What do you think of Jony?! Share your thoughts. Comment and vote.
ha_jii
March 27, 2015
Dear R,
Kaninang umaga nakita kitang nagwawalis doon sa may terrace niyo. Mas lalo tuloy akong humanga sayo. At mas lalo akong napahiya sa sarili ko.
Nadagdagan nanaman ang mga dahilan para hindi mo ako magustuhan.
Kalalaki mong tao pero marunong kang maglinis at kababae kong tao pero wala akong ibang alam kundi ang magkalat.
Bakit ba ang perfect mo?
Noong hapon nagkaroon ng kainan sa bahay niyo para sa graduation mo. Kahapon may kaunting handaan rin sa bahay namin pero yung mama mo lang at si Kimuel ang pumunta. Himala siguro talaga kung pupunta ka.
Pero mas masaya sana kung pumunta ka at kahit wala kayong dalang regalo, siguradong solve na ako.
Pero nagustuhan ko yung kulay pulang relo na ikaw raw mismo ang bumili sabi ng mama mo. At relo raw ang naisip mong ibigay kasi sabi mo daw lagi kasi akong late.
Nakakahiya na alam mo palang lagi akong late pero nakakatuwa kasi kahit papaano ay may alam ka pala tungkol sakin. Ibig sabihin kahit sandali lang, nakukuha ko rin pala ang atensyon mo.
Salamat sa relo. Hayaan mo, sa pasukan, hindi na ako malalate.
Hindi ka pumunta pero nagdala ang mama mo ng spaghetti kasi paborito mo raw 'yon. Meron naman pala tayong pagkakapareho, paborito ko rin kasi ang spaghetti at kaya kong umubos kahit isang kilo noon.
Pinilit ako ng mama mo kaya nagpunta ako sa inyo kasama ang mama ko at si Kuya Jarell.
Ang dami mong bisita pero wala ka naman at nakakulong parin sa kwarto mo.
Nacurious tuloy ako kung ano bang itsura ng kwarto mo? Sigurado maayos yan at malinis. Ikaw pa ba?
Nagulat ako ng makita kang lumabas ng kwarto mo. Medyo nasilip ko pa nga yung loob ng kaunti noong binuksan mo ang pinto. Kulay blue ang pintura ng kwarto mo? Pero dilaw ang pintura ng bahay niyo.
Naalala kong nabanggit sakin ng mama mo na paborito mo raw ang kulay blue.
Kulay lalaki.
Bungalow lang at simple ang bahay niyo kahit na mayaman kayo. At tatlo lang ang kwarto. Siguro kasi dahil hindi niyo naman kailangan ng malaking bahay kasi kakauti lang naman kayo sa pamilya at talagang nasanay lang kayong mabuhay ng simple at hindi maluho.
Nakasuot ka ng simpleng checkered na white short at kulay pula na t-shirt na mas nagpatingkad pa sa puti mo.
Mukha kang siopao. Bakit ang puti mo? Ang kinis pa ng balat mo. Naisip ko tuloy kung magkulong rin ba ako sa kwarto, magiging ganyan rin ba ang kutis ko?
Babawasan ko na nga ang pabibilad sa araw. Nakaka-insecure.
Tapos ang tangkad mo, ang pula ng labi mo, bagsak ang itim na itim na buhok mo, may dimples ka na kahit ngumunguya ka lang at hindi ngumingiti ay lumalabas, tapos ang tangos ng ilong mo, tapos ang kapal ng kilay mo, tapos parang light black yung iris ng medyo bilugan mong mata, tapos sakto yung hugis ng mukha mo at ng panga mo.
Bakit ang gwapo mo?
Sinundan kita ng tingin at nakita kong kumuha ka ng isang plato at pinuno iyon ng spaghetti.
Ang dami. Tama nga ang mama mo, paborito mo rin ang spaghetti.
Papasok ka na sana sa loob ng kwarto mo pero pinigilan ka ng mama mo at pilit kang pinaharap sa amin na mga bisita mo.
Nagulat pa nga ako ng dumako sakin ang paningin mo. Sakto kasi na punong-puno ng spaghetti ang bunganga ko. At punong-puno rin ng spaghetti ang plato ko.
Huwag mo naman sanang isipin na patay gutom ako. Paborito ko lang rin kasi ito.
Nakita kong ngumiti ka ng pilit. Ang puputi at pantay-pantay ang ngipin mo na halatang hindi lang three times a day nakakatikim ng toothpaste.
Sinisiko nga ako ng mama ko na parang sinsabi niya na ibigay ko na raw ang regalo namin sayo. Pero umiling ako agad.
Yung isipin pa lang na lalapit ako sayo, parang may kung ano ng bumara sa lalamunan ko. Kaya sa huli, inabot na sayo ni mama yung regalo namin. T-shirt lang naman yan na kulay blue. Pero ako ang bumili at pumili niyan.
Sana magustuhan mo.
Mga dalawang minuto ka siguro nakipagpalitan ng pilit na ngiti sa iba mo pang bisita bago ka nag-excuse at pumasok sa kwarto mo. Muli ay nasilip ko nanaman ang kulay blue na pader ng kwarto mo at ganun rin ang computer set na nasa tabi ng kama mo.
Sosyal. May sarili kang computer? Samantalang ako, kailangan pang makipag-wrestling sa tatlo kong lalaking kapatid para lang makagamit ng computer namin.
At bilang bunso at nag-iisang babae sa pamilya, laging ako ang huling nakakagamit noon. Mga walang awa kasi ang mga kuya ko.
Alam mo bang siniko pa ako ng kuya ko bago sabihin ang mga salitang 'Wala na siya' sakin? Hindi ko napansin na nakatulala pa pala ako sa nakasaradong pintuan ng kwarto mo.
Nginitian ako ng nanunukso ni kuya Jarell at alam kong pag-uwi namin sa bahay ay hindi nanaman nila ako titigilan ng panunukso tungkol sayo.
Palagi kasi nila akong tinutukso sayo.
Halata na ba? Obvious na ba talaga? Eh bakit hindi mo nakikita kung halata na pala na gusto kita?
Lutang parin,
Jony
BINABASA MO ANG
Dear R,
القصة القصيرةDear R, Jusko R, ang tagal na nating magkapitbahay. Malapit ng mag-end of the world hindi mo parin ako napapansin. Paki-spell mo nga yung salitang 'manhid'. Kailan ka ba mahuhulog sa akin? Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong...
