"Jake. Bakit kayo magkasama ni Victoria?" mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago pa ako tuluyang umiyak dito sa restaurant. ang sakit. parang hindi na ako makahinga. napako narin ako sa kinatatayuan ko. nakatitig lang ako sa kanila habang patuloy silang nagkkwentuhan. "Here's your order" kahit alam kong may tumatawag sakin hindi ko parin maalis ung tingin ko sa kanila. pakiramdam ko mawawala na ng tuluyan sakin si Jake pag ginawa ko iyon. Hindi ko nalang namalayang palapit na ako sa kanila. "Hey. you forgot this." tawag sakin ng waiter. pero hindi ko na sya pinansin. At dahil narin sa pagsigaw nyang iyon napalingon sa direksyon ko ang mangilan ngilang tao nasa restaurant kabilang na dun sila Jake at Victoria.
Gulat ang rumehistro sa mukha ni Jake. Hindi sya makapaniwala na si Lara ang papalapit sa kanya. nagpapabalik balik ang tingin nya kay Victoria at Lara habang papalapit sa kanila ang nobya. Hindi nya maisip ang gagawin. Di nalang nya namalayan na nasa harapan na nya pala ang dalaga.
Nasa harap ko na si Jake pero parang hindi parin nya alam na nandito na ako. Blanko lang ang ekspresyon ng mukha nya na parang malalim ang iniisip. Pinipigilan kong tumulo na naman ang luha ko dahil ayoko na makita ako ni Victoria na umiiyak. Ayokong makita nya na apektado ako sa mga nakikita ko ngayon. I won't give her that chance to mock me in any way. She very well knows na pinagseselosan ko sya. Nakita ko naman sya ngumisi nung umupo ako sa tabi ni Jake. "Hi" bati ni Victoria habang medyo kumaway pa sya. "Hello." sagot ko naman ng may tipid na ngiti. Napansin ko namang nakatitig lang sakin si Jake. Para bang gusto nyang itanong ko ano ang ginagawa ko dito kaya't sinagot ko nalang sya "Ah, Babe. Napauwi kasi kami ng maaga ni Aimee. Actually I texted and even called you. P..Pero di ka sumagot" at napayuko nalang ako
After what she said I immediately pulled out my phone from my pocket and saw 3 missed calls and a text message from an unknown number. "Shit" sabi ko sa isip ko. Nakalimutan ko palang nakasilent ung phone ko simula pa kaninang umaga. Alam kong big deal kay Lara ang mga ganito. He knows aawayin o magtatampo na naman ang nobya sa kanya. Mahabang paliwanagan na naman to. I put my phone back in my pocket and faced Lara. He saw her eyes are red na parang kakagaling lang sa iyak. Hindi nya alam ang gagawin kaya't hinawakan nalang nya ang kamay nito at hinalikan.
Biglang napatingin naman si Lara sa nobyo at tila nagulat sa ginawa nito. She wasn't expecting that since Victoria is here. He just smiled at her and she smiled back. Hindi nya mapaliwanag ang nararamdaman nya ngaun ang alam nya lang ay masaya sya. Konti sweetness lang ni Jake at napapawi na yung galit nya. Hindi nalang nya namalayan na hinihila na pala sya ni Jake patayo at nagpapaalam na ito kay Victoria.
"We have to go. I need to be in the office first thing tomorrow." - Sabi ni Jake habang hawak hawak parin ang kamay ni Lara
"Oh okay. Nice to see you Jake." Sabi ni Victoria at hindi man lang tinatapunan ng tingin si Lara habang naglalakad ito palayo
Nainis si Lara dito. Akalain mong parang wala sya sa tabi ng nobyo para hindi pansinin ng ganun. Hindi bale nalang dahil para sa kanya sya ang nanalo. Para sa kanya sya ang pinili. Kahit yun lang masaya na sya.
"Ay. Si Aimee! Patay!" Biglang sigaw ni Lara na napaface palm pa
"Aimee? What about Aimee? And also I forgot to ask you what are you doing here?" Napataas ang kilay ni Jake
"Kasabay ko si Aimee. I'm suppose to pick up food for her bago ko kayo nakita" pagpapaliwanag naman ng dalaga
"Ah. So where is she?"
"She's outside. Dali Babe baka nagagalit na un sakin at nagtataka bakit hindi parin ako bumabalik ngaun. Patay na naman ako dun." sabay hila kay Jake papunta sa exit "Ay wait." Sabay pumunta sya sa front desk at kinuha ang plastic bag ng pagkain "Thanks again" pagpapasalamat nya sa receptionist at tuluyan na nga silang lumabas ng restaurant
