This story is unedited. Masyadong batugan ang author para i-edit ito. Kung may mga typo at wrong grammar pagpasensyahan niyo na.
Promise I'll edit it once I've finished it.
Thanks a lot.
Happy reading...
hajii.
March 25, 2015
Dear R,
May crush ako. (IKAW ang clue.)
Okay. Ang cheesy nun.
Ang old fashioned ba na nagsusulat ako para sayo? Kasi naman, kailangan ko itong ilabas bago pa ako mawala sa katinuan.
Kakainis ka naman kasi.Ang tagal na kitang gusto pero wala manlang kahit isang ngiti mula sayo. Isang ngiti lang naman. Alam mo, ang damot mo!
Wala akong kapatid na babae para mapagsabihan ko nito kaya dito ko nalang ilalagay sa values notebook ko na hindi ko naman nagamit kasi hindi ako nagsusulat. Oo na, hindi ako isang responsableng mag-aaral katulad mo.
Ikaw na talaga.
Pero kasi naman..
Utang na loob, pansinin mo naman ako..
Ngitian mo naman ako kahit isang beses lang. O kaya kausapin mo ako. Hindi naman kasi ako nangngagat. Huwag kang matakot sakin. O tignan mo manlang ako. As in kahit five seconds tignan mo naman ako.
Maawa ka naman.
Bigyang pansin mo naman ang aking pagsinta. Ayan, nagiging makata na tuloy ako. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig?
Ang baduy na sumisinta sayo,
Jony
Author's note: Yung "May crush ako, ikaw ang clue" nabasa ko lang yun. Hindi ako ang nag-imbento nun:)
Salamat sa pagbabasa :)
BINABASA MO ANG
Dear R,
Short StoryDear R, Jusko R, ang tagal na nating magkapitbahay. Malapit ng mag-end of the world hindi mo parin ako napapansin. Paki-spell mo nga yung salitang 'manhid'. Kailan ka ba mahuhulog sa akin? Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong...