Author's Note:
This story is dedicated to my favorite Princess wannabe, Hime-chan. Actually, story nya talaga 'to that's started when she met her so-called, Prince The Real.
Hime-chan this is for you. あいしています、ともだち!
PS: Medyo nakadrugs ang story na 'to.
***
Prince The Real
May bago na naman kaming business, Water Station sya na kabubukas lang ngayon at magiging dakilang taga-bantay na naman ang prinsesang ako.
"Ate Abby, ate Daisy, Ruth at Jab, hindi muna ako sasabay sa inyo umuwi. Magbabantay pa ko sa Water Station e." Sabi ko sa mga bruha kong kaibigan.
"Sus, lalandi ka lang." Sagot ni Ruth.
"Makikipagkita kay Siopao." Sabat ni Ate Daisy.
"Sige, lumayas na. Kamusta mo ako kay Lee Min Ho, sabihin mo ang hot nya talaga." Kinikilig na sabi ni Jab.
"Wag nyo naman ganyanin si Hime." Pagtatanggol sakin ni Ate Abby sabay lapit sakin at yakap.
"Ate Abby thank you talaga! Palagi na lang ako inaaway ng mga meanies na yan!" Tinuro ko pa sila isa-isa habang nakayakap kay Ate Abby.
"Sus! Niloloko ka lang ni Abby. Plastic kaya yan." Pang-aasar ni Jab habang tatawa-tawa.
"Oonga, wag kang nagpapadala dyan. Mapagpanggap yan." Pagsang-ayon naman ni Ruth.
"Hoy, hindi ako ganyan no. I don't pretend." Pagtatanggol ni Ate Abby sa sarili nya. Sadly, tinawanan lang sya ng mga bruha naming kaibigan.
Umalis na din ako pagkatapos nung walang kwenta naming pag-uusap. Dumeretso na agad ako sa Water Station since malapit lang naman yun sa School namin.
Nang makarating ako, papasok na sana ako nun sa loob nang bigla akong mapatigil dahil sa nakita ko.
⊙▽⊙
⊙▽⊙
Wow! Sobrang ganda naman ng katabing bahay nitong Water Station namin. Gaano kaya kayaman yung nakatira dito? Pero teka, bahay pa ba 'to? Mukha na kasi syang mansion sa sobrang laki.
Sandali akong napaisip dahil dun sa naisip ko. Hindi kaya... Dun nakatira ang Prince Charming ko?
Patakbong pumasok ako sa Water Station dahil sa naisip ko at walang habas na sumigaw nang, "Umma! Appa! Unnie! Annyeong!"