His Interview

2.3K 63 7
                                    

Author's Note:

This story is inspired by HaveYouSeenThisGirl's 'He is Offline'.

***

His Interview

Tinititigan na naman ni Bianca ang cellphone nya. Hanggang ngayon kasi, umaasa pa din sya na dadating yung araw na maalala na ulit sya ng taong matagal na nyang hinihintay.

*vibrate*

Excited na binuksan ni Bianca ang message.

From: 0927*******

Take care! =)

Naiinis na dinelete nya yung text. Sino ba namang hindi maiinis kung umasa ka na sya yung nagtext? Tapos hindi naman pala.

Naiinis din sya dun sa unknown number na yun. Lagi na lang kasi yung nagtetext sa kanya. Pag hindi nagtetext, tumatawag naman. Tapos kapag tatanungin nya kung sino, bigla na lang syang papatayan. Ang bastos lang diba?

Kahit naiinip na ang babae. Maghihintay pa din sya. Dahil nagbabaka-sakali syang maalala na sya.

1 Oras..

2 Oras..

5 Oras..

10 Oras..

"Hay... Hanggang kailan pa ba ako aasa?" Nasabi na lamang nya sa sarili nya.

Nalulungkot sya, nasasaktan. Hanggang ngayon kasi naghihintay pa din sya ng text mula sa taong yun. Hanggang ngayon umaasa sya na maalala ng taong yun. Matagal na panahon na din simula nung maghiwalay sila. 2 years? 3 years? Hindi na nya maalala sa sobrang tagal.

They have this skinny love type of relationship. Walang commitment, pero alam nilang may 'something' na sa kanila. Alam ni Bianca na mahal sya ng lalaki at alam din ni Jayson na mahal sya ni Bianca. Pero simula nang umalis si Jayson at pumunta ng America. Things started to change, kahit pa sabihing nangako sila sa isa't-isa na they will keep in touch.

At doon nasasaktan ng sobra si Bianca. Nangako sila sa isa't-isa e. Hindi nakakalimutan ni Bianca na i-text si Jayson araw-araw. Samantalang yung lalaki, mukhang matagal nang nakalimot. Ni-hindi nga nagrereply ang lalaki kay Bianca e. Madalas nga hindi na nya mapigilang hindi mainis. Ano 'to pestehan lang? Lechehan? Papanga-pangako sya tapos hindi naman tutuparin?

Pero kahit ganun. Hindi pa din sya nawalan ng pag-asa. Oo, umaasa pa din si Bianca na rereplyan at tatawagan na sya ng lalaki. Up until now naka-nganga pa din sya sa harap ng cellphone nya.

Maya-maya lang may pumatak na tubig sa screen ng cellphone nya. At oo, ayun na naman sya. Umiiyak, sino ba naman kasi ang hindi iiyak sa kalagayan nya diba? Ang tagal-tagal na nyang umaasa sa wala. Ang tagal-tagal na nyang nagpapaka-tanga. Bakit nga ba ganito ang buhay? Ang peste na nga. Ang leche pa.

Pinunasan ni Bianca ang mga luha nya at nagdesisyong wag nang mag-abang ng text or tawag mula sa kanya. Kinuha na lamang nya ang remote at nanood ng TV.

Lipat doon, lipat dito, lipat kahit saan ang routine nya. Wala syang mapiling magandang panoorin, wala syang magustuhang channel.

Akmang papatayin na nya ang TV nang may pumukaw ng atensyon nya. Dahilan para mabitawan nya ang hawak-hawak nyang remote at bumilis ang tibok ng puso nya.

Hindi sya maaaring magkamali. Kahit ilang taon ang nakalipas na hindi sila nagkita ng taong yun. Alam nyang sya yun, ramdam nya yun.

Si Jayson, ang lalaking matagal na nyang hinihintay. Ang lalaking nangako sa kanya. Ang lalaking dahilan kung bakit lagi syang nakatanga sa cellphone. Ang lalaking dahilan kung bakit sya umaasa, at ang lalaking dahilan kung bakit sya nasasaktan ng sobra.

Ini-interview sya sa isang Talk Show.

"Sikat na pala sya. Kaya ba hindi na nya ako makuhang tawagan o i-text?" Yung tanong nyang yun sa sarili nya ang lalong nakapagpabilis ng pagtulo ng mga luha nya. Nasasaktan sya sa katotohanan. Na tuluyan na nga syang nakalimutan ng taong minahal nya ng sobra.

Yung mga ngiting binibigay nya sa mga fans nya ay patunay lang na masaya na talaga sya sa buhay nya, sa kung anong buhay meron sya sa America.

Hindi pinansin ni Bianca yung mga fans na walang ibang ginawa kundi ang sumigaw. Hindi din nya pinansin yung tinatanong ng nag-iinterview kay Jayson. Abala sya sa pagtitig sa mukha ng lalaki. Sobrang na-miss nya talaga ito.

Sa pagtitig nyang yun. Walang ibang nakakuha ng atensyon nya maliban na lang dun sa isang tanong ng host kay Jayson.

"So Jayson, it's very obvious that there are a lot of girls who are dreaming to be yours. That's why everyone wants to know if you already have this special lucky girl in your life right now."

Matapos nyang marinig ang tanong ng host. Agad-agad, pakiramdam nya, nanlamig ang buong katawan nya. Maski kasi sya gustong malaman yun. Sikat na sya, hindi nakakapag-taka kung sabihin nyang meron. Pero umaasa pa din sya na sasabihin nyang wala.

'Sana.. Sana..' Sa isip-isip ng babae.

Tumawa si Jayson. "So you're asking if I have a girlfriend right now?"

Tumango yung nang-iinterview sa kanya na halatang excited na ding malaman ang sagot ni Jayson. Sa parte ni Bianca, kinakabahan na talaga sya. Ayaw nyang marinig na oo, meron. Pero gusto nyang malaman. Naguguluhan na sya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nya.

Sandaling ngumiti si Jayson, at tumango. "I have."

Nang marinig nya yun. Daig pa nyang pinagbagsakan ng 10 sako ng bigas at 50 ref. Yung kaninang tumigil na nyang mga luha muling umagos. Sobrang nasasaktan talaga sya. Bakit sya pinaasa ni Jayson sa wala?

Akmang papatayin na nya ang TV nang mapatigil sya dahil sa mga sumunod na sinabi ni Jayson.

"I will have... soon. She's always waiting for my texts and phone calls. What she doesn't know is that I'm the unknown number who keeps on calling and texting her."

-END-

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon