CHAPTER FOUR.

29 1 0
                                    

Hesitate



"You're late."

"Sorry, na-traffic." Tumayo na ako at kinuha ang purse sa gilid ng sofa. Hinanap ko muna si daddy at nakita ko siyang bumababa ng hagdan.

"Oh, Venice.. May lakad ka?" bigla itong tumingin sa likod ko at nagulat. "What is Dyan Ventura's son doing here?" ngisi niya sa lalaki.


Lumapit naman si Dace saka kinamayan si daddy. Err, too formal. "Nothing Sir. Sinusundo lang po ang anak niyo."

"Oh?" gulat na napatingin si dad sakin. Sus, alam naman niya. Sinabi ko kaya! Kahapon pa. Galing din umarte ni dad eh. "Then you two go ahead. Baka gabihin pa kayo."

"Yes, Sir. Thank you po."

"You're welcome, iho. Ikamusta mo nalang ako kay kumpare." Tumango at ngumiti si Dace. Dylan Ventura is my father's best friend. Saksi si dad sa mga paghihirap ni Tito Dylan para mahanap ang nawawala niyang anak na lalaki. 'Yun din ang dahilan kung bakit alam ko ang nangyari tungkol kay Dace. Biruin mo, 'yung matagal na niyang hinahanap, nasa malapit lang pala?


Palabas na kami ng pintuan nang pinigilan kami ni dad. Ano trip ng tatay ko? "Bring her home in flesh. Hanggang alas nuebe lang kayo."


Okay... Fine. Kung dati nagrereklamo ako palagi kapag sinasabi niya 'yun kapag may date kami ni Jude, ngayon ay parang normal lang. Chill lang..


Kasi hindi naman si Jude ang kasama ko eh.


"Sure. I'll bring her whole. I promise."


---


"So.. What now?" tanong nya habang nagda-drive papuntang SM Megamall. Nitong mga nakaraang araw kasi ay inii-stalk ko na si Jude at Janica sa facebook para makakalap ng balita. Syempre, I made a new account na hindi nila makikilala. Ako na matalino!

"They have a date. They will watch a movie."

Tumaas ang kilay niya saka bumaling sakin. "Then?"

"Then I'll do my plan. Tss." Napairap ako saka kinalkal ang mga gamit niya sa sasakyan. Pati yung mga unan sa backseat hindi ko pinatawad.

"Pwede bang umupo ka ng maayos?" inis na sabi nito bigla nang pilit kong inaabot yung cute na chocobo'ng unan.

"Just a sec!" malapit ko na maabot yung unan ng bigla siyang prumeno kaya naman napasubsob ako sa likod.

"Aray naman!"

"Umayos ka kasi ng upo! Muntik na tayong mabangga!"


Inis na tinitigan ko siya, not minding how horrible I look to him. Hindi naman siya si Jude na pagpagandahan ko so wala akong pakialam. "Bakit, nagdadrive ka lang naman ah!"

"I'm also checking on you! Paano kung malaglag ka diyan?"

"Nalaglag na nga! Nauntog pa!" inis na sigaw ko at bumalik sa upuan ko para ayusin ang sarili ko.


Hindi na siya kumibo at nakatingin sa daan nang kunin niya yung unan na 'di ko maabot abot. Teka, paano niya nagawa yun?

I Don't Care ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon