Chapter Eighteen
Playful Boss
From : 0936-------
Good morning, Winiata :) I'm on my way to the airport. Tetext na lang kita kung saan tayo magkikita dun. This is Jerome Dee.
Muntik na akong mabilaukan sa kinakain kong tinapay. Shit, si sir Jerome ang nagtext! Paano niya kaya nakuha ang aking numero? Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi habang nagtitipa ng sagot.
To : Sir Jerome Dee
Sir, good morning din! Paalis pa lang po ako ng bahay. Ingat! :)
Binilisan ko na ang pagnguya sa tinapay at pag-inom sa kape ko. Chineck ko sa huling pagkakataon ang aking mga gamit. Isang malaking back pack kung saan nakalagay ang aking mga damit at shoulder bag para sa mga importanteng bagay.
Chineck ko rin ang aming boarding pass, hindi pwedeng makalimutan. Pinasadahan ko rin ng tingin ang aking suot, graphic tee sa loob ng itim na jacket, jeggings at Keds. Naiimagine ko ang pag-iling ni Suzy sa suot kong "pambata" raw.
From : Sir Jerome Dee
Just Jerome, Winiata. See you :)
Sabi ko nga e! Ang hirap naman kasi i-drop ng 'Sir' lalo na at sanay na ako.
Bago tuluyang lumabas ng bahay, nag-iwan ako ng sticky note sa may fridge para kay Señorito. Nandoon na ang mga instructions para sa pagkain niya habang wala ako at iba pang mga bagay. Baka sabihin ni Kamahalan na hindi ko na siya pinagsisilbihan.
"Magandang umaga, Win." bati ni Kuya Fred sa akin paglabas ng bahay.
"Oh, Kuya, magandang umaga!" Tinulungan niya ako sa aking bag "Bakit po kayo nandito? Tulog pa si Achilles."
"Hindi naman siya ang pakay ko. Inutusan ako ni Sir Achilles na ihatid ka sa airport." isinakay niya ang luggage sa likod ng itim na Montero Sport.
Tumango-tango na lamang ako. Naks. Gumaganun si Kamahalan! Umaandar na naman ang pagka-gentleman ni Kumag. At least hindi na ako mahihirapan sa pagpunta ng airport.
Mabilis ang naging byahe namin patungong NAIA. Wala pa naman kasing mga kotse dahil magaalas kwatro pa lang ng madaling araw. Tanging mga delivery trucks at iilang taxi lamang ang nasa kalsada.
Nagvibrate ang aking phone kaya tinignan ko agad. Hindi pa rin ako makapaniwala na nalaman niya ang numero ko.
From : Sir Jerome Dee
I'm here at Cafe France, NAIA 2. I'll wait here.
Naka-tingin lang ako sa labas, nagmamasid sa mga taong labas pasok ng airport. Daig pa nito ang kalsada ng syudad, walang tigil ang mga tao sa pag-alis at pagdating kaya naman buhay na buhay ang lugar.
"Salamat, Kuya Fred." I smiled as he gave me my big back pack "Ingat pabalik."
"Ikaw ang mag-ingat, Winiata. Enjoy!" kumaway siya sa akin.
Hinintay ko munang maka-sakay siya sa sasakyan bago pumasok sa loob ng airport. Dahil ito ang first time ko, hindi ko mapigilan ang paggala ng aking paningin sa kabuuan nito. Hindi rin mawala sa akin ang saya at excitement.
Pagtapos padaanin sa x-ray ang aking mga gamit ay hinanap ko na ang coffee shop kung nasaan si Sir Jerome. Hindi naman ako nahirapan dahil may mga signboards sa paligid na nagtuturo sa mga direksyon. Agad ko siyang nakita na naka-upo sa loob ng cafe, naka-titig sa kanyang phone.
Nagtwinkle ata ang mga mata ko. Shit, ang pogi talaga ni Sir Jerome! Naka-polo shirt siya na blue, black pants at top sider. Simple pero super stand out. Nakadagdag pa sa kanyang kagwapuhan ang beanie sa kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Billionaire
RomanceWiniata Gonzales was living a normal life of a twenty three year-old. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang takbo ng kanyang buhay. She had to live with the gorgeous, smoking hot and filthy rich Achilles Silvero. That's her payment for what...