Author's Note:
I'm introducing you to my malandi and crazy side. Lol. Kindly bear with the weird title because I can't think of any. *whispers* This is the real me.
***
Salamat, Scientific Calculator
"Hoy Jab, diba bibili ka ng scientific calculator? Bumili ka na dali. Pagkatapos ay mamalengke ka na din. Dalian mo dyan!" Sigaw na Mama kong ataters.
Err.. Nakakatamad! Ayoko! It's so raining in the labas oh. I might get basa-basa and it's so eww kaya! As in superb!
Lumabas na ako ng kwarto at lumapit sa kanya. Syempre I will make angal-angal. "Mama, ayoko. I don't like! Don't wanna--"
"Hoy! Tigilan mo nga ako dyan sa kae-english mo. Kung hindi kaya kita bigyan ng baon bukas?"
Waaah! Ang kahinaan ko! Ang baon ko! Syempre hindi ako papayag na mawala yun sakin. Yun na lamang ang maituturing kong kaligayan e.
"Sige na po. Mamamalengke na."
"Dapat lang. Mahirap lang tayo kaya pede ba? Lumugar ka sa dapat hindi yung feeling sosyal ka. Iumpog kita dyan sa pader e."
Napahawak naman agad ako nun sa ulo ko sabay tingin sa pader. Naku, matigas yun, masakit. Baka madurog brain cells ko, sayang yung IQ ko.
"Kaya nga po bibili na e. Akin na po ang pera, tsaka yung scientific calculator po, mga 1,000 yun."
Kinutusan ako ng Mama ko pagkasabi ko nun. Aba, abusado na 'to ah. Ipapa-DEPED ko 'to e. Teka, DEPED nga ba yun? CHED yata? Hindi parang DSWD, o Bantay Bata? Ah basta, abusado na ang Mama ko. Isa na 'tong kalabisan at pagmamalupit! Hindi na 'to maaari. It's so very na!
Pero syempre joke lang lahat ng angal ko na yun. Mahal ko Mama ko kahit binabatuk-batukan lang ako nito.
"Manduduga ka pang bata ka! Anong 1000 ka dyan? 500 lang yun. Tutubo ka pa! Akala mo naman hindi ko alam presyo nun! Naku, mga kabataan talaga sa panahon ngayon mga mukhang pera. Tapos kung saan-saan lang dadalhin ang pera, hindi naiisip na pinaghihirapan yun ng mga magulang para mairaos lamang sila, makakain ng tatlong beses sa isang araw, maibigay ang sapat na pangangailangan, tapos ito pang igaganti? Mambuburaot ng pera. Hindi na naawa sa mga magulang, dugo't pawis ang nilaan para lang makakita ng pera, tapos ganito pa mangyayari? Aba anak mahirap ang buhay ngayon. Dapat ginagamit sa tama ang pera at hindi sa paglalakwatsa. Mahiya ka naman samin. Kaya naghihirap din ang ekonomiya ng bansa e. Mapagmalabis kasi kayo,apang-abuso!"
Nasabi ko bang sensitive ang Mama ko? Ay mali, hindi pala sensitive, oa pala. Kasi sa maniwala kayo o hindi, teary eyed na sya. Nakakainis! Nang dahil sa sceintific calculator, nadamay pati ang walang kamalay-malay na ekonomiya ng bansa.
"Mama, bibili lang ako ng scientific calculator at mamamalengke. Pede tigilan nyo ako sa drama nyo? Nakakasuka e!" Nag-act ako na parang masusuka nd for the second time, nakutusan na naman nya ako.
Pagbumaba talaga IQ ko ng 1%. Itutuloy ko talaga pagpapa-DEPED sa kanya.
"Batang 'to, nakukuha pang sumagot. O itong pera at listahan ng mga bibilhin mo. Dalian mo at wag ka nang maglakwatsa. Baka kung sa--"
"Ako ay bibili na po! Maiwan ko na kayo!" Sabay takbo ko palabas ng bahay. Siguradong pati buong mundo madadamay na kapag pinatapos ko pa sya sa kung anong kasermunan na sinasabi nya.
Tiningnan ko yung listahan na binigay nya. Kokonti lang naman pala. Keri ko na 'to.
Pagkarating ko sa palengke. Syempre, namili na muna ako ng mga pinabibili ni Mama. Sa huli ko na lang bibilhin yung scientific calculator.
Sandali lang din naman at natapos na ako mamili. Okay.. Saan ba dapat bumili ng scientific calculator?
Naghanap ako ng naghanap ng tindahan. Shemai lang! Puro mga wala daw silang tinda. Lechugas! Anong klaseng tindahan yun? Mga walang kwenta! Ugh.
Ayun! May isang tindahan ng mga school supplies. Ngayon ko lang yun nakita. Bagong bukas lang siguro yun. Magtatanong din pala ako dun.
Naglalakad ako papunta dun nang may mahagip ang aking magagandang mata.
⊙△⊙
⊙△⊙
Oh my.. Ang aking one and only loves! Si Terrence! Shems! Sila yata yung may-ari ng bagong bukas na store. Andun kasi sya, nagbabantay.
Megash! Ang gwapo! Ang hot! At oo, eto na naman ako, naglalaway sa kanya... My Bebe Terrence!
Sinuklay ko muna gamit ang mga kamay ko ang buhok ko. Syempre, paganda mode. (^.^)
Paglapit ko sa tindahan nila. Tumingin agad sya sakin at lumapit with matching oh-so-hot-nakakatunaw-my-gosh smile!
"May bibilhin ka?" Tanong nya.
'Waaah! Oo, bibilhin ko ang puso mo para mahalin ako. Maygad! Akin ka na lang Terrence!' Yan ang gusto kong sabihin. Pero syempre, hindi pede. May natitira pa naman akong hiya sa katawan ko.
"Ah, oo. May scientific calculator ba kayo?" Shems! Bakit ang kissable ng labi nya. Ang sarap halikan. At oo, ganito kamanyak ang isipan ko kapag kaharap ko si Terrence Beybe! (*^▽^*)
"Oo, teka kukuha lang ako." Kumuha sya ng scientific calculator at inabot sakin.
Ayos, ganito nga yung kailangan ko. Parang yung pangangailangan ko lang dito sa taong nasa harapan ko. ('∀')
"Okay na 'to. Magkano ba?"
Tumingin ulit sya sakin at ngumiti. Wag kang ganyan Terrence hahalayin talaga kita, sinasabi ko sayo! (≧▽≦)
"1,000 lang."
Sa sinabi nyang yun. Nanlaki ang mga mata ko. Shemai! Sabi ni Mama 500 lang daw yun, tapos 1,000 pala. Naku, sesermunan ko talaga yun pag-uwi ko. Wala naman akong pandagdag na pera. Nakakainis! Mapapahiya pa ako nito kay melabs.
"Mahal." Matipid kong sabi sabay yuko. Pero nagulat na lang ako nung hawakan nya ang mga kamay kong nakahawak sa scientific calculator.
⊙ω⊙
⊙ω⊙
⊙ω⊙
"Mahal din kita."
-END-