Chapter Two (Living In)

641 9 0
                                    

"Babe, mas maganda ba tong picture natin dito or doon?" Tanong ni Lara sa nakaupong si Jake

"Kahit naman saan okay lang." Sagot naman ni Jake ng hindi inaalis ang tingin sa laptop nya

"E kasi may picture na tayo dito. Pero sa bagay ok na yung dalawa para mas maganda. Hehe" Inilagay nga ni Lara ung pangalawang picture frame nila sa bedside table nito

"Ahmm..Babe, busy ka ba bukas? Kasi gusto ko sanang magpasama sayo mamili." Pagkatapos magtanong ay sumandal naman si Lara sa gilid ng mesa.

"I can't. I have back to back meetings tom. And besides alam mo na naman pasikot sikot dito kaya kaya mo na yan"
Sagot ni Jake ng hindi parin inaalis ang tingin sa laptop nya

"E sige na Babe. Ito naman kaya nga ako lumipat dito para magkasama na tayo. E halos 2 months na ako dito hindi mo man lang ako dinadate. Kaya sige na please!" Pakiusap ni Lara habang nakapout pa

"Fine! But you have to promise me this will not take long ok? So i could go back to the office and finish my work"
Ngayon ay nakaharap na sumagot na si Jake sa nobya para lang matigil na ito sa kakakulit sa kanya

Sa loob ng dalawang buwang pagsasama nila. Puro nalang kakulitan ang nakukuha nya kay Lara. Para bang halos araw araw e may request ito sa kanya. Minsan nga ay naiinis na talaga sya rito kaya madalas e mas gugustuhin nya pang magovertime sa opisina keysa umuwi sa condo nya. Good thing Lara just started her new job kaya hindi na sya araw araw na nasa bahay lang. He gets easily irritated when she's around all the time since hindi naman sya sanay na magkasama sila palagi. They've been dating for 8 years but all those times she's been in New Jersey and he's here in Washington. Kaya't ganito nalang kalaki ang epekto ng biglang pagbabago nito sa binata.
He likes his independence. He loves his freedom. But since she moved in, all those disappeared.

At the Hospital...

"Hey Lara! So ano na kelan na kasal? Para naman makapagrequest na ako ng vacation leave. I'm sure sa pinas nyo gusto ikasal dba?" Tanong ng kapwa nurse ni Lara na si Aimee

Si Aimee Santos ang naging parang bestfriend nya na dito sa Washington simula ng lumipat sya dito. Since lahat ng friends nya e nasa NJ, si Aimee lang ang tanging taong napapagsabihan nya ng kahit ano. She even knows everything about Jake at ang setup nila ngayon.

"Hindi ko pa nga alam e. Hay. Don't worry sasabihan naman kita agad e." Paninigurado naman ni Lara sa kaibigan

1130pm...

"O ano sabay ka na sakin Lara? Susunduin naman ako ni Luke e"
Tanong ni Aimee sa kaibigan habang inaayos ang gamit nya

"Ah hindi na. Tatawagan ko nalang si Jake I'm sure tapos na un at pauwi narin. Sa kanya nalang ako magpapasundo." Sagot naman ni Lara habang dinadial ang number ni Jake sa cellphone

: Ringing :

"Ah hello? Babe?"

"Ah, hello? Yes babe? Napatawag ka? MagOT ka ba ngaun?" Sagot ni Jake

" Hindi naman. Actually pauwi na kami. Tanong ko lang sana kung pwede magpasundo sayo?" Tanong ni Lara habang inaaya na sya ni Aimee palabas ng nurses lounge

"Ah ngaun? I can't. I'm still here at the office. Baka mamaya pa ako makauwi e. I have deadlines to meet before the weekend. Sorry babe."

"Ah ganun ba. Okay. I'll just go with Aim.." Hindi na natapos ung sasabihin nya ng magpaalam bigla ang nobyo

"Ah babe. I have to go. I need to take this international conference call from Japan. I'll see you at home. I love you."
Mabilis na naibaba ni Jake ang phone para sagutin ang nakahold na video call nya from Japan

"Oh ano? Sa itsura mo mukhang hindi ka masusundo ni Jake noh? Tara na kasi. Hatid ka na namin ni Luke"
Sabay hila kay Lara papuntang lobby dahil naghihintay na dun ang kanyang boyfriend

Hindi parin maiwasang malungkot ni Lara. She's been with him for 2 months but she feels as though he's even farther from her compared to when she was in NJ. They barely see each other since they both have full time jobs and he works all day and she works evenings. Minsan napapansin nya na rin ang pagbabago kay Jake pero inaalis nya na rin ang masyadong pagiisip dahil naiintindihan nyang mabigat ang responsibility ni Jake sa kanyang position bilang CEO ng kanilang company. So as much as she can she will understand him.

: Jake's phone ringing :

"Hey dude! What's up?!"
"Damn Chase. Stop yelling." Sagot ni Jake sa kaibigan
"Sorry. Lakas kasi ng tugtog dito so napapasigaw ako. Anyway, are you free tonight? Tara dito sa Lotus Bar. Nandito kami lahat bro. Ikaw lang kulang"
"I can't. I'm still stuck in the office. I still need to finish reviewing the presentation for tom para sa bagong investor"
"Boo!!! Tara na kasi. Minsan lang naman to oh! And besides Rico is here too. He just arrived from France yesterday. Miss ka na ng mokong na to. Haha" Chase said while laughing loudly

Napagisip naman si Jake sa sinabi ng kaibigan. Oo nga naman. Rico has been his friend for years now. At namiss nya rin lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Alright. I'll be there in 15mins"
Sagot naman ni Jake habang inaayos na ang mga gamit nya

"Yown! Thanks man! You could also bring Lara with you if you want"
"Nah. No need. Malamang nasa bahay na un tulog"
"Oww okay. Maybe next time. Ok see you bro" at binaba na nga ni Chase ung phone

Kukunin sana ni Jake ang kanyang cellphone para itext si Lara pero naisip nya na baka natutulog na ito kaya't minabuti nya nalang na umalis para makita ang mga kaibigan.

At home...

"Hay asan na kaya si Jake? 2 am na wala parin sya. Nakatulog na ako't lahat wala parin sya" bulong ni Lara sa sarili habang nakaupo sa sofa
"Hay tawagan ko na nga lang"

Kinuha nya ang kanyang cellphone at idinial ang number ni Jake.
After a few rings Jake picked up the phone. All she can hear are loud music and people laughing in the background.

"Hello? Who's this?" Sagot ni Jake na napaghahalataang may tama na
"Hello? Hello? Babe? It's me Lara."
Halos pasigaw na na sagot nya
"Oh hi."
"Where are you? I cant barely hear your voice."
"Im at a bar with friends. Kela Chase na pala ako matutulog kasi medyo lasing na ako and I can't drive anymore. So I'll see you tom okay? Bye." Bigla nalang binaba ni Jake ung phone
"Wait! Babe? Hello? Babe?"

She can't believe he refused to pick her up but still went to a bar with friends.
Napapailing nalang si Lara at tska pumunta na sa kwarto at humiga sa kama.

"Hay. Jake you're so unfair" Un na lang ang nasabi nya sa sarili at pinikit na ang kanyang mga mata

Broken PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon