8

9 0 0
                                    

April 1, 2015

Dear R,

April na. Diba dapat summer na? Pero bakit ang lakas lakas ng ulan sa labas?
Sobra na talaga ang epekto ng climate change.

Lumabas ako sa may terrace namin. Nakasanayan ko na simula pa noong bata ako na kapag umuulan, maliligo ako. Pero ngayon, dalaga na kasi ako.

Pero nakakaakit ang ulan. May kung anong pakiramdam kong humahatak sakin para tumayo sa ilalim nito.

Nakakahiya lang kasi ang tanda tanda ko na. Baka pag tawanan mo pa ako.

Inilabas ko ang kamay ko at isinahod ito sa mga tulo ng ulan na dumaan sa bubungan namin.

May kung ano talaga sa ulan na nakakapagpakalma sakin.

Pumikit pa nga ako habang dinadama ko ang pagtulo ng ulan sa palad ko.

Napalingon ako sa terrace nyo, para makita ka na nakatayo rin sa may gilid at nakasahod rin ang kamay mo sa labas ng bubungan ng terrace nyo katulad ng ginagawa ko.

Hindi ko na tuloy napigilan ang mapangiti.

Gusto mo rin ba ang ulan?

Nagulat pa lalo ako ng lumingon ka sakin, tapos ngumiti ka. Yung ngiti na sapat na para mag-back-dive ang puso ko.

Mas ikinagulat ko pa ang susunod mong ginawa. Lumabas ka sa terrace niyo at tumayo ka sa ilalim ng ulan.

Napanganga nalang ako habang pinapanood kitang naglalaro sa ilalim ng ulan.

Basang-basa ka na.

Pakiramdam ko slow mo ang bawat galaw mo. Ang bawat paghawi mo sa basa mo na ring buhok. Lahat slow mo.

Sobrang natatakot nga akong kumurap kasi ayokong mawala ka sa paningin ko kahit isang segundo.

Hindi ikaw yung tipo ng lalaki na merong nagpuputukang muscles. Payat ka lang. Para ngang wala ka ring abs, pero hindi ko ipagpapalit sa kahit ano na sinong artista na may magandang katawan ang sandaling ito.

Ang panoorin kang naglalaro sa ilalim ng ulan. Parang ang saya mo. Parang hindi ikaw ang supladong si Renz na kapitbahay ko. Parang hindi ikaw yung lalaking ayaw lumabas. Parang mas minamahal kita sa lahat ng simpleng bagay na ginagawa mo.
Posible ba talaga 'yon? Na bawat segundo mas magustuhan kita?

Nakakainis. Ang bilis bilis ng heartbeat ko.

Tinawag mo ako. Oo, tinawag mo ang pangalan ko. Ang sabi mo "Jony ligo tayo dali!"

Umiling lang ako. Alam kong magmukha lang akong tanga kapag naligo pa ako sa ulan kahit ang tanda ko na.

Ikaw cute tignan, at ako, alam kong hindi ako maganda kapag basa ako at nangingitim ang labi ko dahil sa lamig.

"Halika na Jony!" sabi mo ulit. Gusto ko sanang tumanggi. Pero hindi ko na nagawang umiling ng lumapit ka sakin at gamit ang basang mga daliri mo, ay winisikan mo ako ng tubig sa mukha.

Ang kulit mo. Ano bang nakain mo ha?

Sa huli, nakita ko nalang ang sarili kong basang basa na rin habang pilit kang hinahabol.

Alam mo ba kung ilang beses kong pinangarap ang sandaling ito? Ikaw at ako, tayong dalawa, sa ilalim ng malakas na ulan.

Alam mo ba kung gaano ako kasaya R?

Ilang beses pa nga akong nadulas habang hinahabol ka pero kahit masakit yung puwet ko, okay lang. Kasi tuwing nadudulas ako, hahagalpak ka ng tawa. Tapos tutulungan mo akong tumayo.

At pasimple kitang nahahawakan sa kamay tuwing aalalayan mo akong tumayo.

Yung mga kapitbahay natin, tawa ng tawa sa ating dalawa kasi mga mukha raw tayong tanga.

At alam mo ikaw? Pauso ka. Yung iba tuloy mga bata ginaya tayo at naligo rin sila sa ulan.

"Hoy mga bata huwag nyong paiiyakin si Jony!" sigaw pa nung mga ungas kong kuya.

Napangiti nalang ako.

Kasi alam kong kung mukha akong tanga, eh mukha ka ring tanga.

Oo na para tayong mga bata. Pero ang saya saya ko. Sobrang saya ko na ayoko nang tumigil ang ulan.

Ayaw ko ng tumigil ang sandaling ito.

Pero nagmamaktol akong naglakad pauwi ng si Angelica, nakisali narin sa laro natin.

Ang ikli ikli ng shorts niya. Tapos nakasando lang siya. Oo na, siya na nga ang maganda ang hubog ng katawan. Siya na talaga!

Agad akong pumasok sa bahay kasi ayoko ng maligo sa ulan para panoorin kung paano ka landiin ni Angelica. At kung paanong okay lang sayo na magpalandi sa kanya.

Nakakainis ka!

Nakakainis kayong dalawa!

Ang impaktang si Angelica. Nakakasira siya ng moment. Ayun na yun eh, tayong dalawa, sa ilalim ng ulan. Ayun na ang moment natin eh, pero hindi ko alam kung bakit dumating pa ang babaeng eksena.

At ngayon kayong dalawa na ang nagmomoment. Edi wow! Madulas sana kayo mga ten times.

Gustong manakal ng babaeng Angelica ang pangalan,

Jony

Dear R,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon