5

14 0 0
                                    

March 29, 2015

Dear R,

Nagising ako kasi sobrang init, tapos pawis na pawis ako. Pagbangon ko, nakita kong nakapatay ang electric fan. Nakakainis! Bakit nila papatayin ang electric fan eh nakita nilang natutulog pa ang tao?! Pawis na pawis tuloy ako. Mamaya magkasakit pa ako nito. Mag-alala ka pa. Ay, wala ka nga palang pakialam sakin. Pasensya naman.

Pero balik tayo sa electric fan na pinatay. Bastusan na yon di ba? Handa na sana akong awayin at balian ng buto ang kung sino mang walang konsensya na nagpatay ng electric fan sa kwarto ko ng marealize ko na bukas naman pala kasi nakapindot yung number two button, tapos nakasaksak rin naman.

Ibig sabihin walang kuryente?! So meralco pala ang may kasalanan kung bakit ako pinawisan? Bastos na meralco yan ah.

Bumangon na ako agad at pumunta sa kusina para uminom. Ang init! Mainit naman talaga ang panahon kasi summer na tapos ngayon pa natripan ng meralco na alisin ang kuryente. Ano ba naman yan?!

Mainit rin ba diyan sa inyo? Naku baka matuyuan ka ng pawis tapos magkasakit ka. Paano na ako kung mangyari 'yon?
Huwag kang magpapatuyo ng pawis ah.

Matapos kong kumain ay lumabas ako sa terrace namin kasi naman sobrang init talaga. Hindi ko na kaya.

Mabuti nalang at kahit papaano ay medyo mahangin naman ng umupo ako sa may terrace namin. Lumingon ako sa terrace niyo pero wala namang tao. Huwag mong sabihin na nakakulong ka parin sa kwarto mo? Ang init kaya. Papawisan ka talaga diyan.

Ilang minuto pa akong nakatulala sa kung saan habang pinapaypayan ko ang sarili ko ng bigla akong tawagin ni Kimuel. Natutuwa talaga ako diyan sa kapatid mo. Sobrang cute. Ang taba-taba tapos maputi rin pero mas maputi ka. Tapos yung chubby niyang pisnge na ang sarap kurutin hanggang sa mamula. Sobrang cute niya talaga. Kapag nagsawa kayo sa kanya pwede niyo naman siyang ipa-ampon sakin.
Ang cute kasi. Pero ikaw parin ang gwapo sa paningin ko kaya huwag kang magseselos ha? Kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Ikaw parin ang laman ng puso ko. Yiieehh ang corny.

Niyaya niya ako na maglaro raw kami ng bola niya. At dahil talagang hindi ko siya kayang hindian kasi super cute niyang mag-pout, pumayag na ako na makipag-pasahan ng bola sa kanya.

Nakatayo ako sa terrace namin at siya naman ay diyan sa may terrace niyo, magkatabing-magkatabi lang kasi talaga ang mga bahay natin. Tapos halos pantay na pantay pa ang laki at lapad kaya mas bagay tayo dahil halos pareho ang mga bahay natin.

Ano namang koneksyon ng mga bahay natin sating dalawa? Ganun lang siguro talaga kita kagusto kaya lahat ng bagay kinokonekta ko sayo, sa atin.

Nakakainis lang kasi alam kong para sayo wala naman talagang tayo. Pero para sakin meron. Sa imagination ko, merong tayo. Pagbigyan mo na 'ko.

Ilang minuto pa kaming naglaro ni Kimuel ng hagisan ng bola from terrace namin to terrace niyo. Medyo pinapawisan na nga ako pero ewan, enjoy na enjoy akong marinig ang halakhak ng kapatid mo. Kung siguro hindi ako matanda ng sampung taon sa pitong taon mong kapatid baka hintayin ko nalang ang paglaki niya at siya nalang ang akitin ko.

Akitin talaga?

Pero kasi baka makasuhan ako ng child abuse. Seventeen na ako at si Kimuel naman ay seven lang. Tuwang-tuwa lang talaga ako sa kanya kasi bunso na ako at wala ng kapatid mas bata sakin. Kaya share nalang tayo kay Kimuel.

Biglang bumukas yung screen door niyo at iniluwa ka ng pintuan at sakto naman na hinagis ko na ang bola pabalik kay Kimuel, pero medyo napalakas yata ang hagis ko kaya sapul ka sa noo.

Napatakip pa nga ako sa bibig ko dahil sa gulat at kasabay noon ang malakas na pagpintig ng puso ko.

Tinamaan kita ng bola sa noo. Totoong bola pa naman 'yon. As in yung bola na matigas na ginagamit ng mga basketball players.

Dear R,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon