Chapter Fifty Four
Disappointment
Pabigat ng pabigat ang mga hakbang ko habang pabalik ako ng bahay. Dumoble rin ang kaba sa aking dibdib dahil kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng pamilya ko kapag sinabi ko na sa kanila ang totoo. Ang mas ikinatatakot ko ay baka.. hindi nila matanggap.
Babalikan ko sana ang isa ko pang bag sa kusina ngunit napa-hinto ako. Naririnig ko mula sa aking kinatatayuan ang pag-uusap nina Mama at Kuya Levi. Siguro ay sa likod bahay dumaan ang kuya ko kaya hindi ko napansin. Sumandal ako sa pader at nakinig sa kanila.
"Nakita mo ba iyon, Levi?" hindi makapaniwalang turan ni Mama "Para siyang may sakit! Ang putla niya tapos nangangayayat. At tignan mo.. dala-dala niya pa ang mga damit niya! Ano ba ang nangyayari sa kapatid mo? Wala ba siyang sinasabi sa'yo?"
"Wala po, Mama." sagot ni Kuya Levi "Napansin ko rin po iyon. Tinanong ko naman siya pero ang sabi niya wala. Pero hindi ako naniniwala.. Kilala ko 'yang si Winiata. Hindi siya nagkakaganyan ng ganun-ganun na lang."
"Diyos ko.." my mother sighed "Baka nagkaproblema sa Maynila? Sa trabaho niya? Hindi naman iyon uuwi nang basta-basta at walang dahilan."
"Siguro nga po. Nakaka-siguro naman akong sasabihin sa atin ni Winiata kung ano man iyon, Ma, kaya antayin na lang natin siya. Na-text ko na rin po sina Papa at Kuya, parating na raw sila."
Yumuko ako at nagpakawala ng buntong hininga. Wala pa akong sinasabi ay nag-aalala na agad sila. Paano na lang mamaya, kapag sinabi ko na sa kanila? Would they worry still or they wouldn't even glance at me? Baka ituring nila akong isang kahihiyan.. Baka hindi nila matanggap ang bata. Naiisip ko pa lang iyon ay bumabaliktad na ang sikmura ko.
I caressed my tummy over my shirt. Everything's going to be okay, baby. Mommy's got you.
Hinila kong muli ang maleta at maingat iyong inakyat sa kwarto ko. I made sure the door was locked before I sank on the floor. Napa-hawak ako sa aking ulo at nanunubig na naman ang mga mata ko.
What have I done? Dahil sa mga ginawa ko at maling paniniwala, humantong ang lahat sa ganito. I ruined myself, I ruined my friends.. ang relasyon ni Joakim sa iba pa.. and later on, I would ruin my family as well. But I have to tell them. They need to know what's going on and I can't keep this forever. Sa ngayon, pinapahaba ko lang ang oras upang mag-ipon ng lakas ng loob at tamang mga salita. Kapag dumating na sina Kuya at Papa, tsaka ko sasabihin.
Pagtapos ng higit isang oras ay tinawag ako para bumaba at kumain. Kagat-kagat ko ang labi ko habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. My heart hammered inside my chest as I was thinking of facing my parents and brothers. Gosh! Gusto ko na lang magtago.
"Winiata," muli na namang kumatok si Kuya Levi sa pintuan "Lumabas ka na at kakain na. Ikaw na lang ang kulang."
"O-opo, Kuya. Susunod na ako."
"Bilisan mo na at 'wag mong antaying si Kuya Nico pa ang umakyat."
I sighed when I heard his footsteps descend. Hindi na talaga ako makakatakas pa. Tumayo na ako sa pagkaka-upo sa sahig at tinungo ang pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago iyon binuksan at lumabas.
As I went down the stairs, I could feel my chest get heavier and heavier. Isang palapag pababa ay para rin akong unti-unting nililisan ng hangin. Oh God, give me strength, please.. Sana ay makayanan kong lagpasan ang pagsubok na ito.
Naaninaw ko agad silang lahat, naka-upo na sa harap ng hapag at taimtim na nag-uusap. They all looked so serious. Siguro sinabi na ni Mama sa kanila ang napuna nila sa akin at iyon ang pinag-uusapan nila ngayon. I bit my lip and made my way in, going directly to my father.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Billionaire
RomantiekWiniata Gonzales was living a normal life of a twenty three year-old. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang takbo ng kanyang buhay. She had to live with the gorgeous, smoking hot and filthy rich Achilles Silvero. That's her payment for what...