Chapter Thirty Seven

80.8K 1.1K 43
                                    

Chapter Thirty Seven

Wala

Pinatay ko ang vacuum cleaner at pinakinggan ang paligid. At tama nga ako, nagriring ang aking cellphone. I set the hose down and went to the bed side table. Wiping my sweat from my forehead with my forearm, I answered it.

"Hello, Ma?"

"Anak! Happy birthday!" masiglang bati ng nanay ko sa akin.

I chuckled "Salamat, Mama. Ang aga niyo namang bumati. Alas sais pa lang."

"Syempre, gusto kong ako ang unang makakabati sa maganda kong anak." she announced witn glee "Happy birthday, Winiata!"

Tumawa ako at muling nagpasalamat. If only I could tell her that she's late because Achilles greeted me earlier that she did, way earlier, but I won't do that. I don't want to burst my mom's bubble.

"Pasensya na kung hindi mo kami makakasama sa kaarawan mo. Hindi naman kami maaaring umalis dito dahil nagtatrabaho ang papa at mga kapatid mo," may bahid ng lungkot sa kanyang boses "Sorry kung wala kami dyan sa tabi mo ngayong espesyal na araw mo, Winiata."

Pinilit kong ngumiti kahit sa totoo ay naiiyak na ako "Ano ka ba, Ma. Ayos lang. Pangalawang beses naman na ito. Kaya ko namang magcelebrate mag-isa."

Yes. I've been celebrating two birthdays away from my family. Hindi kasi sila makapunta ng Maynila dahil, ayun nga, may mga gawain din sila sa Laguna. Hindi rin naman ako maka-uwi dahil hindi naman pumapayag si Achilles. I asked him a few times before and it didn't turned out good.

"Mag-isa?" my mom asked in disbelief "Wala ba ryan si Achilles? O kaya naman si Suzanne? Imposible namang magbirthday ka mag-isa, anak."

I sighed and sat on Achilles' bed "Nasa business trip po si Achi e, tatlong araw na siyang wala. Ang sabi niya ngayon siya uuwi pero hindi ako sigurado."

"Ganoon ba," narinig ko ang pagbuga niya ng hangin "Andyan pa naman si Suzanne, hindi ba? Kayong dalawa na lamang."

"Opo, baka nga kaming dalawa na lang." nag-aalangan kong sabi.

Nag-usap pa kami ni Mama hanggang sa kailangan ko ng magpaalam dahil maghahanda pa ako para sa trabaho. Ayoko pang ibaba iyon at gustong kausapin siya maghapon pero hindi naman pwede. Pinunasan ko ang ilang luhang tumulo sa mga mata ko tsaka nahiga sa kama ni Achilles.

It smelled so much of him. Pangatlong araw na niya ngayong wala at nasa Singapore ngunit hindi pa rin nawawala ang amoy niya dito sa kama. Kahit dito aa buong kwarto niya, ganoon din. Hindi ko tuloy mapigilan na hanapin ang kanyang presensya.

Halos isang buwan na makalipas ang Sand Blast namin, at masasabi kong unti-unti kaming bumabalik sa dati ni Achilles.. bumabalik na kami sa dati na malapit sa isa't isa. We've been spending a lot of time together, syempre hindi nawawala ang asaran at sigawan sa amin, and I'm feeling happier. Hindi ko alam pero matapos noong sinabi niya sa akin noong gabing iyon ay naging maalaga na siya at ako naman ay lalong naging kumportable sa kanya.

He's been texting me every now and then, tumatawag din siya pero madalas ay para asarin lang ako. Lalo na ngayong wala siya sa Pilipinas, Achilles made sure to check on me from time to time. And I was surprised kaninang madaling araw, mga ala-una, dahil tumawag siya para bumati sa akin. How cool's that?

I shook my head and grinned. Maka-bangon na nga. Konting vacuum na lang at tapos na ako sa paglilinis sa kwarto ni Kamahalan. Pagtapos nito, gagayak na ako nang makapasok na sa opisina.

I swung by the coffee shop for Sir Jerome's coffee. Naisipan ko rin siyang bilhan ng Turtle Pie, ang kanyang paborito, at si Suzy naman ay Cinammon Roll. Birthday ko kasi at gusto kong magbigay sa kanila. Alam kong baliktad pero sa ganitong paraan ko mararamdaman ang aking kaarawan. Wala namang magbibigay sa akin ng regalo, kaya ako na lang. Dumeretso ako sa KD Building pagtapos.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon