kaysa diyan sa cellphone mong tatlong taon mo nang ginagamit. You can't sell it to us because we are not interested."

"Gago, sino nagsabing ibebenta ko 'to?" irap niya saka bumaling sakin. Napataas ang kilay ko. "I'm just proud to announce that Dace Christoffer Ventura stayed long in line last night."

Napahinto silang lahat at napatingin sa akin. Fuck, gagong Yue talaga.

"Oh?" tumaas din ang kilay ni Vest saka kinuha ang phone ni Steve. "Really? One minute and twenty two seconds? The fuck!"

Humalakhak sila, at wala akong ibang magawa kung hindi ang umiling.

"Biruin niyo, ako nga isang minuto lang ata kapag kausap ko 'yan sa telepono!" masayang kwento ni Vest.

"Ha! Maswerte ka pa nga.. Ako mga tatlong segundo lang. Minsan, magsasalita palang ako binababaan na ako!" si Val naman ang nagsalita na para bang ang laking kasalanan na ang nagawa ko.

I just can't stand to talk to him, that's why. Sa aming magkakaibigan, si Val ang pinakabugok, pinakamagulo at babaero kaya ayoko sa kanya.

I hate it when he played with girls.

I hate it when he didn't take things seriously.

"So what's the plan today?" napatingin kami sa bagong dating na si Chrome. Kita ang kasiyahan sa mukha niya nang pumasok ito sa restaurant. Napangisi nalang ako.

"Bro! Kamusta! Babae o lalake?"

Nagkamot ito ng ulo. "False alarm."

"Oh?" nakatitig lang si Vest kay Chrome. "Eh bakit ganyan hitsura mo?"

Umupo ito sa bakanteng upuan at uminom ng ice tea. Binatukan ito ni Steve dahil sa kanya iyon. "Can you help me out? I want a plan. Birthday na nya sa linggo, kailangan ko ng idea."

Nagkagulo na sa lamesa at ang maiingay na salita nalang nila ang naririnig ko na para bang kami lang ang nandito. Kung sabagay, si Val naman ang may ari nito kaya okay lang na mag-ingay.

Pumangalumbaba ako saka tumingin sa bintana. Nakakapagod makinig sa kanila, masyadong maingay.

Nalunod ako sa pag-iisip ng malalim. Kung paano siya umiyak, kung paano kami nagkasama noon, kung paano ko ginawa ang lahat para mapalapit sa kanya at para hindi niya ako itulak palayo.. Noong mangyari iyon, hindi ko naisip ang malungkot at maawa kay Venice, kasi, iyon na ang chance ko.. Isang tsansya na mapalapit sa kanya.

Nagtagumpay ako, pero nasaktan... Pero alam ko sa sarili ko na kahit gaano pa kasakit, hinding hindi ako aalis sa kanya. Masyado lang malupit ang tadhana at kailangan ko siyang iwanan noon... Gago kasi yung Jude na 'yun... Okay na sana ang lahat. Mahal na niya ako eh.

"May isang nagmumukmok. May namimiss!" umirap lang ako saka pumikit. Hindi ko na pinansin ang mga tukso ng mga gago at pilit inaalis ang kung ano mang sumasayaw sa isipan ko.



"Soon, I'll get back on you. Mabubuhay ako para lang sayo. Papatayin kita."



Napadilat ako at tumayo. Mukhang nagulat ang mga kasama ko kaya nahinto sila sa tawanan at asaran. Mahigpit ang pagkakuyom ko ng kamay, at hindi din nakatakas iyon sa paningin ni Steve. Tinitigan ko siya, isang tingin nangungusap na pabayaan muna niya ako.

"Labas lang ako." Paalam ko at tuluyan nang umalis.

Pumasok ako sa kotse at hinampas ng malakas ang manibela.

Iniuntog ko ng ilang beses ang ulo ko doon at kinalma ang sarili.

Damn that guy. Up until now he's still haunting me.

"Kainis!" muli kong hinampas ang manibela. I know, I know... It's my fault. I killed him! I killed him kasi kailangan pero hindi ko pa din makalimutan.

Dapat babalik ako... Pero nang panahon na iyon ay nakatakas siya sa kulungan at nanggulo sa pamamahay namin.. And that's......when it happened.

Pinaandar ko ang sasakyan. Right now I needed strength. Isa lang ang matatakbuhan ko sa ganitong oras. I drove fast.

Sumalampak ako sa sahig at napatulala sa pangalan ng lapidang nasa harapan ko.

Years had past.. Six years? Hindi ko alam. Basta kahit gaano pa ito katagal hindi ko matanggap...

"Lauren.." napasabunot ako ng buhok. Si Lauren. Hindi siya ang dapat nalagay sa malupit na kamay ni Jude. Ako dapat ang nakalibing ngayon. Hindi ang kapatid ko.

Sabi ni Chrome, sobrang hinagpis daw ang naranasan niya noon nang mawala ang nakatatandang kapatid niya. Sobrang tagal nyang natanggap iyon. Sobrang tagal niyang ikinulong ang galit sa puso niya, kaya ang ipinayo niya sa akin ay ilabas ko lang daw lahat. Lahat ng galit, iyak, lungkot. Lahat lahat... Pero hindi ko magawa.. Hindi ko alam kung paano ko magagawa.

"Should I tell it to her, Lauren?"

I Don't Care ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon