Desk

1.5K 25 2
                                    

Desk

"Sabi nila, kapag sinulat mo raw ang pangalan mo sa desk ng nagugustuhan mo, magkakagusto rin daw sya sayo."

"Saan mo naman napulot yan ha?" Ai, who happened to be my best friend asked, not looking at me dahil abala sya sa pagpili ng ulam na bibilhin nya. Lunch break kasi namin ngayon at nandito kami sa Canteen. "Ate, isang order po ng adobong manok." Sabi nya dun sa tindera.

"Ate, ganun na rin po yung sakin." Gaya ko kay Ai.

Pagkatapos namin um-order ay humanap na kami ng pwesto at dun naghintay sa order namin. Hindi pa raw kasi naluluto yung adobo kaya to follow na lang sya.

"Sa manga na binasa ko kagabi sya nakuha." I dreamingly said, answering her question earlier na kulang na lang ay tumirik ang mata ko sa sobrang kilig dahil bigla kong ni-reminisce yung story ng manga.

Ai gave me a weird look matapos nya marinig yung sinabi ko. "At pinaniwalaan mo naman kaagad yan?" Ngiting-ngiti akong tumango sa kanya. "Aya, imbento lang yan ng mangaka para kiligin ang reader. Wag ka ngang basta-basta naniniwala dyan."

Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Ateng in-order-an namin ng ulam kanina para dalhin yung adobong manok. Nang maka-alis sya ay sumagot na ako. "Bakit? Wala naman masama kung maniwala dun diba? What if totoo?"

"So to make the story short, balak mo yun gawin kay Ren?" She asked but she also sounded sure of it. At nang tumango ako ay bumuntong hininga sya. "You do really love this kind of idea, don't you?"

Malapad ang ngiting tumango ulit ako sa kanya. "And I'm planning to do it tomorrow afternoon, kapag umuwi na mga kaklase natin."

"Don't count me in, Aya. Alam mong wala akong balak na sumali sa mga kalokohan mong yan." Sabi nya sabay subo dun sa pagkain nya. Napaka-seryoso talaga ng babaeng 'to.

"Don't worry, madali ko lang naman magagawa yun since katabi lang ng classroom natin yung classroom ni Ren." I explained.

Nang hindi na sya sumagot ay tahimik na kaming kumain. Pero hindi rin nagtagal ang katahimikan na yun dahil biglang magkagulo ang mga estudyante na nandito sa Canteen at mukhang kami lang dalawa ni Ai at yung mga kalalakihan lang ang hindi nakigulo. Nagsimulang umingay dahil sa mga babaeng bigla na lang nagsigawan, and there's no need to know the reason behind it, kasi wala namang ibang dahilan kung bakit nagkakagulo ang mga estudyanteng babae dito kundi dahil kay Ren.

Yes, isa ako sa mga babaeng nakakandarapa para lang sa atensyon nya. But don't get me wrong, I mean, compared sa ibang babae na literal na nagkakandarapa sa kanya, silent version yung sakin. Hindi obvious. Dahil ayon sa mga nababasa ko sa manga, the more na obvious ka, the more na natu-turn off sayo ang lalaki though, it depends pa rin sa kung ano yung trip ng lalaki sa babae. May mga lalaki rin naman kasing trip yung mga papansin. Masyado lang kasi akong nagsti-stick sa paniniwala ko na tama yung mga nababasa ko sa manga.

"Are you still sure you're going to do it?" Sabi ni Ai nang medyo humupa na ang gulo. Naka-upo na kasi si Ren at tahimik nang kumakain kasama yung mga kaibigan.

"Uhuh..." I said while nodding. I didn't even bother looking at her dahil nakatingin ako kay Ren. "I really like him so much." Humarap ako kay Ai na ngayon ay nabubulunan na. What? Did I say something wrong?

"Mangilabot ka nga sa sinasabi mo!" Ai said pagkatapos nyang uminom.

I rolled my eyes at her. "Tomboy ka talaga."

Tumawa lang sya sa sinabi ko pagkatapos ay pinagpatuloy na ang pagkain. Ganun din naman ang ginawa ko habang nag-iisip kung paano ko gagawin ang plano ko bukas.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon