6

13 0 0
                                        

March 30, 2015

Dear R,

Kaninang umaga, noong lumabas ako sa terrace namin at nakita kitang nakaupo rin sa may terrace niyo, habang may binabasa kang makapal na libro na nagkabuklat na halos sa bandang gitna. Sobrang kapal ng libro na parang kahit na tignan ko lang yan at hindi ko basahin ay mauumay na ako. Halata naman sa personality mo na mahilig kang magbasa. Matalino ka kasi diba?

Hindi mo napansin ang presensya ko kasi parang hook na hook ka diyan sa librong binabasa mo. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para pagmasdan ka ng mas matagal. Gwapo. Gwapo ka talaga.

Tapos yung daliri mo, mahahaba at magaganda. Mas maganda pa nga yata ang daliri mo kesa sa mga daliri ko.

At habang pinagmamasdan kita, mas lumiliit ng lumiliit ang pag-asa ko na magustuhan mo. Para tayong beauty and the beast. Kaya lang ikaw ang beauty at ako ang beast.

Nandiyan ka lang naman sa terrace niyo na kalahating metro lang ang layo sa terrace namin, ang lapit lapit mo lang, pero bakit pakiramdam ko, imposible kitang maabot?

Sobrang perfect mo at parang ang kapal ng mukha ko na pangarapin man lang na magustuhan mo rin ako. Masyadong mataas ang pangarap ko.

Kung gayumahin kaya kita?

Kaya lang kasi wala naman akong kilalang mangkukulam.

Nagulat ako ng iangat mo sakin ang paningin mo. Huli na ang lahat para umiwas pa ako ng tingin kasi nahuli mo na nga ako na pinagnanasahan ang kagandahang lalaking taglay mo.

Nagsalubong ang kilay mo sa pagtataka. Gusto kong umiwas ng tingin pero may kung ano sa paraan ng pagtingin mo sakin ang nagpanatili saking nakatingin sayo.

Nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko.

Makalipas siguro ang mga limang segundo ay inalis mo ang tingin mo sakin. Tumayo ka mula sa pagkaka-upo mo at pumasok ka sa loob ng bahay niyo ng hindi man lang ako tinitignan.

Bumalik ka nanaman sa dating ikaw. Mas gusto ko yung R na kalaro ko kahapon.

Yung kahapon, siguro nga wala lang 'yon sayo pero ako, hindi ko makakalimutan yon.
Hindi. Kahit ten times pa akong magka-amnesia.

Nagbibiro lang sa amnesia part,

Jony

Dear R,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon