Court Me, Please!

2.1K 75 13
                                    

Author's Note:

Another weird title and story for my lovely readers! Thank you Seto Koji for being my inspiration here. Love you to bits!

***

Court Me, Please!

Naglalakad lang ako sa hallway nang may tumawag sakin.

"Hanna!" Sigaw nya, at sa boses pa lang alam na alam ko na kung sino yun.

Humarap ako sa likod ko since dun nanggagaling yung boses. At saktong-saktong pagharap ko. Naka-arms wide open sya at niyakap ako ng mahigpit.

"Na-miss kita Hanna!"

"Adik ka ba Nash? Nagkita na tayo kanina diba? Ugh." Kunwari ay naiinis kong sabi kahit na ang totoo ay kinikilig ako sa ginawa nya.

Niyakap nya kaya ako! Kyaaah!

Matagal na akong may lihim na pagtingin sa taong 'to. Since 1st year high school pa lang kami, pinagnanasaan ko na ang baliw na 'to. Kung hindi ko lang talaga 'to best friend, matagal ko na 'tong pinatulan e. Hahaha!

Inalis na nya ang yakap nya sakin. Syempre, may disappointment akong naramdaman sa katawan, nabitin ako e. Pero bumalik ulit ang kilig na yun dahil inakbayan naman nya ako at sabay na kaming naglakad.

"Nagkita na ba tayo? Wala akong maalala."

"Amnesia lang? Kakagaling mo lang sa bahay kanina. Sobrang nahiya ka pa nga at dun ka nakikain samin e."

Napakamot na lang sya sa ulo nun. "Hindi no. Tsaka ok lang naman yun kay Mommy e. Natutuwa pa nga sya kapag dun ako kumakain sa bahay nyo." Proud na proud nyang sabi.

Yung Mommy na sinasabi nya ay yung Mommy ko. Ewan ba sa lalaking 'to, wagas makaangkin ng nanay. May sarili naman syang nanay. Pero sa totoo lang, kinikilig talaga ako kapag tinatawag nyang Mommy si Mommy. Para kasing.. You know, kasal na kami. Hahaha!

"Namumula ka na naman dyan." Tatawa-tawa nyang sabi habang sinusundot-sundot yung pisngi ko. Sinamaan ko naman sya nun ng tingin. "Hindi ako namumula no. Tsaka bakit naman ako mamumula?" Ugh.

Sa halip na sagutin yung tanong ko ay inalis nya yung akbay nya sakin at tumawa ng sobrang lakas. "Defensive! Aminin mo na kasing crush mo ako. Papayagan naman kitang ligawan ako e."

Aba't ang siraulong 'to. Hahalikan kita jan e! Kung pede lang sana.. Bwisit! Ugh.

"Ang yabang mo! Wala akong crush sayo no!" Sigaw ko sa kanya sabay bulong sa sarili ko. "...kasi mahal kita."

"Anong sabi mo nung huli?"

"Wala! Bahala ka nga dyan!" Naglakad na ako at iniwan sya dun habang tatawa-tawa pa din. Nakakainis talaga ang Nash na yun! Pag ako kumagat dun sa sinasabi nya. Ugh.

Maya-maya lang may umakbay na naman sakin. Alam nyo na siguro kung sino yun.

"Hanna, wala naman masama kung aaminin mo na crush mo ako e. Hindi masamang magka-crush sa best friend." Mayabang nyang sabi. Sinabi nang hindi kita crush e!

"Wala nga sabi akong gusto sayo e! Alisin mo nga yang kamay mo, ang bigat!"

Pero sa halip na alisin nya yung kamay nyang naka-akbay sakin ay lalo pa nya itong inakbay sakin, dahilan para mas mapalapit ako sa kanya. At waaah! Kilig ang lola nyo. Hahaha!

"Aray! Nash, nasasakal ako!" Kahit na ang totoo ay talagang gusto ko nang sumabog sa kilig. Lalaking 'to ang bango. Ugh.

"Aminin mo na kasi na crush mo ako." Lechugas na lalaking 'to! Ang kulit araw-araw na lang ganito ang scenario namin. At hindi sya nagsasawang ulit-ulitin na pilitin ako. Ugh.

Hindi naman kasi kita crush, MAHAL NGA KITA! Kaya kahit anong pilit mo, hindi mo ako mapapaamin.

"Pede ba? Tigilan mo na ako dyan sa crush-crush mo na yan! Wala nga sabi e. Ang kulit! Wala nga akong aaminin sayo!"

"Edi ligawan mo na lang ako. Promise di kita papahirapan." Nakangisi nyang sabi. Ugh. Tatanggalan ko 'to ng ngipin e. Bakit naman ako ang manliligaw? Ang ganda ko kaya!

"Siraulo ka talaga! Umalis ka na nga!"

"Sige na. Ligawan mo na ako."

"Ayoko nga!"

"Ligawan mo na nga ako."

"Ayoko."

Nagbuntong-hininga sya pagkatapos ay bigla syang tumigil sa paglalakad kaya pati ako ay napatigil din. "Kung ayaw mo akong ligawan..."

Lumuhod sya sa harapan ko at may kinuhang kung ano sa bulsa nya. Laking gulat ko nang makita kung ano yun...

Bulaklak?!

"Edi ako na lang manliligaw sayo."

-END-

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon