March 31, 2015
Dear R,
Yung mga kuya ko napagkasunduang umakyat ng bundok ngayong holy week. Isinasama pa nga nila ako. Kaya lang, ayaw ko nga. Nagpapaputi na nga ako para hindi naman ako mukhang yagit kapag katabi mo.
Katabi mo?! Hay, ayan nangangarap nanaman ako.
Wala ako sa mood. Nawala ako sa mood kasi kanina, nagpapa-cute sayo si Angelica noong dumaan siya tapos ikaw tumango pabalik sa kanya.
Samantalang ako, ako na kapitbahay mo, ni hindi mo ako matanguan.
Gusto mo ba siya?! Ano sumagot ka!
Pero naisip ko na tinanguan mo lang siya, pero ako, nakalaro kita, nakitang tumawa, tinamaan ng bola sa noo, hinawakan sa damit at nakasama kita habang pinagpapawisan tayong nakahiga sa tiles na flooring ng terrace niyo.
Oo na, susubukan ko ng huwag masyadong magselos. Pero sana, subukan rin nung si Angelica na huwag kang masyadong tignan na parang hinuhubaran ka. Nakakababae lang kasi talaga.
Nakakatawa na nagseselos ako, pero ni hindi nga tayo magkaibigan. Walang namamagitan sating espesyal.
Nakakabaliw ka kasi.
Ewan ko sayo. Ginayuma mo ako no?
Medyo bad mood parin,
Jony

BINABASA MO ANG
Dear R,
Short StoryDear R, Jusko R, ang tagal na nating magkapitbahay. Malapit ng mag-end of the world hindi mo parin ako napapansin. Paki-spell mo nga yung salitang 'manhid'. Kailan ka ba mahuhulog sa akin? Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong...