Chapter Fifty

94.3K 1.3K 160
                                    

Chapter Fifty

What Did You Do

"'Wag!"

I jolted awake and sat immediately, breathless and disoriented. Nararamdaman ko sa aking sentido ang mabilis na pintig ng aking puso na siyang ikina-pikit ko. Damn! I placed my head between my two hands and focused on breathing normally.

Another bad dream. Hindi na ako nilubayan ng mga masasamang panaginip sa nakalipas na mga araw. Some days, they were tolerable, like now.. but other days were extreme. Magigising na lang ako nang umiiyak at  halos hindi ako makalma. Mabuti na lang ngayon ay hindi, kapos lang sa hininga, medyo pawis at takot.

And just like other days, my dream was about Lizette and the situation at hand. Pero ang mas ikinatakot ko ay ang mga masasamang alaala noon na nakasama sa aking panaginip. That was way back college.. what Lizette did to me..

I shivered. No, Win. Don't go there.

Nag-angat ako ng tingin nang dahan-dahang bumukas ang pinto at narinig ko ang boses ni Achilles. Sumilip siya sa awang ng pinto, hawak ang kanyang cellphone sa tenga, at nang makita niyang gising ako ay dali-dali siyang pumasok.

"Update me again tomorrow morning, Paula," aniya sa kanyang sekretarya tsaka sinara ang pinto "Good. Thank you."

Pagbaba niya ng cellphone ay agad siyang umupo sa aking tabi sa sahig "Hey, hon. Why are you still awake?"

Umiling ako sa kanya tsaka pilit na ngumiti. But he knew better. Mabilis niya akong niyakap gamit ang isang braso at hinimas ang aking balikat, pinapakalma ako.

"Napapadalas na 'tong mga panaginip mo. Are you sure there's nothing going on?"

I smiled faintly at him and leaned on his shoulder. Hinigpitan naman niya ang yakap sa akin tsaka hinalikan ang gilid ng aking ulo. Bahagya akong kumalma sa ginawa niyang iyon. Tanging si Achilles lang ang nakakapagpakalma sa akin sa tuwing nananaginip ako. It's like he's my sanctuary. I feel so protected when I'm in his arms.

"What is it, hm?" Sinilip niya ang aking mukha "May problema ba? Do you wanna talk about it, Win?"

I stared into his dark eyes and I was lost again. My mind clouded with unpleasant memories. Napa-kapit ako sa kanyang bewang habang paulit-ulit kong naririnig sa aking isip si Lizette.

"Siguro naman magtatanda ka na, Winiata?" mahina ngunit may diin niyang sabi sa akin "The next time you meddle with me and Achilles, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin and I'll make sure you won't have the guts to face Achilles anymore. Got that?"

Nanlamig ang buo kong sistema. Ganoon ang trato niya sa akin kapag nakatalikod si Achilles. Pero kapag nakaharap, akala mo kung sinong santa. She threatened me a lot of times to stay away from them but I couldn't. Si Achilles ang lumalapit. We belong to the same circle of friends too. At nang talagang nainis si Liz, she.. she..

"Honey," marahang inalog ni Achilles ang aking katawan, hinahatak ako pabalik sa realidad.

I sucked a lungful of air in, not realizing I was holding my breath. Pinikit ko ang mga mata ko at umiling. Win, wala rito si Lizette. Hindi ka niya kayang galawin.. Hindi ka niya kayang saktan.

"Honey.." I opened my eyes again and looked at Achilles' bothered face "What is it? You're giving me a fright."

I launched myself at him, hugging him tight. Ayokong sabihin sa kanya. Ayokong malaman niya. Hindi ko alam kung bakit.. Siguro dahil natatakot akong mawala siya. Natatakot akong bumalik ang lahat sa dati.. maulit lahat ng nangyari noon. Ayoko.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon