Chapter Fifteen (Deal)

365 8 0
                                    


For inspiration: Top picture

Jake says hello... hihihi



Lara POV


It's been a week since it happened. At tinotoo nga talaga ni Jake ang sabi nya sakin. Hatid sundo ako araw araw. Minsan nga sinubukan kong pumasok ng sobrang aga para hindi na nya ako maabutan dito sa apartment pero paglabas ko e nandun na sya at naghihintay sa baba. Nakakainis. Kahit sa hospital at kilala na sya dahil sa araw araw na pagsundo nya sa akin. Pati security guard at receptionist namin ay kakontsaba nya pa kasi kahit saan akong exit na dumaan e nandun sya at naghihintay. I've also been in contact with Race. Pinaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon at ayun inis na inis. Kahit gustuhin nya man na sunduin o ihatid ako e palagi nalang syang nauunahan ni Jake. And since I know Jake would definitely make a scene anywhere I just talked to Race at mabuti naman at hindi na sya nangulit.


Oo, talagang naiinis ako. Kasi ang OA ng pagbabantay ni Jake sa akin. Actually I've never experienced this kind of treatment from him nung kami pa kaya hindi ako sanay. If we were still together maybe I would appreciate this pero hindi e. Hindi ko talaga alam kung anong trip nya. Kapag tinatanong ko naman sya e lagi nyang iniiba ang topic or he would just completely ignore my questions.


"I would be going to New York next week for a 3-day seminar. I want you to come with me." tanong ni Jake sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa daan


"Wait. What?"


"I said, we are going to New York next week. Just pack a few things. Kung may kulang ka man dun nalang natin bilin."


"I am not going anywhere next week. May trabaho ako." pagmamaktol ko.


"You're on vacation starting tomorrow and I've already made the necessary arrangements"


At talagang alam nyang bakasyon ako? Pati ba naman manager ko close nito? E sa kaniya lang ako nagsabi na magbabakasyon ako e na sana para makaiwas sa abnormal na to.


"I have other plans." I answered coldly and turned my gaze at the window


"You are going with me. Whether you like it or not. I can't just leave you here by yourself."


Ano akala nya sakin batang paslit? E mas grabe pa sya sa parents ko e.


"Jake, I'm already 28 years old. I have a job and my own place. I can take care of myself. And I can definitely be by myself. So please stop treating me like a child. Ayaw kong sumama kaya hindi ako sasama. Period!" I said almost yelling


"Lara. This is not a question or a request. You are accompanying me to New York. Period." at talagang ginaya nya pa ang pagkakasabi ko.


"Bakit ba ako ang isasama mo? May girlfriend ka naman ah! Siya ang isama mo wag ako!" ang sakit parin hanggang ngayon. It's been months pero parang kahapon nya lang ako iniwan at ipinagpalit kay Victoria. I never dared to mention her name kahit inis na inis na ako sa pangungulit nya this past week dahil nasasaktan parin ako. Ngayon lang.

Broken PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon