4

14 0 0
                                        

March 28, 2015

Dear R,

Alas-dyes na ako nagising. Napangiti nga ako sa katotohanan na bakasyon na ngayon. Bakasyon na!

Ibig sabihin hindi ko na kailangang pilitin ang sarili ko na gumising ng maaga at hindi narin magbubunganga si mama kasi anong oras na at tulog parin ako.

Hindi niya na ako masasabihan ng "Ang batugan mo anak! Saan ka ba nagmana?!"

Naririnig mo siguro ang kaguluhan sa bahay namin tuwing umaga no? Normal na talaga na magulo ang pamilya ko.

Pinapupunta ako ng mga tita ko sa Zambales para doon daw magbakasyon pero tumanggi ako at nagdahilan na kailangan kong ayusin ang mga requirements para sa pagpasok ko sa college, pero ang totoo, ayokong magbakasyon doon kasi ibig sabihin ilang buwan kitang hindi makikita.

Ayoko nga. Magkamatayan na.

Dito nalang ako, sa tabi mo. Haha. Ambisyosa ko talaga.

Ibig kong sabihin sa bahay sa tabi ng bahay niyo.

Napagalitan ako ng mama ko kasi hindi raw ako naglilinis ng kwarto ko, at nakakahiya kasi alam kong naririnig mo diyan sa bahay niyo kung paano ako sigawan ng mama ko dahil ang tamad ko raw at parang hindi raw akong babae.

Kalahating metro lang ang layo ng bahay niyo sa bahay namin, tapos wala pang bakod. Maliit lang kasi ang barangay na tinitirahan natin. Ewan ko kung bakit hindi kayo sa subdivision tumira eh ang yaman niyo naman diba?

Lumabas ako sa may terrace namin para makita ka na nakaupo sa may terrace niyo at nagsusuot ng sapatos.

Napangiti ako ng malapad ng makitang suot mo na ang damit na niregalo ko sayo. Ako naman kasi ang bumili niyan at sa ipon ko galing ang pinangbili. Gusto ko kasi na espesyal kasi para sayo eh.

Pasensya ka na kasi hindi naman iyan kamahalan. Pero galing talaga yan sa puso ko. Haha, ang drama!

Sabi ko na nga ba at babagay talaga iyan sayo. Noong nakita ko yang naka-display naisip ko agad na baka bagay sayo, at ngayon alam ko ng bagay na bagay nga pala sayo. Navy blue na v-neck t-shirt na plain lang.

Bilang tahimik at seryoso naman ang personality mo kaya naisip ko na baka mas gusto mo kung plain lang. Yung simple lang. Parang ikaw, simple lang pero ang lakas ng dating.

Sa sobrang lakas ng dating mo, niyanig mo ang mundo ko... noong una palang kitang nakita, you rock my world already kumbaga. English yun ah..

Noong una palang na lumipat kayo diyan sa bahay, limang taon na ang nakakaraan, noong unang beses palang kitang makita, nagka-crush na agad ako sayo.

Twelve years old lang tayo pareho noon. Ganoon ako kaagang lumandi. Haha. Hindi naman, crush lang naman. Paghanga. Kasi kahanga-hanga ka naman talaga.

Crush ka nga rin ni Arlene, ni Angelica, ni Lenny at ni Flora. Akalain mong lahat halos yata ng mga dalaga na kapit bahay natin ay may gusto sayo?

You already.

Pero ano namang laban ko kay Angelica? Ang ganda niya kaya tapos mahilig pang mag-ayos. Mukhang dalagang dalaga na talaga siya samantalang ako batang isip pa daw sabi nila.

Epal talaga sila. Dalaga na rin kaya ako!

Lumingon ka sa akin at nahuli mo ako na nakatingin sayo. Agad naman akong tumalikod. Nakakahiya kasi!
Baka mamaya isipin mo na may gusto ako sayo kaya kita pinagmamasdan.

May gusto naman talaga ako sayo. Dati crush lang ito, pero lumala ng lumala. Hanggang sa eto, hindi ko na mapigilan.

Nakakainis kasi alam ko naman na wala akong kapag-a-pag-asa na magustuhan mo. As in wala talaga.

Halos mapatalon ako ng marinig kong tawagin mo ang pangalan ko.

"Jony!" tawag mo. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Napatakip pa nga ako sa bibig ko dahil sa gulat. Ilang beses mo pa akong tinawag pero para akong tanga na nanlalaki ang mata sa gulat. Nakatayo lang ako at ni walang lakas para lumingon sayo.

Alam mo pala ang pangalan ko?!

Parang gusto ko nalang mahimatay.

Alam mo talaga ang pangalan ko?! Pusa naman! Alam mo ang pangalan ko! Alam mo?!

"Jony!" muli kong narinig ang pagtawag mo sa pangalan ko. Pinilit ko namang kalamahin ang sarili ko.

Malamang alam mo ang pangalan ko kasi limang taon na tayong magkapit-bahay at siguradong naririnig mo kapag pinapagalitan ako ng mama ko. Sobrang lakas pa naman ng boses ni mama. Laging akala mo naka-loudspeaker on.

Ang oa ko lang talaga.

Pero ang sarap lang kasing pakinggan na tintawag mo ang pangalan ko. Pakiramdam ko ang ganda ganda ng pangalan ko kahit na hindi naman.

Dahan-dahan akong lumingon sayo matapos ang ilang segundo kong pagkalma sa nagwawala kong puso at nanginginig kong kamay.

Nakakahiya kasi para akong tanga.

Suot mo na nga yung t-shirt at nakapantalon ka at nakasapatos.

Saan ka pupunta? Mangbababae ka?! Taksil!

"Bakit?" tanong ko sayo habang pinilit ko na itago ang kaba sa boses ko. Ito ang unang beses na tinawag mo ang pangalan ko.

At ito rin ang unang beses na kakausapin mo ako. Hindi ako handa. Sana nag-dress ako at nagmake-up. Kung alam ko lang..

"Salamat dito ha." sabi mo sakin habang hawak-hawak mo ang t-shirt na binili ko para sayo. Ilang segundo pang nag-process sa utak ko ang mga nangyari. Na tinawag mo talaga ang pangalan ko na big deal talaga sakin, at kinausap mo pa ako.

Magugunaw na ba ang mundo?! Huwag muna naman, hindi pa nagiging tayo.

Asa naman. Baka kahit end of the world na hindi mo parin ako napapansin.

Sasagot pa sana ako kaya lang napansin ko na wala ka na sa harapan ko at nakapasok ka na pala sa loob ng bahay niyo para kuhanin ang bag mo.

Gusto ko pa sanang sabihin na you're welcome at salamat sa relo. Pero sa sobrang oa ko, hindi na tuloy ako nakapagsalita.

Syunga ko talaga. Iyon na ang pagkakataon ko! Minsan lang 'yon mangyari ihh!!

Once a millennium.

Lumabas ka ulit at nagmamadaling umalis ng hindi mo manlang ako tinitignan.

Napailing nalang ako habang pinapanood ko ang likuran mo na papalayo sa akin.

Ako na yata talaga ang pinaka-oa na taong nag-exist sa mundo. Pero oa na kung oa, basta ang alam ko.. binuo mo na ang araw ko. Binuo mo na ang buhay ko. Waaahhh! Bakit ang lakas ng tama ko sayo?!

Nakangiti parin,

Jony

Dear R,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon