a/n: Sino mas maganda? Bias ako eh kaya 'di na ako mamimili XD
Fashion Show
Hindi ko malaman ang sasabihin. Matutuwa ba ako o hindi. Tatawa o iiyak. Basta nakatitig lang ako sa mga mata niya. Mga matang nagsusumamo.
"Of course, Dace.. I'll marry you." maluha luha kong sagot. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Damn, thank you.."
"Nasaan 'yung singsing?"
"Uh, about that.." humiwalay ito saka nagkamot ng batok. "I still haven't got any ring."
"ANO?!"
"Please don't be mad.." alo nito. "Nabigla lang ako."
"Kaya napa -Marry me?- ka bigla?"
"Sorry.."
Umiling ako. "Hindi ako galit."
"Promise?"
"Yeah.." ngumiti ako. "But you need to buy me a ring."
Tumawa na ito at doon nawala ang tensyon. "Of course."
Inilapit nya ang mukha sa akin at bumulong. "Don't scare me like that."
"Ha?"
"Akala ko..." hindi nya matapos ang sasabihin na para bang sumpa ito na hindi dapat banggitin. Natawa nalang ako.
"Hindi naman kasi 'yon sasabihin ko eh!"
"Ang seryoso kasi ng mukha mo eh."
"Ewan ko sayo Dace." inilapit ko ang labi sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik. "I love you, okay? Don't think too much."
Isinandal niya ako sa sofa at hinalikan sa labi. Napngiwi ako nang maisandal ko din ang pwet ko na masakit pa din sa pagkakahulog. Tinitigan nya ako sa mukha at nagtanong. "Anong masakit?"
"Pwet ko."
"Sorry kung natulak kita."
"Ayos lang." hinawakan ko ang mukha nya. "Mawawala din yung sakit."
"Kiss ko?"
Nanlaki ang mata ko. "Dace!"
"What?"
"Baliw ka!"
Tumawa ito ulit at mabilis akong hinalikan sa noo. "Should I touch it?"
"Dace!"
Nagkulitan lang kami hanggang sa mapagod. Nakakahiya nga at hindi na nakabalik pa sa trabaho si Dace at nakipagharutan nalang sakin. Gabi na nang marealize namin na kanina pa kami nakahiga sa sofa at kailangan na naming umuwi. Tinulungan nya akong tumayo at inayos ang sarili bago lumabas. Napadaing ako nang maramdaman ang kaunting kirot. Napalakas yata ang pagkakalaglag ko.
BINABASA MO ANG
I Don't Care ✔
RomanceA short story inspired by a selfless guy that is madly in love with a girl who never care for him. If you are the guy, are you willing to stay? *A side story of 'She's My Girl. Dace and Venice' story. - Story by pomiRon