Heart KiTa

2.4K 79 17
                                    

Heart KiTa

"...that's all. Thank you so much everyone." I said as I smiled.

Nagpalakpakan silang lahat. Katatapos ko lang i-deliver yung speech na ginawa ko for the second time. First place na naman kasi ako sa Speech Contest na sinalihan ko and kapag nanalo, ide-deliver ulit sa stage yung speech piece.

Sinikap abutin ng mga mata ko kung nasa audience ba ang taong gusto kong makitang pinapalakpakan ako. Hindi naman ako nabigo at nakita ko kaagad sya. Kaya lang, busy sya sa pakikipag-usap dun sa kasama nyang babae.

I sighed in my mind. I wonder kung nakinig ba sya sa speech ko or kung pinalakpakan man lang nya ako nung nakuha ko yung award ko.

Bababa na sana ako sa stage nang may maalala ako kaya bumalik ulit ako at nagsalita gamit ang mic.

"And by the way, Heart KiTa." Ngiting-ngiti ulit ako habang sinasabi ko yun. Everytime na may gagawin akong speech, palaging yun ang pinakahuli kong sinasabi.

Tumingin ulit ako sa pwesto nya. At ayun, nakikipagtawanan na sya dun sa kasama nyang babae. Hindi nga siguro sya interesado sa mga sinasabi ko. Hay...

Sana narinig or inintindi man lang nya yung huli kong sinabi, which is Heart KiTa. Hindi naman yun binibigyang malisya ng iba kasi iniisip ng lahat, initials ko lang talaga yun, which is again, KIsha TAmayo. Ang hindi alam ng marami, para sa kanya lang talaga yun, para sa taong matagal ko nang heart.

Bumaba na ako ng stage. Sinalubong naman agad ako ng mga kaibigan ko at nag-congratulate sakin.

"Ang galing mo talaga Kisha! Kaya proud na proud akong maging best friend mo e." Sabi ni Keena at mahigpit akong niyakap.

I smiled a bit as she hugged me. "Salamat. Samahan mo muna ako sa locker area. Ilalagay ko muna 'tong trophy at mga certificates dun, ang bigat e."

Nang tumango sya ay dumeretso na kami sa locker area. At habang naglalakad kami, maya't-maya din ang bati sakin ng mga nakakasalubong namin.

"Grabe Kisha, sikat ka na talaga! Ikaw na!" Tatawa-tawa nyang sabi habang sinisiko ako.

"Oo, kaya pasalamat ka na naging best friend mo ako." I boasted.

She rolled her eyes with what I said. "Maghintay ka lang. Ipagkakalat ko din sa lahat kung gaano ka kayabang para mawalan ka na ng mga fans."

Natawa na lang ako sa sinabi nya. We've been like this for like ever since. Keena has been there for me para suportahan ako kaya ganito na din yung level ng closeness namin. She's my best friend afterall.

Pagkarating namin sa locker area, nilagay ko na kaagad dun ang mga gamit ko. May nahulog pa ngang papel pagkabukas ko na pinulot ko naman kaagad at binasa...

'Congratulations! You're really worth the award. Just like how worth you are to love. Always smile okay? Because it makes my day ☺

To: Heart KiTa :From'

"May sulat na naman sya sayo?" Parang may idea nang tanong ni Keena. "Pabasa nga." She added as she took the paper from my hands.

Pagkatapos nyang basahin ay binalik din nya agad sakin yung sulat.

"Sayang..." Umiiling-iling sya. "Kikiligin na dapat ako kung nagpakilala sya e." Medyo naiirita nya pang sabi.

Since nagpasukan kasi, nagpapadala na sakin ng sulat ang taong 'to. Tinignan ko ulit yung nakasulat sa huli, "Mali na naman yung type nya sa huli. Sinasadya nya ba 'to o talagang engot lang sya?" Biro ko.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon