Author's Note:
Thought of this as non-sense though I'm still posting it. Your vomments will be my happiness! ☺
***
Our Diary
Ayan na sya, nakikita ko na naman syang naglalakad. Smiling so wide as he laughed while talking to his classmate. Hay... Simon Mathew Kyoshi Fernandez, kailan kaya kita maaabot?
"Fate Izza Yul Sahagun!" I turned my head to look at the person who called me.
"Ano ka ba naman? Kanina pa kita hinahanap. Kung saan-saan ka na naman pumunta." Hihingal-hingal nyang sabi.
"Blaire, pede ba mamaya ka na muna magsalita? Hintayin lang natin syang makadaan." I said, not looking at her dahil abala ako sa pagtingin kay Mathew.
"Sino ba kasi yun ha?" She asked as she looked at the direction where I'm looking, and when she knew who was it, ngingisi-ngising siniko nya ako. "Oh... Ang dahilan pala ng pagiging emo mo." She teased.
"Wag ka ngang magulo dyan." Saway ko naman sa kanya habang pinipigilan yung paniniko nya sa tagiliran ko.
I stopped on stopping her nang ma-realize kong malapit na syang dumaaran sa harap ko. Ayan na sya, palapit na. Yung puso ko naman, as usual, nagwawala pa din. Ugh.
Saktong-sakto naman nung dumadaan sya ay biglang nag-play yung DJ ng Radio Club ng School namin ng kanta na routine na nila every morning. The same routine goes during afternoon, kapag uwian na ay nagpla-play din sila ng kanta.
'Bakit kaya nangangamba?
Sa twing ika'y nakikita,
Sana nama'y magpakilala...
Ilang ulit nang nakabangga,
Aklat kong dala'y pinulot mo pa,
Di ka pa din nagpakilala...
Bawat araw sinusundan,
Di ka naman tumitingin
Anong aking dapat gawin?
Kailan...
Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?
Kahit anong aking gawin di mo pinapansin...
Kailan...
Kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin?
Kahit anong gawing lambing di mo pa din pansin...'The chorus part was playing nung tumingin sya sa direksyon ko, and my heart just have to skip a beat that time. Kahit sandali lang yun dahil binalik din nya agad tingin nya dun sa kausap nya, it didn't fail to make my heart thump. Kailan mo nga ba ako mapapansin? I thought to myself and sighed.
"I really won't blame you kung emo ka na nang ganito kaaga. I swear I won't." Blaire even raised her right hand as if she's seriously swearing, but what made it look unreal was her very lousy smile that made me roll my eyes. Ugh talaga. "Bumalik na nga lang tayo sa classroom natin."
"Sus..." Sinundot-sundot na naman nya ako sa tagiliran. "Ang sabihin mo, magsusulat ka lang ulit sa diary mo." Banat pa nya.
Hindi ko na lang sya pinansin. But what she said was true, may balak nga akong magsulat sa diary ko. Diary ko na exclusively for him lang dahil dun ko sinusulat lahat ng nararamdaman ko para sa kanya at lahat ng nangyayari sa tuwing makikita ko sya.
Pagdating namin sa classroom, wala akong ibang naramdaman kundi boredom. Mabuti na lang talaga at may diary ako dahil kahit papaano ay may napaglilibangan ako.
**
Dear Diary,
Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?
Tumingin sya sakin kanina, okay na din yun kesa sa wala (*^▽^*)
Sighs Moans Math? You!