Hindi na napigilan ni Lara na tumulo ang luha nya pagkapasok nya sa elevator.
Marahas nya itong pinunasan ng makarating na sya sa lobby.
"Miss Lara. Are you okay?" tanong sa kanya ng receptionist. Paano nga naman hindi magaalala sa kanya ito. Halatang galing lang sya sa iyak. Hindi na nga sya nakapaghilamos o nakapagayos man lang. Pagkatapos syang iwan ni Jake sa kwarto kanina, umiyak lamang sya ng umiyak hanggang sa napagod na sya. Pagkatapos noon ay pumunta na sya sa closet, kinuha ang maleta at pinaglalagay ng hindi inaayos ang mga gamit nya. All she felt was hatred. He broke his promise she thought. All she can think about that time is to leave that place as soon as possible. She doesn't even want to see his face. Nabalik na lamang sya realidad ng magsalita ulit ang receptionist.
"Do you need help with your bags?"
"No, It's okay." pagtanggi dito ng dalaga at akmang aalis na.
"Do you need me to call a cab for you? It's really late and raining hard outside." patuloy na paguusisa ng receptionist sa kanya
Sa sinabi nito bigla nyang naalala na nakalimutan na naman nya sa hospital ang wallet. "Kainis bakit ngaun pa. Tsk" inis na sabi ni Lara sa sarili.
"No it's okay. I'll just call my friend to pick me up." at kinuha ang cellphone sa bag nya. Ngunit sa kasamaang palad ay dead batt na ito. Nakalimutan nya nga palang icharge ito dahil nakatulog nga pala sya kakahintay kay Jake. Hindi pa naman nya memorize ang number ni Aimee. Kung minamalas nga naman sya. Bakit ngaun pa ito nangyari kung kelan walang wala sya.
Napasabunot na lamang si Lara sa sarili at dahil dun natarantang nagtanong na naman ang receptionist sa kanya
"Are you alright?" at akmang lalapit ito sa kanya
" I'm fine. I just have a headache. Ah...by any chance. Can I borrow an umbrella? My friend is picking me up at the bus stop and I'm just gonna wait for her there."
nakangiting tanong ni Lara sa babae. Alam nyang pag sinabi nyang wala syang pera at dead batt ang phone nya ay tatawagan ng babaeng ito si Jake sa condo unit nya. They really value their residents in this building so as much as possible they do everything for them at since Jake already introduce her as his girlfriend that lives in with him they treat her like as one of the residents here as well.
"Oh okay. Here you go Miss Lara. Have a nice night and careful walking outside"
at nagpaalam na nga ito sa kanya.
Wala syang nagawa kundi maglakad. Alam nyang medyo malayo sa condo ang apartment ni Aimee pero wala na syang matutuluyan sa ngaun. She could have just checked in to a hotel pero wala nga ang wallet nya kaya ito sya ngaun, naglalakad sa ulan at 4 in the morning. Mabuti na lamang ay safe sa lugar nila. This is actually the center of Washington so well-lit and police are usually everywhere dahil narin siguro naglalakihan ang mga buildings at bahay ang mga nandito dahil narin maraming elite people ang nakatira sa paligid nito. It usually just takes her 15 minutes to get to Aimee's apartment by cab pero since naglalakad lang sya, malamang ay isang oras ang aabutin nya bago makarating dito. Mabibigat pa naman ang isang maleta at isang bag na dala nya. Hindi nalang nya ininda ang sakit ng mga paa nya at pagod ng katawan at nagpatuloy nalang sya maglakad sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.
