Chapter Ten
Jealous
Wala naman akong masyadong ginawa buong araw maliban sa samahan si Sir Jerome sa kanyang meetings. Ako ang naatasang magtake down ng notes at magtime ng minutes bilang kanyang sekretarya. No sweat. Maayos naman ang takbo ng dalawang meetings na dinaluhan namin.
Hindi nga ako maka-tingin ng maayos kay Sir nang hindi ngumingiti o pinapamulahan ng pisngi. Naaalala ko pa rin kasi ang mga rosas na binigay niya. Darn sweet! Not to mention na enpleyado lang niya ako. Pero kung ituring niya ako ay parang matalik na kaibigan.
"Good afternoon, gentlemen. This is Winiata Gonzales, my new secretary." pakilala niya sa akin.
Feeling ko nanlambot ang tuhod ko. Paano ba naman kasi, his hand was rested on the small of my back! Oh my!
Bandang alas singko ay umalis na si Sir Jerome. Muli akong nagpasalamat sa ibinigay niyang mga bulaklak at sa kape kaninang umaga. Iginawad niya sa akin ang nakakamatay niyang ngiti.
"You're welcome, Miss Gonzales. Small things. I'll see you on Monday."
Small things? Halos himatayin ako tapos small things lang iyon para sa kanya?! Paano na lang kung big things na? Jusko!
"Sige po, Sir. Ingat!" itinaas ko ang aking kanang kamay at kinawayan siya.
Ilang saglit lang ay bumaba na rin ako sa lobby upang doon na lang maghintay. Ang sabi ni Achilles ay five thirty ako dadaanan ni Kuya Fred, ang kanyang driver, pero laking gulat ko nang makita siya na naka-upo sa lounge habang nagbabasa ng dyaryo.
"Kuya Fred!" mabilis akong nagtungo sa kanya "Kanina ka pa ba? Sorry nagantay ka! Five thirty kasi ang alam kong dating mo kaya hindi pa ako bumaba."
"Utos ni Sir Achilles na sunduin ka ng alas singko, Ma'am. Baka raw maaga ang labas mo." Ibinaba niya ang binabasang dyaryo at ngumiti "Hindi naman ako nagantay ng matagal."
"Nako talaga iyang amo mo, Kuya!" napa-iling ako. "Asan na nga pala siya?"
Tumayo si Kuya Fred at lumabas na kami ng building "Nandoon pa, sa opisina. May tatapusin daw muna siya at susunod na lang sa restaurant."
Tumango na lang ako at sinundan si Kuya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kulay itim na Montero Sport tsaka sumakay sa driver's seat. In fairness, namiss ko ang sasakyang ito. Ilang buwan na rin ako g hindi naka-sakay dahil madalang kaming umalis ni Achilles ng sabay. Hindi katulad noon.
"Kumusta na, Kuya? Tagal nating hindi nagkita." I said, smiling.
Umismid siya "Eto, Ma'am, ganoon pa rin. Wala namang pinagbago bukod sa tumanda ang itsura ko."
"Parang hindi naman!" tumawa ako at sumabay naman siya "Ganyan pa rin ang itsura niyo kahit nung college pa ako."
"Wag mo na akong biruing, bata ka. Alam ko namang tumatanda na ako."
Si Kuya Fred na ang nakagisnan kong driver ni Achilles noong naging magkaibigan kami noong college. Kahit na marunong magmaneho ay pinilit pa rin si Achilles ng kanyang mga magulang na magkaroon ng taga-hatid at sundo. Kaya kapag lumalabas kami o naga-out of town, si Kuya Fred ang lagi naming kasama.
Masasabi kong ako ang pinaka close niya sa lahat ng mga kaibigan ni Achilles. Ako naman ang laging kasama ni Kamahalan. Mapa-party iyan, gimick, o sa mall lang, ako ang lagi niyang isinasama. But things changed nang dumating si Lizette..
"Ma'am?" Nabalik ako sa realidad nang narinig ko si Kuya Fred. Ibinaling ko ang aking tingin sa kanya "Okay ka lang?"
"A-ah. Oo, Kuya." pinilit kong tumawa "Tsaka anong 'Ma'am', Kuya Fred? Ito naman, masyadong pormal!"
BINABASA MO ANG
Stuck With The Billionaire
RomansaWiniata Gonzales was living a normal life of a twenty three year-old. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang takbo ng kanyang buhay. She had to live with the gorgeous, smoking hot and filthy rich Achilles Silvero. That's her payment for what...