Set-up
"Creon, napapagod na ako." Hihingal-hingal kong sabi habang tumatakbo kami.
"Malapit na tayo sa parking area. Konting tiis na lang." Tugon nya.
"Ano na naman ba kasing gulo ang pinasok mo?" Pagalit kong tanong sa kanya. Hawak-hawak nya ang kamay ko na hindi na nya binitawan simula nung tumakbo kami.
Nang di nya ako sagutin ay pinisil ko na lamang ang kamay nya bilang ganti kahit na alam kong hindi sya nasaktan sa ginawa ko. Kanina pa kami tumatakbo mula dun sa Bar na pinanggalingan namin dahil hinahabol kami ng isang grupo ng mga lalaki at kahit di sabihin ni Creon kung ano ang dahilan, alam kong nakipag-away na naman sya. Sa araw-araw na lang laging may pinapasok na gulo 'tong best friend ko. Simula pagkabata pa lang namin habulin na talaga sya ng gulo, saksi ako sa lahat ng mga gulong pinasok nya dahil kapag napapasok sya sa gulo palaging ako ang kasama nya.
"Sumakay ka na dali!" Pasigaw nyang sabi sakin, kaagad na inistart nya ang kanyang sasakyan at pinaharurot ito ng takbo nang makasakay ako. Kahit nasa kalsada na kami ay hinahabol pa din nila kami.
"Creon, bilisan mo pa maaabutan na nila tayo." Nanginginig na boses kong sabi. Natatakot na ako. Maya't-maya ang lingon ko sa harap at likod. Baka maabutan nila kami.
"Ano ka ba? 120 na nga ang takbo ko o. Wala nang ibibilis 'to. Todo na 'to."
I just rolled my eyes nang marinig ko yun. Naiinis na talaga ako, hindi ko alam kung malas lang ba ako at naging best friend ko sya o sya ang malas at naging best friend nya ako. Palagi na lang napapahamak buhay namin. "Pasalamat ka, mahal kita." Bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Ha? Anong sabi mo?" Tanong nya. Di nya talaga ako maririnig dahil binuksan nya ang stereo ng sasakyan at naka-todo ang pagpapatugtog nya. Sa mga ganitong sitwasyon, sya lang talaga ang di kinakabahan at natatakot sa amin dalawa palibhasa sanay na sya sa mga ganitong pangyayari. Bingi ka Creon, bingi ka!
Hindi ko na sya sinagot. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtingin-tingin sa likod. Sabi ko, mahal kita peste ka! Ugh. Simula pagkabata pa lang mahal ko na sya higit pa sa isang best friend. Kaya nga siguro kahit alam kong sobrang delikado ng mga pinapasok nyang gulo. Hindi ako nawala sa tabi nya, gustong-gusto ko na lagi syang kasama. Masaya ako kapag kasama ko sya, kahit na lagi na lang kaming tumatakbo, kahit na alam kong hindi nya masusuklian ang pagmamahal ko sa kanya, alam ko naman na hanggang best friend lang talaga ang turing nya sakin. Kaya nga pinili ko na lang na sarilinin ang nararamdaman ko para sa kanya. Isa pa, ayoko din masira ang pagkakaibigan namin.
"Wala na sila. Hindi na nila tayo nahabol." Bigla nyang sabi sabay tawa.