April 5, 2015
Dear R,
Nakaupo ako sa terrace namin ng bigla kang lumabas ng bahay niyo.
Napapansin mo siguro na palagi akong nasa terrace no?
Syempre dahil sayo. Gusto kong palagi kang makita. Kahit isang sulyap lang R. Isang sulyap lang sayo at gumaganda na ang buong araw ko.
At dahil ang corny ko, bigyan ng jacket yan.
"Okay ka na Jony?" Tanong mo sa'kin. Ngumiti ako at tumango. Okay na ako. Okay na okay na ako.
Nasamid ako sa sarili kong laway ng bigla bigla nalang lumabas sa bibig mo ang mga salitang "Jony, lets be friends."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Gusto mo akong maging kaibigan? Talaga?
"Bakit?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa 'yong itanong. Dapat sinabi ko nalang na oo, gusto kitang maging kaibigan.
Pero nakakatakot. Paano kung na-friendzone ako? Hindi lang kasi kaibigan ang tingin ko sa'yo R.
Pero narealize ko, na okay lang na maging magkaibigan tayo. Mas maganda nga yon di ba? Para mas makilala kita. Tapos dahil magkaibigan na tayo, pwede na kitang pasimpleng tsansingan. Tapos, unti-unti nalang kitang aakitin. Tama, iyon ang aking evil plan. From friends to lovers.
'Make Renz fall in love with me operation'
Bwahahaha. Ang smart ko talaga.
"Kailangan ba may dahilan para maging kaibigan ka? Hindi ba pwedeng gusto kitang maging kaibigan kasi gusto ko lang?"
Gusto mo?
Gusto mo na ba ako R?!
Uwaaaahhhh! Kilig to the bones!
"Okay sige." sagot ko. Pinilit kong huwag ipahalata sa tono ng boses ko ang excitement sa idea na magkaibigan na tayo.
Limang taon R. Limang taon pa ang pinalipas mo bago mo naisipan na kaibiganin ang kapitbahay mo.
Hindi ka talaga normal. At isa 'yon sa mga dahilan kung bakit gusto kita. Kasi hindi ka normal, hindi ka katulad ng iba.
Nag-iisa ka lang. Kaya hindi ako papayag na makuha ka ni Angelica. Dadaan muna siya sa malamig kong bangkay.
Mali kasi yung kasabihan na if you love someone, set them free. Kalokohan nila.
Kapag ako nagmahal, hinding-hindi ko siya pakakawalan. Hahawakan ko siya gamit ang dalawa kong kamay. Kung kailangang gamitin ang paa, edi gamitin.
Nagulat ako ng lumapit ka sa terrace namin. Lumapit ka lang pero hindi ka pumasok.
"Hi. I'm Renz." sabi mo bago mo ilahad ang kamay mo. Natawa pa nga ako ng mahina kasi hindi mo naman na kasi kailangang gawin 'yon.
Alam ko namang Renz ang pangalan mo. Maniwala ka sa'kin, iba't-ibang lettering na ang nasubukan ko sa pangalan mo.
Punong-puno nga ng pangalan mo ang likod ng lahat ng notebook ko. Ganon ako kapatay na patay sayo.
Kinuha ko ang kamay mo. At pakiramdam ko nakuryente ako ng sandaling maglapat ang mga kamay natin.
Jusko R, kung alam mo lang kung gaano ko katagal hinintay ang mahawakan ang kamay mo. YES! NAHAWAKAN KO NA ANG KAMAY MO R!
Ang lambot.
Sorry ka nalang Angelica, pero nahawakan ko na ang kamay niya.
"Hi, I'm Jony."
Bakit ganoon? Bakit parang saktong sakto ang kamay ko sa kamay mo? Ginawa nga siguro talaga ang kamay ko para hawakan ang kamay mo.
Kinikilig na talaga ako R. Pwede ba akong mag-tumbling?!
Ngumiti ka. Natatawa ka rin ba sa pinag-gagagawa nating dalawa?
Kinikilig ka rin ba?
Oa rin ba ang heartbeat mo?
Naiisip mo rin ba na ginawa ang mga kamay natin para hawakan ang isa't-isa?
Nakuryente ka rin ba?
May isang milyong paru-paro rin na ang nag-pa-party party sa sikmura mo?
Masaya ka rin ba katulad ko?
"Nice meeting you Jony." patuloy mo.
"Nice meeting you Renz." sagot ko. Sabay pa nga tayong natawa dahil sa para talaga tayong mga baliw.
Nagmamadali kong binatawan ang kamay mo ng sumulpot ang tatlong itlog sa may terrace namin at nakita ang ginagawa natin.
"Uyyyy!" panunukso ni kuya Janwil.
"Ayieehh! Its more fun in the Philippines." si kuya Jazen.
"Ma, may lovelife na po si Jony!" sigaw naman ni kuya Jarell.
Sinamaan ko pa nga sila ng tingin.
"Mga engot!" sabi ko nalang bago ako nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Baka kasi makita mo na kulay kamatis na ang mukha ko.
Salamat nalang sa mga kuya ko na palaging wrong timing.
Pumasok ako sa kwarto ko. At ng masigurado kong naka-lock na yung pintuan, saka ako nagtatalon, nag-tumbling, nag-split, nag-planking, nag-twerking, at nag-backflip sa sobrang kilig.
Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang bakasyon na ito R.
Hindi ko nga napapansin na kumakanta na pala ako.
' Sanay huwag ng matapos tong, pag-ibig na para lamang sa iyo, woah!
Gusto kong tumalon tumalon sa saya dahil, ikaw ang kapiling. Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang ang puso ko..'"Hoy manahimik ka Jony!" Sinigawan pa nga ako nila kuya. Pero pasensya sila, masaya ako eh.
From strangers to friends. We are improving.
Napapakanta sa saya,
Jony
![](https://img.wattpad.com/cover/45762392-288-k972597.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear R,
Short StoryDear R, Jusko R, ang tagal na nating magkapitbahay. Malapit ng mag-end of the world hindi mo parin ako napapansin. Paki-spell mo nga yung salitang 'manhid'. Kailan ka ba mahuhulog sa akin? Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong...