Author's Note:
Because of those some who requested for a sequel, I made this. By the way, this one is originally made by me.
***
There's No Happy Ending [Sequel]
Two years...
Two years being alone...
Two years full of darkness...
Two years of numb feelings...
Being sad? Hindi ko na nararamdaman yun. As I said, I felt numb and will always be numb. Sa totoo lang, hindi ko na din alam kung dapat ko pa ba yun maramdaman, matapos ang lahat ng nangyari sakin, ewan ko lang kung babagay pa sakin ang salitang manhid.
After my mother died, ginugol ko na ang lahat ng oras ko sa pagttrabaho at pag-aaral. Graduating student na ako ngayon, kahit papaano naging maayos naman ang past two years ko dito sa School. Palaging mag-isa, malayo sa lahat ng tao and at the same time nilalayuan din ng mga tao, para sa akin maayos na maituturing yun.
Si Joseph? Wala na, patay na sya. Matagal ko na syang pinatay sa isipan ko at masaya ako dahil napatay ko na din sya. I can still imagine him in hell burning into ashes.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa bulletin board para malaman ang schedule ko at katulad pa din ng dati, pinagtitinginan pa din ako ng lahat. It's their daily routine anyway. Malapit na ako sa bulletin board kung saan naka-ipon ang mga estudyante pero nung nakita nila akong paparating, naglayuan din sila. Kinopya ko na lang ang schedule ko para hindi na ako mahirapan.
"Miss! Miss!" I heard someone shouting. "Hey! Miss!"
This time that someone who keeps on shouting 'Miss' started poking me, but I just ignored it. If I know, this is just one of the pranks the school's jackass love on doing.
"Hey Miss! Hindi ka ba makuha sa isang kulbitan?"
And again, I just ignored it. Yung mga tao sa paligid namin nagsimula nang magbulungan. Bakit nga naman hindi diba? After gothic years may isang taong lumapit at kinausap ako. Siguro ngayon iniisip na nila kung anong gayuma ang ginamit ko para may lumapit at kumausap sakin.
Oh c'mon Mara, pansinin mo na yung kumukulbit sayo!
Yeah right! Dahil naiirita na din ako sa kakakulbit nya, hinarap ko na din sya at sinigawan. "What?"
Nagulat lahat ng nasa paligid namin. Including this person na kumukulbit sakin. Pagkatapos ay nag-alisan na din sila. Inisip siguro nila na may gagawin akong curse. Oh well, bigla tuloy ako nagka-interest sa witchcraft. Parang gusto ko na din yung pag-aralan at i-practice dito sa taong nasa harapan ko ngayon.
"Chillax okay? I just want to give this to you.." Sagot nya sabay abot sakin ng ID ko. "Nakita ko lang yan sa hallway nung naglalakad ako papu--"
"Okay."
Nagsimula na akong maglakad palayo sa bulletin board dahil tapos ko na kopyahin ang schedule ko, hahanapin ko naman yung room ng first class ko.
"Hey! Hindi ka man lang ba magpapasa--"
"Thanks."
Hindi ko na sya nilingon at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko. Pumasok na ako sa klase ko. Wala pa yung Professor namin kaya ang iingay pa ng mga kaklase ko pero simula nung nakita nila ako, bigla na lamang silang tumahimik at bumalik sa mga upuan nila. Umupo na lang ako sa may parteng likuran as always, ito na nga ang maituturing kong shrine e. Ang pwesto sa may dulo ng classroom. Siguro naman hindi na nakakapagtaka yun diba? At siguro naman hindi na din nakakapagtaka na wala akong katabi dito.