Chapter Sixty One

99.2K 1.5K 93
                                    

Chapter Sixty One

Ang Paghaharap

Hindi ko alam kung saan ba balak ni Lizette ganapin ang pag-uusap naming dalawa, basta naka-sunod lang kami ni Ryan sa likuran niya. Hawak-hawak ko ang buhok ko dahil nililipad ito ng hangin habang pinagmamasdan ko ang matangkad na babae sa harap, ilang metro mula sa akin.

Kahit ang likuran ni Liz ay sumisigaw ng kagandahan. Umaalon-alon ang diretso niyang buhok sa hangin pero hindi niya inalintana. Na-depina ang kurba ng katawan niya sa maroon'g midriff na suot, at ang haba ng legs niya sa high waisted pants. Litaw din ang katangkaran niya kahit naka-sandals lang ito. Many girls feel envious of her kahit noong college pa lang kami dahil sa taglay niyang ganda. Noon, I admit, I'm one of those.

She's almost perfect, that's why men like Achilles and Jerome loved her. Si Lizette ang tipo ng babaeng pinapangarap ng lahat. But as the saying goes, no one's perfect. Kung ano ang kina-ganda ng kanyang panlabas na anyo ay kinasama naman ng kalooban niya.

Pumasok si Liz sa isang restaurant, 'di kalayuan sa SMI building. Kumunot ang noo ko roon pero wala rin naman akong magagawa kung hindi sumunod. We have to talk. We have to end this. Huminga ako ng malalim at tinatagan ang aking loob. You can do this, Win. Para sa inyo ni Achilles.. Para sa baby.

"Ma'am Winiata, dito na lang po ako mag-aantay sa labas," Ryan said "Tawagin niyo na lang ho ako kung may kailangan kayo."

I nodded and smiled tightly "Salamat, Ryan. Saglit lang ako."

Yumuko siya tsaka inabot ang pinto ng restaurant para pagbuksan ako. I breathed heavily again and sighed before stepping inside. Walang masyadong tao sa restau at bilang na bilang ang mga kumakain kaya mabilis kong nakita si Liz. Pinaglaruan ko ang mga nanginginig kong kamay at naglakad papunta sa kanya.

Pag-upo ko pa lang sa tapat niya, ramdam ko na agad ang tensyon. Naka-taas ang kilay ni Liz sa akin at nanatili lang akong naka-tingin sa kanya kahit abot-abot na ang kalabog ng dibdib ko. Mabuti na lang may dumating na waiter kaya pansamantalang naantala ang titigan namin.

"Our menu, Ma'am," aniya sabay bigay kay Liz at sa akin "I'll be your server this afternoon."

Nag-aalangan akong buksan ang menu dahil wala naman akong ganang kumain. Parang bumuhol bigla ang aking sikmura. Isa pa, hindi ko naman intensyon magtagal. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan dito pa. Akala ko sa kalapit na park lang kami pupunta.

"One glass of Merlot," diretsong sabi ni Lizette at binalik ang menu.

Kumunot ang noo ko. Wine? Ngayong alas tres ng hapon? Kakaiba talaga siya. I flipped the menu to the beverages list. I need to choose something passable, if not healthy. Iniisip ko rin ang baby at ang kalusugan ko.

"Uhm. Fresh lemonade ang akin. Salamat." sabi ko na lang.

Inulit pa ng waiter ang order namin bago niya kami iniwan. Muling bumalik ang namumuong tensyon sa amin ni Liz kanina pa. Her eyes pierced to mine while I struggled to keep myself calm and prim. Pinagdikit ko ang mga hita ko at hinayaan doon ang hindi mapakali kong mga kamay.

"I do not want to waste your time so I'll be straight with you, Winiata," kalmado ngunit may diing sabi ni Lizette "Tigilan mo na si Achilles at ibalik mo siya sa akin."

Napa-maang ako sa biglaan niyang sinabi. I blinked "A-ano?"

She raised her brow again "You heard me. Ibalik mo na sa akin si Achilles, Winiata. He's mine to begin with."

My breath hitched "Walang sa'yo, Liz. Hindi mo pagmamay-ari si Achilles para angkinin siya. Kung may dapat tumigil sa ating dalawa, ikaw iyon. Tigilan mo na ang kahibangan mo at pabayaan kami."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon