12

17 1 0
                                    

April 6, 2015

Dear R,

"Renz, i-tutor mo nga itong si Jony para makapasa naman siya sa entrance exam." sabi ni mama.

Tumawa ng mahina ang mama mo, pero ang mga kuya ko, isinigaw pa nila sa mukha ko kung gaano ako kabobo.

Ano ba naman itong pamilya ko.

Si mama, ipinahiya niya lang naman ako sa harapan mo. Sa harapan ng lalaking gusto ko. Natu-turn off ka na ba sa'kin?

Sana bumukas nalang ang lupa at lamunin nalang ako. Nakakahiya kasi sayo.

Next week, kukuha na ako ng entrance exam sa university kung saan ka pumasok ng highschool.

At gusto ko ng mabaliw kapag iniisip ko kung gaano ba kahirap ang entrance exam sa school na iyon.

Hindi naman kasi 'yon kaya ng utak ko.

"Sige po." sagot mo. Ngingiti ngiti ka pa diyan, alam ko namang sa likod ng utak mo pinagtatawanan mo rin ako. Hindi naman kasi lahat ng tao ay katulad mo. Hindi ako na-bless ng henyong utak na katulad ng utak mo.

Gusto ko kasing maging nurse.

Para ako na ang mag-aalaga sayo kapag nagkatuluyan tayo. May libreng nurse ka na R. Kaya kung ako sayo, ligawan mo na ako R.

Ako na ang mag-aalaga sayo kapag matanda ka na at nahihirapan ka ng gumalaw kasi mahina na ang tuhod mo.

Ako ang mag-aalaga sayo R, at wala kang ibang gagawin, kundi ang tumandang kasama ko.

Cheesy ko talaga.

Sabi mo na okay lang naman na itutor mo ako. Okay lang din sa akin yun R. Edi ibig sabihin mas makakasama kita.

Ibig sabihin mas magkakaroon ako ng mahabang oras para makausap at magkatabi ka.

Gusto ko na tuloy magpasalamat kay mama dahil sa bright idea niya.

Sisimulan mo akong itutor pagkatapos ng birthday party ni Kimuel. Sa isang araw kasi ay mag-bibirthday na si Kimuel.

Kainan nanaman yun.

excited much,

Jony

Dear R,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon