Please comment and vote...
ha_jii
March 26, 2015
Dear R,
Graduation natin ngayon. Sabay tayo ng graduation kahit magkaiba tayo ng school. Ako ngayong umaga at ikaw mamayang hapon pa. Sa private school ka kasi nag-aaral. Bukod kasi sa mayaman kayo, sadyang ubod ka ng talino at sinisiw mo ang entrance exam sa school na 'yan. Samantalang ako, dalawang beses akong kumuha ng exam pero hindi ako nakapasa.
Sa terrace ako minake-upan nila mama at ng mga tita ko. Nakakahiya nga kasi baka mamaya lumabas ka at makita mo ako. Pero sabagay, hindi ka naman talaga lumalabas diba? Himala na nga kapag umupo ka at nagtagal sa terrace niyo ng kahit thirty minutes manlang.
Ano ba kasing meron diyan sa loob ng bahay niyo at bakit ayaw mong lumabas? Ang puti-puti mo na tuloy.
Minsan tuloy iniisip ko na baka isa kang alien na nagmula sa ibang planeta kaya hindi ka nakikisalamuha sa iba kasi ayaw mong malaman namin ang real identity mo.
O baka naman isa kang superhero at itinatago mo lang ang super powers mo? Paano kung isa ka pala sa myembro ng 'teenage mutant ninja turtles?'
Yung mga pagong na nagsasalita at magaling sa martial arts.
O baka naman si Incredible Hulk ka?
Umamin ka nga..Sadya bang mahiyain ka lang at ayaw mong makipag-usap sa iba? Ano naman kasi ang ikakahiya mo? Ang gwapo mo kaya. Tapos matalino ka pa. Bakit ba palagi kang nakakulong diyan sa kwarto mo? Aircon ba diyan?
Narealize ko na halos limang taon na pala tayong magkapit-bahay pero kahit isang beses, hindi pa kita nakausap o naka-kwentuhan. Pero yung mga magulang mo naman at ang kapatid mong si Kimuel ay hindi mahiyain. Eh bakit ikaw ganyan?
Hindi ka ba nagsasawa na walang kausap at tahimik? Kamusta ang laway mo? Lagi sigurong napapanis no?
Bakit hindi kita nakikitang naglalaro sa labas? Kahit na noon, ni hindi ka nga nakipaglaro samin. Ganyan ka ba talaga? Siguro ganyan ka nga talaga.
Nakakatawa. Kasi magkaibang-magkaiba tayong dalawa. Bakit ganoon? Ang daya naman. Parang mas babae ka pa kesa sakin. Ako yung palaging nasa labas at tambayan at ikaw yung palaging nasa loob ng bahay. Ako yung maingay at barako magsalita at ikaw yung tahimik. Ako yung burara sa gamit at pangit ang sulat at ikaw naman yung masinop at maganda raw ang sulat mo sabi ng mama mo.
Kaya ba hindi mo ako gusto?
Ako kasi gusto kita. Matagal na kitang gusto. Pero alam ko naman kasi na walang pag-asa na mapansin mo 'ko. Hindi naman ako ganoon kaganda. Sakto lang.
Wala rin naman kasing espesyal sakin at sa pagkatao ko. Sabi nga nila, para raw akong lalaking kumilos at magsalita.
Siguro kasi puro lalaki ang mga kapatid ko kaya ayon ang nakasanayan kong kilos?Bigla kang lumabas sa terrace niyo. Napabaling sakin ang mga mata mo. Gusto ko tuloy takpan yung mukha ko dahil sa kahihiyan. Kasi naman, pinag-eeksperementuhan nila ang mukha ko at pati na rin ang buhok ko at may nakasabit pa na mga kulay pink na pangkulot at kung anu-ano.
Sabi kasi nila mas maganda daw ang kulot nito kesa yung curler na ginagamitan ng kuryente. Ewan ko ba, bakit ba kapag graduation kailangan kulot?!
Tapos nakita mo 'ko sa ganitong ayos. Parang gusto ko nalang magpakamatay.
Pero umiwas ka agad ng tingin at blanko parin ang ekspresyon mo. Nakakainis makita na wala kang pakialam. Na wala ka paring pakialam.Mas magiging masaya sana ako kung tinawanan mo nalang sana ang itsura ko.
Pero ikaw? Tatawa?.
Hindi ikaw yung tipo ng lalaki na palaging nakangiti. Wala nga akong naaalalang pagkakataon na nakita kitang nakangiti.
Mukha ka kasi laging seryoso. Yung mukhang masungit at suplado.Bakit ba palagi ka nalang naka-poker face at walang reaksyon?
Wala ka bang emosyon?
Kakaiba ka talaga.
Ngingitian pa sana kita at babatiin kaya lang pumasok ka agad sa loob ng bahay niyo. Gusto ko pa sanang sabihin sayo na bagay sayo ang black na long-sleeves polo na suot mo.
Masakit parin ang anit dahil sa curlers kanina,
Jony
BINABASA MO ANG
Dear R,
ContoDear R, Jusko R, ang tagal na nating magkapitbahay. Malapit ng mag-end of the world hindi mo parin ako napapansin. Paki-spell mo nga yung salitang 'manhid'. Kailan ka ba mahuhulog sa akin? Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong...