April 7, 2015
Dear R,
Busy yung mga tao ngayong araw diyan sa bahay niyo. Naghahanda na kasi kayo para sa birthday party ni Kimuel bukas.
Ayon sa chismis na nasagap ko mula sa chismosang si mama, bukas raw ay mag-o-outing. Doon daw sa mamahaling resort gaganapin ang birthday ni Kimuel.
Kayo na talaga. Hindi namin kayo mareach. Masyado kayong mayaman.
Sabi rin ni mama na invited raw ang lahat ng kapitbahay natin.
Ibig sabihin kasama doon si Angelica?
Magkakaroon nanaman siya ng pagkakataon para akitin ka.
Hoy R, subukan mo lang na mag-paakit sa kanya at masasaktan ka talaga sakin.
Sa akin ka lang dapat maakit ha. Sa akin lang!
Ang possessive ko.
Nakahanda na ang swimsuit,
Jony
BINABASA MO ANG
Dear R,
Short StoryDear R, Jusko R, ang tagal na nating magkapitbahay. Malapit ng mag-end of the world hindi mo parin ako napapansin. Paki-spell mo nga yung salitang 'manhid'. Kailan ka ba mahuhulog sa akin? Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong...