Chapter Fifty Five

96.9K 1.6K 215
                                    

Chapter Fifty Five

Come Back To Me

Nakatulugan ko na ang pag-iyak kaya paggising ko kinabukasan ay mugtong-mugto ang mga mata ko. Sobrang pagod ang buo kong katawan dahil sa nangyari kagabi ngunit hindi na uli ako makatulog. I ended up staring at my white ceiling while my mind was clouded with deep and unecessary thoughts.

Hindi pa rin naaalis sa aking isip ang salitang binitawan ni Kuya Nico kagabi. I am indeed a disappointment to them. Sino bang matinong babae ang mabubuntis nang walang tatayong ama sa dinadala niya? Masakit, oo. Pero iyon ang katotohanan. Masyado akong nagtiwala.. Masyado akong nagpalinlang at nagpabulag.

I sighed, closing my eyes to block off that memory. Ayoko na munang maalala. Pagod na pagod na ako. Sobrang sakit na ang dinadanas ko magmula pa noong isang araw. I'm so close to giving up.. but then I would always remember the innocent child inside me. Wala siyang kasalanan. Siya ang magpapasaya sa akin. That's why I willed myself to be strong for him or her.. for the both of us.

Kumakalam na ang aking sikmura dahil sa gutom ngunit wala akong balak bumangon at bumaba para kumain. I'd rather stay here and suffer than to see my family's grim faces. I've had enough. I wanted to be alone right now.

Mabuti na lang at may naitabi akong dalawang box ng oatmeal cookies sa aking maleta. Pinagtyagaan kong kainin iyon para kahit paano ay may laman ang aking tyan at hindi magutom ang bata sa sinapupunan ko. I nibbled on it, one pack at a time, caressing my belly while at it.

"Siguro mahilig ka sa apples, baby.." I whispered to my tummy and patted it "Iyon at iyon ang nilantakan natin kina Tito Joakim mo. Pati itong biskwit, apple flavored din."

Pinakiramdaman ko kung may gagalaw ba pero naalala kong iilang linggo pa lang pala akong buntis. Palagay ko ay napaka-liit pa nito at hindi pa buo ang parte ng mga katawan. Napa-nguso ako.

I ate, I stared at the ceiling and walls, I cried from time to time, I slept, then I woke up again and the cycle went on. Sa naka-lipas na mga oras ay iyon lang ang ginawa ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa pagbubuntis ko kaya napaka-sensitive ko o sadyang mabigat lang ang aking nararamdaman. Either way, I think it's insane.

Napa-lingon ako sa cellphone sa aking gilid, pinag-iisipan kung dapat bang buksan muli iyon. I've been itching to call Joakim or Suzanne but I was having second thoughts too. Sigurado akong magtatanong sila kung ano ang kinalabasan ng pag-uusap namin ng pamilya ko. Ano na ang isasagot ko sa kanila? I don't want to bother them or make them worry.

I was pulled away from my thoughts when I heard gentle knocks on my door. Lumakas ang kabog ng puso ko sa hindi malamang kadahilanan.

"Winiata," narinig kong tawag ni Kuya Levi tsaka muling kumatok "Gising ka na ba?"

Nanatili akong nakahiga at niyakap ng mas mahigpit ang unan ko. Dapat ba akong sumagot? Ano ang sasabihin ko? Pagbubuksan ko ba si Kuya Levi ng pinto?

Nakarinig ako ng iilang bulong sa labas. Mukhang hindi nag-iisa si Kuya Levi. Tama nga ang hinala ko dahil ilang sandali lang ay narinig ko naman ang boses ni Kuya Nico. I bit my lip as I listen to what he's saying from the outside.

"Winiata, lumabas ka na dyan. Kakain na ng tanghalian. Hindi ka na kumain kanina, masama 'yang nalilipasan ka."

I still didn't move even though I felt really hungry. Hindi ko alam pero natatakot akong lumabas. Natatakot akong harapin silang muli.

Nagpatuloy ang dalawa kong kapatid sa pagkatok at pagkumbinsi sa aking lumabas. Ngunit hindi ako nagpatinag at hinayaan lamang sila. Mapapagod din ang mga iyan, bababa din sila at titigilan na ang pagkatok. Siguro mamaya na lang ako bababa para kumain kapag nasiguro kong wala sila sa kusina. Kukuha lang ako ng makakain at iaakyat pabalik dito sa kwarto.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon