Chapter Thirty Nine
Anything For You
I blinked at him, suprised and utterly shocked. Sinubukan kong buksan ang bibig ko upang magsalita ngunit walang lumabas. Kinailangan ko pang tumikhim at huminga para makabuo ng mga salita.
"La-laguna?" I squeaked.
"Yes, Laguna," muli siyang sumulyap sa akin "In Alaminos."
My heart leaped to my throat "A-anong gagawin natin sa A-alaminos?"
Huminto ang sasakyan nang magpula ang traffic light. Humarap ng tuluyan sa akin si Achilles at naka-kunot ang kanyang noo. I looked at him nervously then bit my lip. Bakit ba ang lakas ng kabog ng aking dibdib? Parang gustong tumalon ng puso ko palabas.
"We're going to visit your parents, Win. Jesus, what's wrong?" kinulong niya ang kaliwang kamay ko sa pareho niyang kamay "Why do you look so shaken up? Ayaw mo ba?"
"No!" mabilis kong sabi at medyo pasigaw "I mean, gusto ko. Gustong gusto, Achi."
"Then what's the matter? Bakit kinakabahan ka?"
Bumuga ako ng hangin at kinalma ang sarili ko "Kasi.. Hindi ko ine-expect na sa'yo manggagaling ito, us going to Alaminos. It's unusual for you to say it."
The light went from red to green so Achilles put his left hand on the wheel and the other around mind. He focused on the road again and said "Unusual? How so?"
"Well," I gulped "Ayaw mo akong payagan umuwi sa amin noong mga nakaraang taon. Kahit birthday ko, Pasko o Bagong Taon. Kahit isang araw lang ang hiling ko, humihindi ka. Kaya hindi ko alam kung bakit ngayon.. pupunta tayo."
Yumuko ako at naalala ang mga araw na iyon, noong mga unang taon kong kasama siya sa bahay. How I begged and cried for him to let me go home, sinabi ko sa kanya na kahit sandali lang at para lang makasama ang pamilya ko kahit ilang oras. But Achilles always said no. He never allowed me. Pagtapos ay ipapaalala niya sa akin kung bakit hindi maaari, kung bakit ako naroon sa kanyang bahay in the first place.
I saw him tensed, his grip on my hand tightened. Siguro ay pareho kami ng naalala. Lalo akong kinabahan dahil baka bigla niyang bawiin ang pagpunta namin sa Alaminos, ngunit lumambot ang kanyang paghawak sa aking kamay at pinadaanan niya ng kanyang hintuturo ang daliri ko, nilalaro ito.
"It's in the past, Win. And I regretted not letting you go home," bumuga siya ng hangin, tila nahihirapan din "Pero ngayon, papunta na tayo dun. You're going to see your parents.. we both will. I hope this can make up for the past years?"
Ramdam na ramdam ko ang lambing sa kanyang boses. Humahaplos ito sa aking puso at pinasasaya iyon. I held his hand tight and smiled as he glanced at my direction. Unti-unti ring sumilay ang ngiti sa kanyang labi na umabot sa kanyang mga mata.
"But can you promise me one thing?" Achilles asked seriously.
Kahit nag-aalangan ako ay maagap pa rin akong tumango "Hm. Ano ba 'yun?"
"Promise me, that you'll come with me." he pressed his lips together "Na hindi ka magpapaiwan sa Alaminos kasama ng pamilya mo. Tell me you are going back with me to Manila, Winiata."
Napa-titig lang ako sa kanya ng ilang minuto. Hindi makapaniwala sa hinihingi niya at sa pagsusumamo sa kanyang boses. Parang.. natatakot siya na hindi na ako sasama sa kanya.
Pilit akong tumawa "Bakit? Kasi wala ng magluluto para sa'yo? Tsaka maglilinis ng bahay?"
Achilles sighed "No. Kasi sa oras na makita mo ang pamilya mo, alam kong mananatili ka na.. at hindi ka na babalik sa akin."
BINABASA MO ANG
Stuck With The Billionaire
RomanceWiniata Gonzales was living a normal life of a twenty three year-old. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang takbo ng kanyang buhay. She had to live with the gorgeous, smoking hot and filthy rich Achilles Silvero. That's her payment for what...