Chapter Forty Three
Mahal Ko
Inilapat ko ang kamay ko sa aking noo at lumakad-lakad "Kailangan ko ba talagang sumama sa'yo?"
"Yes. I mean, no, not really. But I need you there. Please, Winiata. Samahan mo na ako," Jerome begged "Saglit lang iyon, I promise."
Naupo ako sa sofa tsaka bumuga ng hangin "A formal party? Alam mo namang hindi ako mahilig sa ganoon, Jerome. Wala ka na bang ibang pwedeng isama maliban sa akin?"
"Well, it's actually a charity ball," tumikhim ito. "And.. Kay and I are still.. a bit off kaya hindi ko siya maaya. So I invited you instead. You're the only girl I trust the most next to my girlfriend. Winiata, pumayag ka na, sige na. How about a box of pizza?"
Hindi ko napigilan ang pagtawa dahil sa huli niyang sinabi "Sige, i-daan mo pa ako sa kahinaan ko ah. Kainis!"
"Is it a yes, then?" he asked with a hint of hope.
Kinagat ko ang labi ko. Wala naman sigurong masama kung sasama ako. I'll just accompany him as his friend, dahil wala ang not-so-ex-girlfriend niya para samahan siya. Besides, Sabado ngayon at wala naman akong lakad o gagawin. Might as well go with Jerome.. kahit na ayoko ng mga formal parties. It's for charity anyway.
"Titignan ko muna," sagot ko.
"Please say yes," pagsusumamo nito "The party's at--."
The doorbell rang so I stood immediately "Wait lang, ah. May tao yata."
"Sure," aniya.
Hawak ang cellphone sa tenga, tinakbo ko ang distansya ng sofa at pinto. Isang delivery boy ang bumungad sa akin pagbukas. May hawak siyang malaking puting kahon na may pulang laso sa ibabaw. I arched my brow. Gift for my birthday? Isang linggo na ang nakalipas.
"Miss Winiata Gonzales po?" basa ng delivery guy sa hawak na papel.
"Opo, ako nga,"
Inabot niya sa akin ang papel at ballpen "Paki-sign na lang po ito."
"Hold on a sec, Jerome," sabi ko sa cellphone tsaka inilagay iyon sa bulsa ng shorts ko.
Tinanggap ko ang delivery slip at pinirmahan. Pagkaraan ay inabot na sa akin ang napakalaking box at nagpaalam na ang lalaki. Sinara ko na ang pinto gamit ang aking paa dahil okyupado ng box ang dalawa kong kamay. I set the box on the coffee table and sat cross-legged on the floor, getting my cellphone again from my backpocket.
Ini-loud speaker ko iyon at ipinatong din sa mesa "Andyan ka pa?"
"Of course," bahagaya itong tumawa "I heard you have a package. Ikaw ah, ang aga may nagpapadala agad sa'yo."
"Che," I snickered.
Hinatak ko ang dulo ng laso para mawala ang buhol nito at binuksan ang kahon. Naka-umbok ang laman noon ngunit hindi ko makita kung ano dahil nakabalot pa ito sa Japanese paper. Kinuha ko na lang muna ang maliit na gift card sa ibabaw tsaka binasa.
Forgive the urgency, honey. I forgot to tell you for it slipped my mind. I want you to wear this tonight and be with me. Nandyan sa invitation ang mga details. I'll pick you up at around five. I'll see you, yes?
Missing you,
AchiNapa-ngiti ako. I'm missing him, too. Kahit Sabado kasi ay pumasok siya sa opisina para sa isang importanteng meeting. Dapat nga ay pupunta kami ng mall upang manood ng sine.. pero kailangan niyang pumasok. Kaya heto, naiwan akong mag-isa sa bahay.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Billionaire
RomansaWiniata Gonzales was living a normal life of a twenty three year-old. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang takbo ng kanyang buhay. She had to live with the gorgeous, smoking hot and filthy rich Achilles Silvero. That's her payment for what...