Chapter Twenty Five
My Medicine
Eksaktong nine thirty nang gabi nang matapos namin ni Sir Jerome ang buong presentation. Halos magtatalon ako sa tuwa dahil sa wakas ay tapos na rin ang bwisit na Powerpoint na ito.
It took almost twelve hours just to finish fifty slides. Kung hindi lang siguro dahil sa brownout kanina ay mas maaga ko itong natapo at hindi na kailangan pang tumulong ni Jerome.
Napa-lingon ako sa kanya nang humikab siya at napa-kusot ng mga mata. He looked so tired and sleepy. Well, we both were. Laking pasalamat ko na lang talaga sa pizza kaya hindi pa bumabagsak ang mga mata ko.
"Na-send mo na ba?" Tanong ni Jerome habang tutok sa kanyang laptop.
Tumango ako sabay abot ng USB sa kanya "Sinave ko na rin dito. Just in case lang."
Ngumiti siya sa akin at sumilay ang kanyang dimples. Damn, not my weakness! Saktong tumunog ang printer kaya tumayo ako para kunin ang mga papel mula roon.
"Tsaka, ito," I handed him the print outs "Points tsaka summary para sa report bukas. Tinransfer ko lahat ng naka-sulat sa notepad ko para maka-tulong sa'yo."
"Thanks, Winiata." binrowse niya isa-isa ang mga papel bago muling nagsalita "You're the best."
I smiled faintly. Hindi ko malaman kung magugustuhan ko ba ang sinabi niya o hindi. I just kept my mum and fixed our mess. Nagkalat ang mga crumpled papers sa mesa at ang pinagkainan namin. Pinagkaabalahan ko iyon para hindi lang ako naka-tunganga kay Jerome.
"Winiata, don't need to do that." Pigil niya sa akin nang makitang iniipon ko ang mga papel "I'll ask the maintenance to clean it up. It's not your job."
"A-alam ko pero.. kaya ko naman e. Hindi naman ito mahirap." Sinabi ko nang hindi siya tinitignan at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Narinig ko ang paggalaw ng upuan niya at sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya. Nanigas ako bigla dahil hinawakan niya ang aking kamay upang pigilan sa pagdampot ng paper plate. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang dapat gawin.
"Stop it. 'Wag mo ng pagurin ang sarili mo. You've had enough for today." inagaw niya mula sa akin ang mga papel at plato "Ang janitor na ang bahala dyan mamaya."
Hindi na lang ako sumagot at binawi ang kamay ko. Hindi ko matagalan na hawak niya ito, para akong napapaso. Kita ko ang pagkabigla ni Jerome sa aking ginawa pero hindi ko iyon pinansin.
Ito na naman. Aasa na naman ba ako? Dahil sa mga ipinapakita niya sa akin ay didiligan ko na naman ang pagkagusto ko sa kanya? No, it shouldn't be that way. Dapat ay unti-unti ko ng pinapatay ang nararamdaman ko sa kanya para matapos na ang kahibangang ito.
"Uhm," I cleared my throat "W-wala ka na bang ipapagawa?"
He put his hand in his pocket "Wala naman na. I got all I need so we're done."
"Kung ganon.. pwede na ba akong umuna? Baka kasi wala na akong maabutang bus ng ganitong oras."
"Okay. I'll just get my things." sabi niya habang sinasara ang laptop.
I blinked "H-ha?"
"Ihahatid na kita. It's late, delikadong umuwi kang mag-isa lalo na at nagcocommute ka lang."
Umiling ako agad. Ayoko. Ayoko na siyang makasama pa ng mas matagal. Sobra sobrang pagtiis na ang ginawa ko ngayong gabi at gusto kong matapos na ito. Nahihirapan na akong iwasan siya at balewalain ang lahat.
"H-hindi. Kaya kong umuwi mag-isa." sinikop ko agad ang mga gamit ko para maka-alis na "Hindi mo na ako kailangan pang ihatid."
"I insist, Winiata." Tumayo siya at humakbang palapit "Baka kung anong mangyari sa'yo and I don't want that. Antayin mo ako-."
BINABASA MO ANG
Stuck With The Billionaire
RomanceWiniata Gonzales was living a normal life of a twenty three year-old. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang takbo ng kanyang buhay. She had to live with the gorgeous, smoking hot and filthy rich Achilles Silvero. That's her payment for what...