This chapter is dedicated to ashyVicera. Maraming salamat sa kauna-unahang comment mo. As in gusto kong maiyak at magwala kasi nagcomment ka at nagvote pa.
Pinasaya mo ang writer-wanna-be na si ako.
Sana patuloy mo itong suportahan.
April 4, 2015
Dear R,
Kahapon, hindi ako nakapagsulat dito. Eh kasi naman, sobrang sama ng pakiramdam ko ng magising ako kahapon.
Alam mo ba yung pakiramdam na parang lalagnatin ka? Ay mali, kasi nilalagnat na pala ako kahapon noong magising ako. Nahihilo ako, may sipon parin ako, ang lamig lamig ng pakiramdam ko kahit na anga init init naman, tapos napaka-pait ng panlasa ko.
Alam mo yung mas nagpalala sa sitwasyon? Kasi mag-isa lang ako dito sa bahay. Yung mga kuya ko, umakyat na sila ng bundok tapos yung mga magulang ko, ngayon pa naisip na puntahan sila lola.
Iniwan nila akong mag-isa.
Agad akong bumangon sa kama at pinilit ko ang sarili ko na kumain. Kailangan kong kumain para makainom ako ng gamot. Aalagaan ko nalang ang sarili ko.
Halos hindi ako makakain kasi ang sama parin talaga ng pakiramdam ko. Lumabas ako sa may terrace namin para makasagap ng sariwang hangin.
At nakita kita sa terrace niyo, nakaupo. Nginitian mo ako. Nag-backflip ang puso ko pero hindi ko na yun masyadong pinansin. Umiwas ako agad ng tingin. Ayaw muna kitang makita ngayon R. Masakit parin kasi. Masakit parin talaga.
"Jony okay ka lang ba?" tanong mo sa akin pero hindi kita sinagot.
Please, huwag mo muna akong kausapin.
Hindi ko napansin na nilapitan mo na pala ako. Nagulat nalang ako ng makita kita na nasa tabi ko na pala. Tapos tinanong mo ulit ako kung okay lang ba talaga ako. Sabi mo pa nga namumutla ako. Isang matipid na tango lang ang isinagot ko sa'yo.
Bakit mo ba ako kinakausap ha? Di ba hindi ka naman ganyan? Diba wala ka namang pakialam? Eh ano tong ginagawa mo R?
Ano bang trip mo?Siguro kung wala akong sakit, baka tumalon na ako sa sobrang saya, ng biglang ipinatong mo ang palad mo sa noo ko.
Tapos hindi ko alam kung bakit, pero bigla ka nalang nag-hysterical. Sigaw ka ng sigaw at tinatawag mo ang mama mo habang hindi mo parin inaalis ang palad mo sa noo ko.
Lumipad tuloy ang mga paru-paro sa tiyan ko.
Lumabas ang mama mo na nagtataka kung bakit mo isinisigaw ang pangalan niya.
"Ma, ang taas ng lagnat ni Jony!" sabi mo. Hindi ko parin maintindihan kung bakit ang oa ng pagkasabi mo noon. Ngayon lang kita halos nakitang nag-panic ng ganyan. Aligagang aligaga ka R.
Lumapit sa akin ang mommy mo at hinawakan niya rin ang noo ko. Tinanong niya kung uminom na ba ako ng gamot at umiling lang ako.
Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na inaalalayan mo para pumasok sa loob ng bahay. Hawak mo ang dalawang balikat ko.
Alam mo bang ang oa mo? May lagnat lang ako pero hindi ako baldado.
At ang susunod na nangyari, ay hindi ko inaasahan.
Wala na akong mukhang maihaharap sa iyo R. Nakakahiya. Nakakahiya kasi nasukahan kita.
Humiga ako sa sofa namin katulad ng sinabi ng mommy mo.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kasi nakatulog ako agad dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko.
Nagising ako dahil sa tunog ng halakhak at ng kung anong palabas sa t.v.
BINABASA MO ANG
Dear R,
Short StoryDear R, Jusko R, ang tagal na nating magkapitbahay. Malapit ng mag-end of the world hindi mo parin ako napapansin. Paki-spell mo nga yung salitang 'manhid'. Kailan ka ba mahuhulog sa akin? Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong...